Star-28

967 25 0
                                    

IVAN'S POV

Agad akong napasugod sa Eastward School nang may matanggap akong tawag. Hindi nila ma-contact ang parents nito kaya ako na lang ang tinawagan nila.

"Uncle!!! Huhuhuhu!!" Eto nadatnan ko sa pamangkin ko dito sa Principal's Office. Medyo madungis, may ilang gasgas ang katawan..

"Sh*T!! What's wrong, Miguel?!" Pagpapanic ko. Nilingon ko ang principal at ang teacher niya. "What's happened to my nephew?!"

"Calm down, Mr.Santos. Ang pagkakwento ng pamangkin mo ay tinulak siya ng ubod lakas ng classmate niya. Kahit kami ay naguguluhab dahil sa tulak eh nagkaganyan na ang kanyang itsura.." Paliwanag sa akin ng Principal.

Kumunot naman ang noo ko. Alam kong BULLY ang pamangkin ko, pero ngayon ko lang siya nakitang umiyak dahil kahit ako na uncle niya ay alam ko na ugali niyang matapang at ubod ng siga!!

"May mga ilan din ang nakasaksi young mga kaibigan niya at totoo ang mga sinasabi ng mga bata na parang may powers ang gumawa sa kanya.. Pero napaka-imposible nun.." Dagdag

Powers?

Nawala ang pakakunot ng noo ko at napalitan ng ngisi.

Si Calexy..

Pero gusto marinig mismo sakanila kung sino ang batang iyon kahit alam ko naman talaga na anak ni Jini yon. Sya lang naman may anak na ALIEN dito sa mundo. Psh..

"May I know kung sino ang batang iyon?" Kalmadong tanong ko sa kanila.

Bigla akong kinalbit ni Miguel.

"Uncle, his name is Calexy Hanston. He's my classmate.." Nakangusong sagot ni Miguel.

"Yes. Si Calexy Hanston ang may gawa niyan sa kanya." Sabi din ng Principal.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sinabi ko na ako ng bahalang pagsabihan ang pamangkin ko at sinabi ko na lang na masyado lang napaparanoid si Miguel sa mga napapanuod niyang superhero movies.

Habang nagbibyahe kami para ihatid siya sa kanila ay pinipilit niya pa rin akong maniwala sa sinasabi niya.

"Uncle, please believe me! And you know what? I saw with my two eyes na nagkulay Grey ang eyes niya when he got mad at me, uncle. Its scary.."

Sa sariling bibig na ng pamangkin ko lumalabas ang katotohanan. And I believing him. Pero hindi muna ako dapat magpadalos-dalos lalo na ngayon ay nagfifreak-out siya sa mga nakita niya.

Hininto ko saglit sa isang tabi tsaka ko siya nilingon.

"Miguel.."

"Yes, uncle?"

"Can you do me a favor?" He nodded nang napansin nyang seryoso ang tingin ko sa kanya. "Do everything para mas lalo pa siyang magalit sayo. Don't leave your sight on him. Bantayan mo ang kilos niya."

"Bantayan? Eh ang tahimik lang nga nun. Madalang lang tumawa kapag nakakarinig ng jokes."

"Basta. Just do what I've said kung gusto mong makuha ang PS3 nagustung-gusto mo.." Then a line formed into my lips.

"Wow!!" Tuwang-tuwa sabi ni Miguel. "Sige uncle, gagawin ko! Just promise me my PS3."

"Of course I will.." Tsaka ko ginulo ang buhok niya.

Calexy, kung ako sayo sisimulan ko ng kumalma..

JINI HAINE'S POV

Sinilip ko si Calexy sa kwarto niya kung ano ginagawa niya. Then I saw him watching Ben10. Napangiti naman ako.

"Hi baby.." Sabi ko nang pumasok ako sa room niya.

"Hello mommy.." Pilit na pagngiti niya sa akin. Napapout naman ako nang mapansin kong mukhang wala siya sa mood.

Tumabi ako sa kanya habang siya ay nakaninja seat sa kama at tutok na tutok siya sa pinapanuod niya. Wala talaga sa mood ang baby ko. Minsan kasi siya pa ang lalambing sa akin lalo na kapag stress ako sa work. Agad ko naman siyang niyakap habang nakatuon din ang paningin ko sa pinapanuod niya.

"Wala yata sa mood ang baby ko?"

"Mommy.." This time ay tumingin na siya sa akin pero walang ngiti sa labi niya.

"Yes, baby?"

"I'm feeling tired.."

"Tired? Why naman baby? Pagod ka ba sa school?" Umiling-iling siya. "Eh ano, baby?"

Bigla naman nilayo ang tingin niya sa akin.

"Sorry, mommy.. I got mad lately so I didn't control myself because he bullying me."

Kumunot naman ang noo ko.

"Baby, what are you saying? Sino nambubully sayo? And what do you mean na hindi mo nakontrol ang sarili mo? Baby, look at me and tell me the truth.." Sinunod naman niya ko. At nagsimula na kong kabahan..

"I think...they knew my powers, Mommy.. S-Sorry.." Sabi niya tsaka siya napayuko at yumakap sa akin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Naku hindi pwede to. Walang sinuman ang dapat ang makaalam ng totoong pagkatao ng anak ko. Mas lalo akong kinakabahan sa naisip ko kaya niyakap ko rin siya.

Nahihirapan ang baby ko..

[Ivan Santos at the side----]

--To be continued ......

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon