JINI HAINE'S POV
Hindi ko alam kung paano ko maiipapaliwanag sa iba lalo na kay Sir Marion at sa magulang ko ang tungkol sa pagbalik ni Shone dito sa Earth. Hindi ko maiwasang mapa-isip.
Si Shone na mismo ang naghatid sa akin kanina papunta dito sa company at ganun kay Calexy na hinatid niya sa school nito. Mamaya din ay susunduin niya ko, pero bago ako ay si Calexy muna.
Ahhh!!! ALAM KO NA!!
Agad kong tinawagan ang Secretary ko sa intercom.
"Secretary Aguilar, pwede mo bang papuntahin dito si Sir Marion ng Financial Head Department?"
[Yes, Madame. Anything else?]
"Hmm.. Do I have meetings?"
[Nothing, Madame..]
"Ahh.. Okay thank you."
[Anything, Madame]
Then after a few minutes ay biglang may kumatok.
"Good Morning, Madame!" Bati sa akin ni Sir Marion pagkapasok niya dito sa office.
"Morning. Sir Marion." I greeted back.
"Ay, Wow! Blooming natin ngayon, ah?!"
Nataasan ko naman siya ng kilay.
"Blooming ka dyan." Natatawa kong sabi.
"Anong meron at pinatawag mo ko?" Sabay upon niya sa couch.
"Ahh.. Ano kasi..." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. "Invite sana kita magdinner mamaya sa condo." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Woah! Really?! Oh gosh! Bakit? Hindi mo naman birthday ah?"
"Ahehe! Hindi nga. Basta punta ka na lang."
"Ako lang ba?"
"With my family."
"Ahh.. Nakauwi na kapatid mo from Australia?"
Napailing naman ako. "Basta. Secret lang muna. Hehe!"
"Woooo... That's new. Ayy sus, kung may ipapakilala ka mang boylet eh wag ka ng mahiya."
"Tsk! Basta! Secret!"
'Oo, boylet. Malamang asawa ko ang ipapakilala ko mamaya sa inyo. Hehehehe!'
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D