Dedicated to: Bug0ypalab0y
JINI HAINE'S POV
Pauwi na kami ni Shone at derecho kami ngayon sa mansion dahil tulad ng sabi ni Tatay ay pumunta daw kahapon sina Officer Montel at Prosecutor Lee sa mansion para makausap ako.
Ang tagal na rin pala namin hindi nagkamustahan. Siguro dahil abala din sila sa kanilang trabaho at pamilya.
Nalaman nila siguro na wala ako sa mansion kaya babalik sila ulit doon ngayon para personal na makausap ako. Siguradong magugulat ang dalawang iyon kapag nakita nilang nakabalik na si Shone dito.
"Sa tingin mo? Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita ka na nila?" Nakangiting sabi ko habang nakatuon ang tingin ko sa harap at habang si Shone ang nagdadrive.
"Of course, they will shock."
"Hmm.. Biglaan yata ang pagbisita nila sa akin. Alam din nila ang tungkol kay Calexy, pero syempre may tiwala naman ako na ililihim nila iyon tulad ng sa inyo."
Tumango naman siya. Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na kami sa mansion.
"Mommy!! Daddy!!" Sigaw agad ni Calexy ang sumalubong sa amin.
3RD PERSON'S POV
Agad tumakbo si Calexy papunta sa kanyang mommy at nagpabuhat ito.
"Kyaahh! Namiss kita baby ko kahit na one day lang kaming nawala ni Daddy. Hehe!" Sabay halik ni Jini sa pisngi ng anak.
"Yah. I missed you both." Nakangiting sabi ni Calexy. "Daddy~"
Ngumiti naman ng ubod ng lapad si Shone tsaka niya kinuha si Calexy sa asawa at kinarga ito.
"Hey, son. How's your day? Did you sleep well last night?"
"Yup! Yup! We play Uncle Pogi (Jett) a basketball And he said na madaya daw ako because I used my special power that's why he lose. Hihi!" Paliwanag ni Calexy sa daddy niya.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa.
Madaya nga. Hehe! Gumamit ba ng powers yang anak mo para manalo?
Napangisi naman si Shone kahit nakangiti nang mabasa niya ang isip ng asawa.
Bigla namang lumapit sa kanila ang isang maid.
"Ay, ma'am. Si Sir Julius po hinihintay na kayo sa may living room." Sabi nito kay Jini.
"Ay oo nga pala. Sige po, salamat."
Sabay ng bumasok sa loob ng bahay sina Jini at Shone na karga-karga pa rin si Calexy.
"Tay.." Tawag ni Jini sa kanyang Tatay katabi si Mama Carol na medyo abala sa pageentertain kina Officer Montel at Prosecutor Lee.
Sabay-sabay naman silang napalingon kina dereksyon ni Jini at tulad ng inaasahan ay nagulat ang dalawang bisita nang makita nila kung sino ang kasama ni Jini...
"Mr.CEO?/Mr.Hanston?" Sabay sabi ng dalawa habang nakaturo ang daliri ni Officer Montel kay Shone pagkakita nito.
Ngitian naman sila ni Shone.
"Kumusta? Long time, no see.." Bati niya sa dalawa.
----
Kwinento agad ni Shone lahat tungkol sa pagbabalik niya. Inalisan ng alaala na tungkol lahat kay Jini at sa kagustuhan niyang maging tao kapalit non ay kanyang kapangyarihan para lang makabalik dito.
Hindi makapaniwala ang dalawa dahil matagal na palang nakabalik dito si Shone sa mundo. Kinumusta din nila sina Simon at Lian, at syempre ay malabo na bumalik sila ulit dito dahil sinisiguro niya sa panahong ito ay isa ng ganap na hari ng Starnet si Simon.
Si Jini ay bahagyang nalungkot nang marinig iyon mula kay Shone. Bigla niya kasing namiss sila Simon at Lian kay napabugtong-hininga na lamang siya.
After nun. Kwinento naman ni Prosecutor Lee ang pagyayari noong nakaraang gabi.
"Sa totoo lang, hindi namin inaasahan na nandito ka. Si Miss Jini lang talaga sadya namin para makausap." Sabi ni Prosecutor Lee tsaka siya tumingin kay Jini. "Itatanong ko lang kung may nabalitaan ka na ba sa pangyayari sa may plaza?" At doon natigilan si Jini sa pagkabigla.
"Sa p-plaza? A-Anong--"
Si Shone naman ay seryosong nakikinig sa kanila.
"May isang gangster na nakaligtas at siguradong nasa prisinto na iyon ngayon. Pinuntahan namin siya sa ospital para kunan siya ng pahayam tungkol sa pangyayari."
Napalunok naman si Jini.
"What did the gangster said then?" Tanong ni Shone sa dalawa.
"Sabi niya na hindi pangkaraniwang tao ang gumawa sa kanila nun.. Kaya napaisip ako kung may nag-exist na naman bang alien. At ngayong nandito ka na pala...hindi kaya--"
"Ako nga. Ako may gawa nun sa kanila."
--To be continued …
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Bilim KurguRead first the Season 1!!! Thank you! :D