Chapter 67

3.8K 90 97
                                        

"Jam? Okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Charmaine dahil bigla siyang nagsalita.








"H-huh?" Nagtataka kong tanong.








"Huwag mo na sagutin, halata naman na hindi ka okay." Nakangiwi niyang sagot habang umiiling-iling.








"A-ah HAHAHAHA, o-okay lang ako." Pilit tawa kong saad.








"Okay, kunwari okay ka kahit hindi naman."








"Okay lang nga ako." Nakasimangot kong sambit bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya.








Ginala ko ang tingin ko sa loob ng conference room at nagulat ako dahil wala na pa lang tao, tanging kami na lang ni Cham ang natira.








"Saan na sila?!" Kunot noo kong tanong bago ko binalik ang tingin ko sa kanya.








"Nasa labas na, sa sobrang pagkatulala mo hindi mo namalayan na nakalabas na sila tapos sumasang-ayon ka lang sa lahat ng mga sinasabi nila kanina sa meeting." Salubong ang kilay na napayuko ako.








"Gano'n na ba ako ka-lutang kaya hindi ko namalayan na tapos na pala ang meeting?" Takang tanong ko sa sarili ko pero mukhang narinig ng katabi ko dahil sinagot niya ang tanong ko.








"Oo kaya tumayo ka na dahil nasa labas pa sila at naghihintay sa'yo dahil gusto ka nilang makasabay kumain ng lunch." Napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya habang siya naman ay tumayo na at inayos ang mga papeles na nasa lamesa.








"Huh? Kailan nila ako inaya? Saan ako nun? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko narinig?" Sunod-sunod kong tanong dahil sa sobrang pagtataka.








"Kanina, dito lang din sa conference room pero dahil sa pagkatulala mo kaya sumasagot ka lang ng oo."








"Pero bakit hindi ko nga alam? Bakit hindi ko narinig?"








"Kasi nga lutang ka." Inirapan niya ako tsaka siya tumalikod para umalis na pero nakaka-isang hakbang pa lang siya ng bigla niya akong nilingon. "Ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na at huwag mo na silang paghintayin pa sa labas." Masungit niyang sambit.








"Ito na po ma'am, tatayo na." Nakasimangot kong saad bago tumayo.









Sungit amputa.








Minsan talaga sa aming dalawa siya pa ang mas boss.








All our company employees call me Jam because I don't like being called 'sir' or anything like that. I prefer it when we're treated like friends. However, when there are visitors or outsiders around, they call me 'sir', but when they're gone, they go back to calling me Jam, which I prefer.








Inirapan niya muna ako bago binuksan ang pinto at tuluyang lumabas, agad naman akong sumunod sa kanya palabas bago ko tuluyang sinara ang pintong nasa likod ko.








I straightened up and looked at the people in front of me, but my gaze quickly landed on Avi, who was now staring at me too.








Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa mga kasama namin.








"Tara na."








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears Of PainStories to obsess over. Discover now