Napa-angat ako ng tingin nang may kumakatok sa pintuan ng office ko.
"Come in." Mahinang sigaw ko, sakto lang para marinig ng taong nasa labas at kumakatok.
Agad naman itong bumukas bago pumasok ang secretary ko.
Sinarado niya muna ang pinto bago naglakad at huminto mismo sa harap ko.
"Ano 'yon? May kailangan ka ba?" Mahinahon kong tanong.
"Ah, nasa labas si ma'am Zadra." Napakurap-kurap ako dahil sa gulat.
"Ano? Nandito na siya?" Gulat kong tanong.
"Oo."
"S-sige, papasukin mo na lang siya." Agad namang tumango ang secretary ko bago umalis at lumabas para tawagin si Zadra.
Wala pang isang minuto ay bumukas ulit ang pinto ng office ko at agad na pumasok si Zadra.
Nakasimangot siyang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Hindi ka man lang tumawag o nag-text na pupunta ka." Mahinang sabi ko.
"Were you surprised?" Masungit niyang tanong habang naglalakad palapit sa sofa ko.
Umupo siya roon habang nakasandal at naka-krus ang mga braso.
"Oo, akala ko kasi nasa Australia ka pa kaya nagulat ako ng sabihin ni Charmaine na nasa labas ka raw."
"Kaya pala ganyan ang reaksyon mo." Natatawa naman akong tumango sa sinabi niya.
"Kumusta naman ang ilang araw mo na pag-stay ulit sa Australia?" Nakangiti kong tanong.
"Okay naman, I'm just a bit tired from the trip, but I still enjoyed it because of our family reunion." Nakangiti niya rin na sagot.
"Sana nag-text ka o tumawag sa akin para nasundo kita."
"I wanted to surprise you, and besides, my driver picked me up."
"Ang hilig mo talaga sa surprise."
"Of course." Natatawang sabi niya naman kaya napailing-iling na lang ako.
"By the way, may lakad ka ba ngayon?"
"Wala naman, why?"
"Birthday kasi ng inaanak ko ngayon at gusto kitang isama dahil alam kong miss ka na rin nila Blue lalo na ni Ame." Nakangiti kong pang-aasar sa kanya kaya inirapan niya ako.
"Psh." Natawa ako dahil namumula siya. "Tumigil ka nga." Naiinis niyang saway kaya agad naman akong tumigil sa pagtawa.
"Sasama ka ba o hindi?" Nakangising tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan kaya mas lalo akong natawa.
Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Agad niya naman itong kinuha sa bag niya at sinagot.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
