3RD PERSON'S POV
Hindi maiwasan ng apat na magalala sa takot at pangamba para kay Thea na alam nilang pare-pareho na nasa loob iyon pa iyon ng Hotel. Tinatanaw lang kasi nila mula sa malayo ang hotel kung saan nakaabang ang mga pulis sa harap ng hotel.
Wala silang magawa kundi ang maghintay na matapos ang ganapan doon habang naka-park silang isang tabi na may kalayuan sa hotel. At binalaan naman ni Jett ang dalawang lalaki na walang magtatangkang lumabas ng kotse dahil delikado.
Samantala sa loob naman ng hotel ...
Nagmamakaawa na si Prosecutor Lee sa sindikato na pakawalan na ang kanyang pamangkin na si Thea.
"HINDI! HANGGA'T HINDI KO NALALAMAN KUNG NA SAAN ANG TAONG HINAHANAP NAMIN!!" Sigaw ng lalaking may hawak kay Thea.
"Nandito pa sa hotel ang gamit ng taong hinahanap natin. At mukhang hindi siya nag-iisa! Siguradong lumabas iyon dito." Paliwanag ng isa pang sindikato.
"Anong kwarto?!"
"Room 302!"
Nanlaki ang mga mata ni Thea sa gulat nang marinig namin niya yung usapan ng mga lalaking ito.
OHMYGOD!! Sina Jett ba ang pakay nila dito? Oh no! Please tell me I'm just mishearing!!
Nalaman niya kasi ang room number nila Jett nang mabanggit iyon ni Anna na magkasama sila sa iisang kwarto ni Jett.
Mabilis tinutok ng lalaki ang baril niya sa mga pulis habang paurong silang nalalakad kasama si Thea na hawak p rin siya nito.
"WALANG LALAPIT!! KUNDI PAPUPUTUKIN KO TO!!" Turo ng lalaki kay Thea gamit ang baril. Habang si Thea naman patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nangmakarating na ng mga hostage ang exit. Ay agad din nilang tinapon si Thea kung saan. At doon na lamang kumilos ang mga pulis na habulin at paputukin ang mga nakatakas na bad guy.
Napapasigaw na sa takot si Thea habang tinatakpan niya ang kanyang mga tainga sa sunod-sunod na putok ng baril na naririnig niya mula sa mga pulis.
Agad namang napatakbo si Prosecutor Lee sa gawi niya at mabilis siyang niyakap nito ng mahigpit.
"TULUNGAN NYO ANG PAMANGKIN KO!!" Sigaw ni Prosecutor Lee sa mga ilang kasamahan niyang pulis. "Thea, don't be scared. Uncle is here. You're safe now! You're safe now! Okay?" Saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ng pamangkin.
"U-Uncle... Uncle.." Humahagulgol pa rin sa iyak si Thea habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ni Prosecutor Lee. At agad na nilang dinala si Thea sa malapit na ospital.
JETT IAN'S POV
Mabilis namin nasagap ang balita tungkol sa pangyayari kaya agad kaming pasugod dito sa hospital kung saan sinugod si Thea kaya nagsimula kaming nataranta.
"Nurse, may pasyente ba kayong nangangalang Thea Young?" Tanong ko.
"Yes, sir. Nasa room104 na po siya ngayon." Pagkasabi nun ng nurse ay patakbo kaming pumunta sa nasabing room.
Pagdating namin sa tapat ng room ay sakto namang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking nakacoat. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko bigla nang magkilala ko siya, at pati siya ay nabigla nang makita ako.
"P-Prosecutor Lee?!" Pautal kong tawag sa kanya.
"Oh! Jett Ian Aldeo?! Nandito ka rin pala sa Baguio?" Napalingon siya sa likuran ko. "May mga kasama ka pala. Teka! Bakit kayo nandito hospital. Kilala nyo ba pamangkin kong si Thea?"
At doon ako nagulat.
"Po? P-Pamangkin?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Nalingon naman ako sa mga kasamahan ko na halatang nagtataka sa reaction ko ngayon.
Mukhang kailangan na nilang malaman ang totoo na matagal na kaming magkakilala ni Thea.
[Haba! Umabot hanggang part4?! >_< Nakakamiss magtour sa Baguio. Hehehe! Naalala ko yung Heater na namin noon, SIRA!! Kaya nag-ala ICE BUCKET kaming naligo ng wala sa oras! =____=]
--to be continued ...
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Ciencia FicciónRead first the Season 1!!! Thank you! :D