Star-56

918 22 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Gabi na.. Naisipan ni Jini nasilipin ang mag-daddy niya sa rooftop. Pagdating nya doon ay nadatnan niya si Shone na parang may sinabi ito kay Calexy, habang si Calexy ay seryosong nakatuon ang paningin sa lata na malayo sa kanila.

Ginusto na lamang ni Jini palihim niya panuodin ang mag-ama niya mula sa bintana ng pinto.

Inangat ni Calexy ang kamay niya at tinapat ang palad niya sa lata. At gamit ang isip ay gumalaw ng kusa ang lata hanggang sa mabilis na nasa hawak na ni Calexy ang lata.

"Okay great!"

"Daddy, can you teach how to use the teleportation?" Nakangiting sabi ni Calexy sa Daddy niya. Tapos sinenyasan niya ito na maglean down dahil may gusto siyang ibulong. Sununod naman ni Shone ang pinapagawa sa kanya ng anak. "I think mommy is here and she's watching us from behind of that door."

Natawa naman si Shone sa sinabi ng anak. Si Jini naman ay napansin niyang nagbubulungan na yung dalawa, napansin naman niya ang asawa tumango ito at sabay pa mga itong nagthumbs-up.

"Ahuhu!! May secret yata silang tinatago.." Nakapout na bulong ni Jini. Napansin naman niyang nagfocus na ulit si Calexy at pumikit ito..

Pinikit ni Calexy ang mga mata niya tulad ng utos ng kanyang daddy. Heto kasi ang simulang basic para matuto ang teleportation hanggang sa masanay ka na at kahit dilat na ang mga mata ay magagawa mo ng malaho basta isipin mo agad kung saan mo gustong pumunta.

Pagkatapos ng ilang minuto naglaho na si Calexy na ikinabigla nila.

"MOMMY!!!"

"AAHHH!! B-BABY?!?"

Napasigaw sa gulat si Jini nang biglang sumulpot sa harapan niya si Calexy. Tawang-tawa naman si anak niya sa kanya.

"Hahahaha!! Mommy I caught you!! Hihi!"

"Grabe ka, baby ko. Ginulat mo si Mommy eh.. Marunong ka ng gumanyan naku wag mo gagawin yan sa school." Paalala niya sa anak.

Tumango naman ang si Calexy. "Okay po mommy.."

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita niya si Shone nakangiti.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Shone kay Jini.

"H-Hindi naman. Tapos na ba kayo?"

Bumaba naman ang tingin nila kay Calexy na nakatingin lang din sa kanila.

"Do you want more?" Tanong naman ni Shone sa anak. Umiling naman ito.

"I think I'm feeling tired.." Sagot ni Calexy.

Bigla namang sumabat si Jini "Kahit noon nakakaramdam rin siya ng pagkapagod kapag nilalabas niya ang powers niya."

Agad namang binuhat ni Shone ang anak "Bata pa kasi kaya madaling mapagod.. Let's go?"

KINABUKASAN...

May nabalitaan na sila Shone at Jini mula sa balita na may tatlong tao ang namatay at isa ay sugatan dahil ito lang daw ang nakalaya mula sa isang hindi pangkaraniwang tao.

Nagkatingin naman ang mag-asawa.

---

"Wag kang aalis ng bahay. Maliwanag?" Bilin ni Shone sa asawa.

"Pero paano si Calexy?!" Pagaalalang tanong ni Jini.

"Ako na magsusundo sa kanya. Just stay here!"

Wala ng nagawa si Jini at sinunod na lamang ang asawa.

EASTWARD SCHOOL

Dumating ang hapon at labasan na nila Calexy, pero bilin sa kanya ng Daddy niya na wag basta-bastang lumabas ng gate ng school hangga't di pa siya dumarating. Kaya naisip niyang maupo sa bench para hintayin dumating ang daddy niya nang biglang may tumakip sa tela sa bibig ni Calexy mula sa likod, at may kung anong naamoy ang bata kaya agad nawalang ng malay. Binuhat ng lalaking nakatakit na itim mask ang bata at patakbong tumungo sa likod ng school at doon nagaabang ang isang puting van. Pinasok ang bata sa loob at mabilis na pinaharurot ito.

Dumating si Shone saktong alas-tres. Napansin niyang wala sa paligid si Calexy kaya sinubukan niyang puntahan ito sa classroom nito.

"Wala na pong mga bata diyan, Sir.." sabi ng isang teacher nang makita siya.

"Do you know where's Calexy?"

"Ahh! Ang alam ko po eh nagsilabasan na po silang lahat. Baka po nasa Kinder-GARDEN po siya. Doon niya po kasi mandalas hinihintay ang mommy niya.. Kayo po ang Daddy?"

Tumango naman si Shone. "Yes. I'm his father. Anyway, thanks." At mabilis tinungo si Shone ang Garden. At sinimulan niyang hanapin ang anak sa paligid. "Calexy?" Tawag niya sa anak pero ni anino ay wala siyang nakikita. Pinakiramdaman niya ang aura ng anak pero wala din. Hanggang sa nakarating siya isang bench at makita siyang folded paper doon.

Kung gusto mo pang makitang buhay ang mag-ina mo.. Pumunta ka ng MAG-ISA sa address na to.

Nailukot ni Shone ang papel pagkatapos niyang basahin ito. At umapaw ang galit niya kung sino ang nasa likod nito at kinakabahan din siya pagaalala sa kanyang mag-ina.


[Here at TAGAYTAY!!! YEHEY!! habang nasa biyahe e nakapag-udate ako! Hehe! Konting kapit pa mga Aliens, near to end na this! T.T]

--To be continued ...

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon