Chapter 63

1.4K 61 21
                                        

Wala na kaming sinayang na oras at dali-dali na rin kaming apat na tumakbo papunta sa ICU.








Pagdating doon ay agad kaming sinalubong nina tita at tito.








"Ano pong nangyari, tita?" Kinakabahan kong tanong.










"H-hindi rin namin alam, bigla na lang tumunog ang Flatliner." Umiiyak na sagot ni tita Erica habang nakayakap ito kay tito Zyrus.









Pare-pareho kaming napalingon sa loob ng biglang mas nataranta ang mga nurse dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtunog ang Flatliner.








"G-gaano na po katagal sinusubukan i-revive ng doctor si Zera?" Naiiyak na tanong ni Ame.









"Halos 5 minuto na rin." Sagot ni tito Zyrus.








Pare-pareho na kaming umiiyak at kinakabahan habang pinapanood ang mga nurse at doctor na sinusubukan pa rin i-revive si Zera.









"What's going on here?" Napalingon kami ng marinig namin ang boses ni mommy.








"Mommy." Umiiyak kong tawag sa kanya bago lumapit at yumakap.








Niyakap naman ako pabalik ni mommy habang hinahaplos ang likod ko.








"Anak, anong nangyari?" Tiningnan ko si momma na ngayon ay hinahaplos ang buhok ko habang tinatanong 'yon.








"Si Z-zera po." Humihikbi kong sagot bago tinuro ang ICU.








Agad naman silang lumingon doon at kitang-kita ang gulat sa mga mata nila ng makita ang kalagayan ni Zera.








Binalik nila ulit ang tingin sa akin at pareho akong niyakap habang pinapakalma.








Napatingin ako sa baba ko ng maramdaman kong may yumakap sa mga binti ko.








Bumungad sa akin ang kapatid kong si Venine na nakangiti ng maliit sa akin habang nakatingala.








"Don't cry, ate, everything will be alright." Napangiti ako dahil sa sinabi ng kapatid ko tsaka ako tumango.








"Jam!" Pare-pareho kaming lahat na gulat na lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon ni ate Celeste.








"A-ate." Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mommy at momma para humarap kay ate na ngayon ay parang nagmamadali.








Pinaalis ko ang mga luha sa mata ko gamit ang kamay ko.








"Jam." Nagtataka ko siyang tiningnan dahil parang hindi siya mapakali.








"Bakit po?" Hindi siya sumagot at bumuntong hininga lang. "Ate? May problem ba? Sabihin mo na, ano ba 'yon?"








"This is about Avianna." Agad na tinambol ng kaba ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Avi.








"B-bakit? M-may nangyari ba kay Avi?"








"Jam, she plans to leave the country with Kenneth today, and if you can't catch up with them, there's a big chance you'll never see her again." Parang bigla akong nanghina dahil sa sinabi ni ate.









Tears Of PainStories to obsess over. Discover now