JETT IAN'S POV
"Jett, anak! Please naman buksan mo tong pinto!!"
"Ian!! Mag-usap tayo, buksan mo to, pakiusap!!"
Sigaw nila Tatay at Ate mula sa labas ng kwarto ko.
Kahapon pa ko nagkukulong dito sa condo.. Ni wala pa kong kain.. Tulala..
Napapikit ako at napayukom ko ang kamao ko. Nagsimula naman akong maiyak. Kahapon pa ko kaganito simula nang malaman ko lahat kay Thea na ang girlfriend kong si Anna...
…patay na..
Patay na ang mahal ko..
*FLASHBACK*
Nagkita kami ni Thea sa isang park. Ang sabi niya kasi may sasabihin siya sa akin kaya pumayag naman akong makipagmeet sa kanya.
Pagdating ko nadatnan ko siyang tulala. Nakaupo siya sa isang bench kaya tumabi ako.
"Uy!" Tawag ko sa kanya. Matamlay naman siyang tumingin sa akin. "Bat ganyan itsura mo?"
"Ahh.. W-Wala.. May iniisip lang ako.."
"Anong iniisip mo? At saka bakit gusto mong makipagkita sa akin?"
"Yun nga e.. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sayo.."
"Na ano?"
May hinugot siyang tablet mula sa bag niya. In-open niya ito at kung anu-anong pinidot iyon. Napansin ko pa nga kamay niya na medyo nanginginig pa. Pagkatapos noon may inabot niya sa akin yung tablet.
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D