[Pasensorry~ Hindi ko namalayang nabura pala ang part na to kaya ibabalik ko kaso ngalang Re-Type. :3]
JETT IAN'S POV
Lumipas na ang isang linggo matapos ang insidenteng nangyari sa Baguio, at nung umalis na si Anna pabalik ng Korea. Sumunod si Allen na umuwi na rin sa Australia. Si James ay bumalik na rin sa kanila sa Laguna.
Nakakalungkot nga lang dahil magiging LONG DISTANCE ang relationship namin Anna My Aein.. Pero kailangan ko din siyang intindihin dahil nag-aalala rin ang magulang niya. Sana may pagkakataon na makapunta ako ng Korea para mabisita ko siya doon. Sa ngayon kasi malabong magkapaggala ako dahil nabalitaan nila Tatay ang tungkol sa nangyaring shoot-out sa Baguio, at nalaman din nilang doon din kami naka-checkin sa Hotel na pinangyarihan. Kaya medyo napagalitan ako dahil sa masyado silang nagaalala at mabuti na lang din ay nandoon si Prosecutor Lee.
Kasalukuyan kaming naglalaro ni Calexy dito sa park ng basketball, may basketball court din kasi dito. Mabuti na lang kami lang ang tao dito at nakikita akong napapahiya sa batang kalaban ko!
Masyadong madaya!!! Ginagamit niya power instincts niya para mashoot niya yung bola.
"Calexy, tara na.. Pagod na si Uncle at bawal kang mapagod dahil birthday mo ngayon at may party ka pa mamaya."
Oo na pagod ako dahil ako ang tagakuha ng bola at ibibigay iyon sa kanya. Mangha-mangha naman ako habang pinapanuod siya dahil sa liit niyang yan nagagawa niyang maka-3points shot!
Loko talaga to..
Pero hindi ko maiwasang mainggit dahil may superpowers siya. Sana ako din may ganyang para maprotektahan ko ang mga mahal ko sa buhay. Akala ko sa superhero movies ko lang napapanuod ang mga ganitong taong may kakaibang powers……meron din palang nag-eexist sa reality.
Napansin kong lumapit sa akin si Calexy. "Let's go, uncle pogi."
"Okay. Halika. I'll give you a Piggy Ride Back."
"Alright.."
----
"Haayy~ Mabuti na lang at nakauwi na kayo at kailangan ko ng linisan yang baby ko." Salubong sa amin ni Ate Haine atsaka niya kinuha sa akin si Calexy. "Ay! Ian, may bisita ka pala." Sabi niya sa akin.
"Ha? Sino? Bakit ako? Eh di naman ako ang may birthday, ah!"
"Tss.. Kaibigan mo daw siya. Nasa veranda siya ini-entertain ni Mama. Sige na puntahan mo na." Sabi niya tsaka na sila pumanhik sa hagdan.
Sinunod ko na lamang siya. Sino naman kaya iyon? Kilala naman ni Ate si James kaya posibleng ibang tao iyon ang gusto akong makita, at alam ko mamaya pa darating si James eh! 6th birthday ni Calexy ngayon kaya ininbita ko yung lalaking iyon.
Papalapit na ko sa veranda nang may marinig ko si Mama na may kausap. Pagdating ko ay nakatalikod ang isang babae at kaharap niya si Mama.
"Oh! Nandyan kana pala Jett Ian!" Sabi ni Mama nang makita ako.
Dahan-dahan namang lumingon yung kausap ni Mama sa akin at nabigla ako kung sino ang babaeng ito.
"T-Thea?!"
"H-Hi!" Bati niya sa akin habang nakangiti.
"Pamangkin siya ni Prosecutor Lee. Nandito siya dahil siya ang nag-abot ng regalo ng uncle niya para kay Baby Calexy. Sabi niya rin na magkakilala na kayo." Sabi ni Mama.
Tumango naman ako.
"O-Opo.. Hehe!" Naiilang na sabi ko sabay kamot ko pa sa ulo ko.
"O siya kukuha muna ako ng makakain--"
"Ay! Wag na po--" awat ni Thea, pero sumabat ako.
"Sige po, Ma. Gutom na rin ako. Hehehe!"
"Okay. Just wait for me here."
Pagkalabas ni Mama ng veranda ay naiwan kami ni Thea na medyo awkward ang dating. O baka ako lang ang naiilang dito?
"K-Kumusta ka na?" Tanong niya.. "Nalaman ko ang pag-alis nila Anna at Allen."
"Oo eh .. Ganun talaga, kailangan ko silang intindihin eh.. Ikaw ba? Ayos ka na ba?"
"Yup! Pero ayoko ng bumalik sa Baguio hehe!" Bahagya akong natawa at ganun din siya. "Sige. Uuwi na ko.."
"Ha? Bat naman? Aga pa atsaka pupunta rin dito si James." ngumiti ako sa kanya. "Dito ka na muna, samahan mo ko."
--to be continued …
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
FantascienzaRead first the Season 1!!! Thank you! :D