Chapter 65

1.6K 62 14
                                        

"Ang tagal mo, saan ka ba nanggaling?" 'Yan agad ang bungad na tanong ni Ame pagdating ko sa bahay nila Samantha.








"Dumaan pa ako sa sementeryo, dinalaw ko lang sina Blaire at lolo. Dumaan na rin ako sa mall para bumili ng regalo."








"Kaya pala natagalan ka." Tumango lang ako sa sinabi ni Green bago umupo sa sofa.








"Saan pala sina Blue?" Tanong ko sa dalawa habang lumilinga.








"Si Blue at Elyse nasa garden kasama ang mga bata habang si Samantha naman ay nasa kusina." Lumingon ako kay Ame bago tumango sa sagot niya.








"Eh, si ate? Saan siya?" Tanong ko kay Green.








"Nasa guest room." Agad niyang sagot.








"Anong ginagawa niya roon? Natutulog?" Nagtataka kong tanong.








"Hindi, nagpapahinga lang siya habang binabantayan si baby Cereen." Natatawa niyang sagot.








"Akala ko natutulog na siya, 8:30 pa lang kaya ang aga pa para matulog." Nakangiwing sabi ko kaya mas lalong natawa si Green, gano'n din si Ame.








Hindi pa nga ako tumatagal sa pagkakaupo ay bigla namang dumating si Samantha.








"Oh, nandiyan ka na pala." Nakangiting sabi niya na mukhang galing sa kusina.








Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya.








"Sorry kung late ako." Nahihiyang sabi ko.








"Okay lang." Natatawang sabi niya naman.








"Oo nga pala, saan ang inaanak ko?" Nakangiting tanong ko.








"Nasa garden, naglalaro kasama ang mga pinsan at kaibigan niya." Napatango-tango naman ako. "Teka, ipapatawag ko." Agad naman akong umiling sa sinabi niya.








"Huwag na, mamaya na lang siguro. Hayaan muna natin siya maglaro."








"Sigurado ka ba?" Naniniguro niyang tanong.








"Oo naman." Nakangiting sagot ko na may kasama pang pagtango.








"Okay, sige."








"Ah, nandiyan ba siya?" Mahina kong tanong sa kanya.








"Oo, kanina ka pa rin niya hinihintay. Nandoon siya sa kwarto namin may inaasikaso lang pero pababa na rin 'yon mamaya." Nakangiting sagot niya. "Halika, kumain ka muna." Aya niya sa akin.








"Okay." Nilingon ko sina Green at Ame na nakatingin na ngayon sa amin ni Samantha. "Tara, kain tayo." Aya ko sa dalawa.








"Tapos na kami kumain." Sagot ni Ame.








"Sige, kakain muna ako." Paalam ko sa dalawa na agad naman nilang tinanguan.








Sabay kaming pumunta ni Samantha sa kusina nila habang hawak-hawak ko pa rin ang paper bag na may lamang regalo para sa inaanak ko.








Tears Of PainStories to obsess over. Discover now