Star-55

960 26 0
                                    

3RD PERSON'S POV

STARNET…

Lahat ay nagluluksa ngayon dahil sa pagkamatay ng kanilang iginagalang na Officer, si Officer SIG10. Sa kadahilanang hindi na kaya nito ang sobrang paghihina ng puso at katawan niya sanhi ng pagkasasaksak sa nangyaring pakikipaglaban nila kay Professor G at ng mga Alien Zombies na kasama nito.

Ang katawan ngayon ni Officer SIG01 ay nasa isang crystal coffin. Habang may dalawang soldiers ang nasa gilid nito para bantayan. Si UTA135(Simon) ay tahimik na nag-iisip, at si GFA246(Lian) ay hindi pa rin maiwasang maging malungkot habang nasa kadungan niya ang anak na tahimik lang din.

"Naalala ko si ASA790(Shone).." Sabi UTA135(Simon), nilingon naman siya ng asawa. "He need to know about this.."

"How? W-Wag mong sabihing..."

"We're going back on Earth." Pakasabi nun ng hari  ay nilingon niya kanyang mag-ina. "Ako ng bahalang magsabi sa kanya ng lahat.. So get ready.."

Tumango naman si GFA246(Lian) bilang pang sang-ayon, and at the same time ay nakaramdam siya ng bahagyang pagka-excite dahil noon palang ay gustung-gusto na niyang bumalik sa Earth at manirahan ulit na parang ordinaryong tao.

"Baby, makikilala mo na ang second cousin mo." Nakangiting sabi ni GFA246(Lian) sa anak..

BERNARD'S POV

O Ano? Ngayon lang ako bumulaga? Haha!! Matanda na rin kasi ako at medyo marami na akong nararamdaman.

Papunta ako ngayon sa kumpanya ni Shone. Nabalitaan ko kay Jini na bumalik na rin sa pagiging Alien ang anak-anakan ko. Tsk! Tsk!

Pagpasok ko ay nakasalubong ko si Marion.

"Tatay Bernard. Nakuu~ Kumusta na po?"

Nakipagkamayan naman ako. "Eto matanda na talaga. Haha! Kumusta? Si Shone ba eh nandyan?"

"Mabuti naman po ako. And yes po, nasa office na siguro si Boss, katatapos lang kasi ng meeting kanina lang. Puntahan niyo na lang po."

"Ahh ganun ba? Salamat, salamat. Puntahan ko muna siya."

Pumasok ako sa elevator. Pagbukas noon ay dumerecho ako sa desk ng secretary niya.

"Good day po. May appointment po ba kayo kay Mr.CEO?"

"Ay wala. Hehe! Gusto ko lang siya makita.. Busy ba siya?"

"Hindi naman po.."

"Wag mo ng ipaalam. Ako na lang papasok, ah?" Sabi ko at tumango naman siya. Haaayy.. Ngayon lang ulit ako nagkaramdam ng kaba. Tsk! Tsk! Kumatok ako at binuksan ng dahan-dahan ang pinto.

Nabigla naman siya nang makita akong dumungaw.

"B-Ber--PA!"

Haha! Tama kayo ng basa! PA as in PAPA ang tawag niya sa akin simula nung ikinasal sila ni Jini at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa sya nasasanay.

Tumuloy na ko sa loob at lumapit naman siya sa akin.

"Oh? Haha! Kumusta? Busying-busy ang anak kong Alien. Haha!"

Hindi man lang nakitawa. Tsk! Bumalik na nga siya sa dati na suplado.

"Napabisita kayo? Have a seat."

Umupo naman ako sa couch at siya sa harapan ko.

"Eh.." Napakamot naman ako ng ulo.. Paano ko ba sisimulan? "Me'sasabihin ako..kuwan.."

"Huh? Bakit? Ano ba yun?"

"May napapansin ka na sa paligid mo?"

Napaisip naman siya.

"Wala.. Maliban lang sa mga nababalitaan ko sa mga news.. And there's nothing new. Why?"

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakita ko, pero imposible kayang maniwala siya?

"May sasabihin ako...at seryoso to, Shone.."

"What is it?"

"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero sa palagay ko ay may bumalik na Bad Alien dito sa mundo.."

Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"What?"

"Walang ka bang nararamdaman o hindi mo siya maramdaman?"

SHONE GRAY'S POV

Bahagya akong napalunok..

May nagbabalik? Pero imposible yun dahil napatay na namin ang kampon ni Professor G. na mas lalo na siya.

"Mukha ka talaga abala sa trabaho at pamilya."

"Siguro nga.. Pero wala talaga akong nararamdaman na gumagalang kapangyarihan ng kalaban... Maliban nalang kung tinago nila ang aura nila."

"Sige, dederechuhin na kita... Si Professor G. ang nakita ko nung nakaraan. At ubod lang siya ng tahimik ng makita ko siya na kung umasta ay parang ordinaryong tao lang."

Natigilan ako. And at the same time nagulat ako.. Ngayon palang nagtataka na ko?

HOW DID HE GET ALIVE?!?

"Sure ka na siya lang?"

"Oo..siya lang ang nakita ko.. Pero sa palagay mo. Kung bumalik ang kalaban ngayon, may posibilidad din bang bumalik yung dalawa?"

Did he referring to Lian and Simon?

Naalala ko yung noon... (season1: Special Chapter).. Kung paano namin pinasabog ang planeta nila pero nakatakas siya and that's we got failed.

"Babalik sila. I'm sure with that.."



--to be continued

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon