Star-19 (Part2)

1.3K 42 0
                                    

JINI HAINE'S POV

Bakit ka ganun? Bigla na lang sumakit ang ulo niya. Nag-aalala na ko ng masyado. At dahil may nagdoorbell ay agad ko itong binuksan at tama ang hula ko. Sina Tatay, Mama at Sir Marion. At hindi ko inaasahang may dala silang pasalubong na pagkain.

"Pasok po, Tatay, Mama, Sir Marion." Sabi ko sa kanila.

"Ah eh.. Anak, bakit mo ba kami inimbita bigla ngayong gabi? Ang gwapo kong apo na saan?" Tanong ni Tatay.

"Ahh.. Nasa living room po, nanunuod."

"Oh? Ano na? May sasabihin ka ba o may ipapakilala ka sa amin?" Sabik na tanong ni Sir Marion.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nasa entrance palang kami ng pinto at kung anu-ano ang tanong nila sa akin.

"Who's there?"

Narinig kong boses ni Shone. At napansin ko ang pagkagulat nila nang tumingin sila sa likuran ko.

"OH MY GHAAAAD!!" Hindi makapaniwalang gulat nila Mama Carol at Sir Marion. Si Tatay ay na-istatwa sa gulat at nakapagsalita. Ako naman ay napalunok habang papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat.

Napansin ko ang pangiti ni Shone sa kanila. Sabagay, ako lang naman ang hindi niya maalala, eh.. :3

Hindi maiwasan ni Sir Marion mangiyak. "Juice coloooored! Jini, sampalin mo na ko, NOW NA!! Baka magising ako, DALIIII!!"

Natawa naman ako. "Hindi ka nananaginip. This is true, he's really back. My husband.........is back." Sabi na may ngiti sa labi.

Napansin ko na lumapit sa tabi ko si Shone.

"Marion? Sir, Ma'am.." Sabi niya kay Sir Marion at sa magulang ko.

"Oo ako ngaaa!! Huhuhu!!" Sabay lapit niya kay Shone saka sila nagyakapan. "Mabuti na lang dumating kana. Ako ang kanang kamay ng asawa mo ng wala ka, Boss!"

"Boss?" Pagtatakang tanong ni Shone.

Muli akong napalunok.

"Ahh.. Ano... Kasi, sa totoo...h-hindi niya ko maalala. P-Pero kayo ay naalala niya." Nakatingin sila akin.

"Anak..."

"O-Okay lang po ako, Tatay. Alam ko naman na maalala niya ko, Hindi man ngayon..pero tamang panahon."

SHONE GRAY'S POV

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mata ni Jini. Pinipigilan niyang naluha, at ramdam ko ang pagkainggit sa kanya. Inggit na ang mga kasama niya ay naalala ko pero siya hindi.

"H-Halina kayo, magkukwento pa kami." Aya sa amin ni Jini.

Lahat kami ay nasa dining area na. Si Calexy ay nasa pagitan ng kanyang lolo't lola, at halata sa mukha nila ang pananabik sa apo.

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kanila na nandito sila sa tabi ni Jini habang wala ako.

Kahit na naalala ko sila, ay may mga piraso pa rin akong memorya na hindi ko maalala.

Nagsimula nang magkwento si Jini tungkol sa paano kami nagkitang dalawa at kung bakit ako nakabalik.

"Eh sina Lian at Papa Simon?" Tanong ni Marion kaya napatingin sila sa akin.

"I guess, siya na ngayon namumuno sa Starnet. Dahil bago ako umalis ay nasa under training pa rin siya. Ganun din si Lian, pero mas madalas nasa anak nila ang atensyon niya."

"Oh my! How's their child? It is a boy or a girl?"

Napangiti naman ako. "Its a girl. Her name is Alecsa in Earth's Name."

Tumango-tango naman sila.

"Hindi ko tinanggap ang pusisyon na mamuno sa planeta namin dahil nandito sa Earth ang reyna ko." Nakangising sabi ko tsaka ko nilingon si Jini na katabi ko. Then I her blushed. She so dann cute. Haha!

"Ayiiieh! I'm happy for both of you. Siguro ako kung nandito si Ian, I'm sure baka himatayin pa yun kapag nakita ka iho. Hahaha" natatawang sabi ng Mama ni Jini.

Bigla akong natigilan. Oo nga pala, si Jett Ian, na saan na yun?

"Tama po kayo, Mama." Tumingin sa akin si Jini "Siguro naman kilala mo ang pilyong kapatid ko. Haha! Wala soya dito sa Pilipinas, nag-aral siya nagcollege sa Australia at hanggang ngayon ay nandoon pa siya. Makakausap mo sya via Skype sa susunod."

"Haine, sabihin mo sa kapatid mo na umuwi na. Mukhang gumagala lang yan si Ian doon." Sabi ng Tatay ni Jini.

"Opo, Tay."

----

Nandito ako sa veranda para mapahangin. Gabi na at nakatingin lang ako sa bituin sa itaas. I admit, namimiss ko ang Starnet pero nandito ang asawa't anak ko at may responsibilidad ako sa kanila. Pasensya na ama, I'm sure galit na galit yun dahil sa pagtakas ko.

Kailangan ko lang hanapin ang tinibok ng puso ko. At ngayong nahanap ko na siya, hindi na ko magdadalawang-isip na bumalik pa sa Starnet.

Hindi ko man maalala si Jini pero sisiguraduhin kong......mamahalin ko siya ng tapat.

--To be continued...

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon