Chapter 66

1.7K 71 32
                                        

"Good morning po." Kanya-kanyang bati sa akin ng mga empleyado pagpasok ko sa kompanya.









"Good morning din sa inyong lahat." Nakangiti rin na bati ko sa kanila habang naglalakad palapit sa elevator.








Agad akong pumasok sa elevator pagkabukas nito at pinindot ang floor ng opisina ko.








Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad akong lumabas at nagsimula ulit maglakad habang patuloy ako na binabati ng mga empleyado ko.








"Jam."








Huminto ako sa harap ng table ni Charmaine dahil bigla siyang tumayo at tinawag ako.








"Charmaine, good morning." Nakangiting bati ko sa kanya.








"Good morning din." Nakangiti rin niyang bati. "Oo nga pala, pinapabigay ni ma'am Zadra." Agad kong tinanggap ang binigay niya sa akin na maliit na paper bag.








"Alam mo kapag narinig ka ni Zadra na tinatawag mo siyang ma'am siguradong sasawayin ka na naman niya, alam mo naman na ayaw niya na tinatawag mo siyang ma'am dahil kaibigan na rin ang turing niya sa'yo." Naiiling kong sabi sa kanya.








"Hindi niya naman malalaman." Natatawang saad niya.








Napailing-iling na lang ako tsaka ko tiningnan ulit ang hawak kong paper bag bago ko ulit inangat ang tingin ko sa kanya.








"Ano pala 'to?" Nagtataka kong tanong.








"Gamot mo raw, hindi siya makakapunta ngayon dahil marami raw siyang pasyente kaya dinaan niya na lang 'yan dito kanina at sinabi niya na ako na raw ang bahalang mag-abot sa'yo."








"Gano'n ba? Sige, thank you." Agad naman siyang tumango.








"Inumin mo 'yan mamaya, baka makalimutan mo na naman." Naniningkit ang mga mata niyang saad.








"Huwag ka mag-alala, iinumin ko 'to." Natatawang sabi ko.








"Siguraduhin mo lang, lagot ka talaga sa akin lalo na kay ma'am Zadra." Nakangiti akong tumayo ng maayos at sumaludo sa kanya.








"Yes ma'am!" Napangiwi na lang siya dahil sa kalokohan ko.








"Pumasok ka na nga sa office mo, mamaya pag-usapan na naman tayo na may relasyon." Aangal pa sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong balikat at pinatalikod ako habang tinutulak papasok sa office ko.








"Charmaine—"








"Pumasok ka na, sasabihan na lang kita mamaya kapag nandito na ang mga Investors at new Investor." Wala na akong nagawa dahil natulak niya na ako papasok sa loob ng office ko bago niya sinara ang pinto.








Natatawa akong napailing dahil sa ginawa niya.








Hindi naman halata na takot siyang mapag-usapan na naman kami na may relasyon.








Ilang beses na kasi kaming na issue rito sa kompanya na may relasyon dahil sa closeness namin at dahil na rin sa biruan namin.








Tears Of PainStories to obsess over. Discover now