THEA'S POV
Another one week had passed.. Medyo okay na si Jett pero ... wala na siyang pakealam sa lahat, napa-cold na ng dating niya. Sinabi ko sa ate niya kung pwede ako na lang magaasikaso kay Jett, pumayag naman siya.
At ngayon nandito ako sa condo niya para bisitahin siya. Si James naman ay kahapon pumunta na rin dito, kinausap niya pero parang wala din.
Pumasok ako sa kwarto niya at doon ko siya nakitang naggigitara. Marunong pala niyan? I love guitars pa naman..
"Jett, sabi ng Ate mo kain ka daw nito. Sabi niya kasi mahilig ka sa seafoods lalo na hipon, ang...l-lalaki pa naman nito." Sabi ko habang diring-diri akong tingnan ang mga hipon na nasa Tupperware na hawak na may kasamang rice.
"Ayoko. Kainin mo." Cold niyang sabi.
"Ehh.. Kasi... A-Allergy ako d-dito---"
"Itapon mo."
Ha! Anong sabi niya? Itapon ko? Itatapon ko ang pinaghirapan kong lutuin? Kahit allergy ako dito e ginawa ko ang best ko para makagawa lang sweet sang soar shrimps nato!!
Padabog kong nilapag sa side table niya yung Tupperware at nagulat siya sa inasta ko.
"KAIN!! KAKAIN KA O SUSUBUAN KITA?!?! Alam mo kahit ALLERGY ako sa shrimps e niluto ko pa rin yan para sayo? Tsaka isipin mo naman yung mga tao sa paligid mo, ginagawa ang makakaya nila para pasaya ka lang! Tapos---"
"Sino ka para pagsabihan ako? May sinabi ba ko ipagluto mo ko? Napasiyahin ako? WALA!!"
"Wala nga pero isipin mo naman nag-aalala na sila sa kalagayan mo?"
"Hindi ko kailangan ng pagaalala niyo. Umalis ka na."
Napasinghot ako. Pakiramdama ko ay maiiyak na naman ako.
"Ano bang dapat kong gawin para makalimutan mo siya?! Alam mo ba na humingi ng pabor sa akin si Anna?" Nakatingin lang siya sa akin na mukhang interesadong makinig. "Gusto niya na dito lang ako sa tabi mo. Na hindi kita iiwan tulad ng ginawa niya sayo. At...ang gusto niya pasiyahin kita, gusto niyang maging masaya ka. Nangako ako sa hiling niya KAYA UMAYOS KA DAHIL KAPAG SUMUKO AKO AY PAGSISIHAN MO NA PINAKAWALAN MO PA AKO!!" At doon na kusang tumulo ang luha ko.
Nabigla naman siya sa pagsigaw-sigaw ko. Leche! Gusto pa pala nito ang sinisigaw para magising e. Nakakainis! He's so damn NUMB!!
"Umayos ka.." Sabi ko pagkapahid ko sa luha ko. "Aalis tayo.. At sana kahit ngayong araw lang kalimutan mo muna siya... At ako na muna ang isipin mo..yung tayong dalawa lang.. Nakikiusap ako..kahit ngayon lang.." Pagkasabi ko noon ay mabilis akong lumabas ng kwarto niya.
JETT IAN'S POV
Walang sasalita sa amin. Siya ang nagdadrive at wala akong idea kung saan niya ako dadalhin para makalimot.
'sana kahit ngayong araw lang kalimutan mo muna siya... At ako na muna ang isipin mo..yung tayong dalawa lang..'
Ginawa niya to dahil sa hiling ni Anna. Para ang bading ko para gawin niya ito sa akin. Napatingin ako sa langitan..
Heto ba ang gusto ni Anna? Ang maging masaya ako sa piling ng hindi ko mahal?
Hindi ko namalayan na nakarating kami dito sa.... STAR CITY?!?! Napatingin naman ako sa kanya.
"Ayokong dalhin ka sa E.K, maaalala mo kasi siya doon." Nakangiting sabi niya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "How did you know?"
"Tss... I saw everything, that's all! Wag ka ng magtanong! Baba na!" Bumaba naman ako agad ng kotse niya.
Aaahh.. Alam ko na. Nasa theater siya kaya posibleng niyang nasaksihan niya din ang pagpropose ko kay Anna noon?
Nagulat ako na para bang nabuhayan ang dugo ko nang maramdama ko ang kuryente galing sa kamay niya... MAGKAHOLDING HANDS KAMI!! Napalunok ako.
"Heto lang alam ko na pwede kang maging masaya. Halika na! First time ko dito kaya mong sanang sirain ang pagkakataon.." Nakangiting sabi niya sabay kindat pa. At tuluyan na niyang akong hinila kung saan.
Tug! dug! Tug!dug! Tug! dug!
Tug! dug! Tug! dug! Tug! dug!
Tug! dug! Tug! dug! Tug! dug!--to be continued ...
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
SciencefictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D