Chapter 1: Sophia Raniel

17.4K 274 6
                                    

Sora's POV:

" 'nang.. Sige na 'nang.. Payagan nyo na akong mag trabaho sa Maynila. Malaki ang kita doon at para makatulong na din ako sa inyo nila Tyong Berto.."Pagmamakaawa ko sa aking ina. Kasalukuyang kumakain kami ngayon ng Hapunan. Nasa tabi ko si inay at katapat ko naman sa hapag si Tyong Berto na kapatid ni Inay at ang anak niyang si Chito na pinsan ko. Hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa.

Ako nga pala si Sophia Raniel Makamandag. Sosyal nga ang pangalan ko pero mahirap lang kami at laking probinsiya. Bente Anyos. Single Mom si Inay kaya dalawa lang kami. Sabi ni Inay wala na daw si Itay pumanaw na daw sabi niya. Ni picture nga wala ako kaya di ko alam ang itsura niya pero sabi niya hawig daw ako sa kanya lalo na daw lung naging lalaki ako.

Kasama namin sa bahay ang kapatid ni mama na si Tyong Berto at ang anak nito na si Chito, wala naman itong ina . namatay daw sa panganganak sa pinsan ko. Close kami ni Chito.

High school lang ang na graduate ko dahil hindi na ako kayang pag aralin pa ni Inay. Pagkatapos ng pag aaral ko tumulong na ako kay Inay sa kanyang mga trabaho tulad ng paglalaba at pagtitinda sa palengke ng Gulay.

Pero hindi porque nasa probinsiya kami ay wala na kaming alam sa kabihasnan, meron naman. May T.v. kami para sa mga balita at mga palabas sa telebesyon. At may cellphone din ako kaso di -keypad na black and white.

"Sige na Maring, payagan mo na yang anak mo malaki na siya , pwede na siyang mag desisyon sa sarili niya."Pag sang ayon ni Tyong Berto. Buti nalang may kakampi ako.

"Kuya naman, delikado ang Maynila. Maraming masasamang tao dun. Ayokong mapahamak si Sora dahil diyan sa kagustuhan niya. Pwede naman niya akong matulungan sa pagtatrabaho dito."Pag tanggi naman ni Inay.

" 'nang, kasama ko naman si Buding dun sa Maynila doon sa ate niya, tutulungan niya kaming makahanap ng trabaho. Dalawang linggo nalang aalis na si Buding."Nung nakaraang araw ay kinausap ako ni Buding, malapit ko siyang kaibigan. Kababata ko na siya. Ang ate niya ay nagta trabaho sa Maynila at kinukuha siya nito para doon na din magtrabaho.

Magka iba kami ni Buding , siya kasi ay nakapag aral ng kolehiyo dito sa amin dahil na din sa nanay niyang nagtatrabaho kay Mayor. Nagkaroon siya ng scholarship. Samantalang ako ay tumutulong noon kay Inay.

"Huwag mong antayin na maubos ang pasensiya ko Sora. Pag sinabi kong hindi, hindi. " Tumayo na si Inay. Naiwan naman kaming tatlo sa hapag. Batid kong napuno na si Inay dahil sa pangungulit ko dito.

"Yaan mo na ang Nanay mo." Ani Tiyo sa akin.

"Bakit ba kasi gusto mong pumunta sa Maynila? Ano bang meron dun?"Tanong ni Chito habang patuloy sa pagkain.

"Gusto ko lang naman makatulong dito sa bahay. At isa pa, gusto kong mag kolehiyo. Pangarap ko din namang makatapos ng pag aaral katulad ni Buding" Paliwanag ko dito.

"Huwag kang mag alala Sora, kukumbinsihin ko ang Nanay Maring mo na makaluwas ka"Panglalakas sa loob na sabi ni Tyong Berto. Buti nalang at may Mabait akong tiyo at pinsan.

"Ano Sora, pinayagan ka na ba ni Aling Maring na sumama sa akin papuntang Maynila.?" Tanong sa akin ni Buding
Lingggo ngayon at kakalabas lang namin ng simbahan.

"Hindi nga e. Hindi ko ata kapalaran ang pumunta ng Maynila." Malungkot kong pahayag dito.

"Hay naku. Akala ko pa naman magkakasama na tayo sa Maynila. Excited pa naman akong kasama ka. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko dito."

"Ganon talaga. Gustuhin ko man kung ayaw naman ni Inay wala din akong magagawa."

"Sora!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aming likuran, sabay kaming napalingon ni Buding. Si Kaloy ang tumawag sa amin at lumapit. Medyo hapo pa ito sa pag sasalita.

"Ang tyong Berto mo, inatake sa puso. Nandon siya ngayon sa pagamutan." Bungad niya sa amin at halos bumagsak ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Agad naman naming pinuntahan si Tyong Berto. Pagdating namin naroon si Chito na nagbabantay. Nakahiga naman si Tyong Berto sa higaan dito. At mahimbing na natutulog. Nilapitan namin siya ni Buding.

"Anong nangyari kay Tyong ?" Tanong ko kay Chito.

"Hindi ko alam Sora, bigla nalang siya inatake habang nagtatrabho kami sa sakahan. Ngayon ko lang nalaman na may sakit pala siya sa puso. Hindi man lang siya nagsasabi sa akin."Mangiyak ngiyak na sabi ni Chito. Di alintana ang aming presensiya para sa paparating niyang luha. Lalaki siya. Ayaw man yang ipakita na nanghihina siya pero ramdam ko iyon.

Ilang saglit lang ay dumating na din si Inay. Galing siguro ito sa baba ng gusali. May dala itong piraso ng papel na naglalaman ng mga gamot. Reseta sa madaling sabi.

"Dala ko na ang mga bibilhing gamot ni kuya Berto kasama ang kasalukuyang bill ng ospital."Tinignan ko yung bill sa Ospital. Medyo may kataasan kahit ilang oras pa lang siyang namamalagi.

"Wag kang mag alala chito, maghahanap tayo ng paraan para makabayad." Ani Inay dito.

"Tiya Maring. Ako dapat ang gumagawa ng paraan hindi kayo."

"Ano ka ba, magkaka mag anak tayo, sino pa bang magtutulungan? Di ba tayo tayo din?"

"Tama si Inay, Chito. Wag kang mag alala, tutulong din ako." Hindi pa pwedeng ilabas si Tyong Berto dahil i-e-examine pa raw siya ng doktor. Mga dalawa o apat na araw pa daw ito mamamalagi sa ospital. Subalit kami naman ang nag aalangan para sa babayaran sa Ospital.

"Umuwi na tayo malaki na ata ang bill natin dito. Isa pa kaya ko na ang sarili ko." Saad ni Tyong Berto.

"Tyong, wag nga kayong ganyan, sundin nalang natin ang doktor niyo. Wag niyo nading alalahanin ang babayaran dito kami na ang bahala."

"Pinsan. Salamat talaga ha. Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo ni Tyang Maring."

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Inay kasama ang doktor ni Tyong Berto.

May mga bagay itong pinaliwanag sa amin at nakakalungkot mang isipin ay kailangan daw operahan si Tiyo sa lalong madaling panahon. May ugat daw kasi na nababarahan kaya hirap ang puso niya sa pagtibok. Nai rekomenda nadin kami sa isang pribadong ospital na kompleto ang kagamitan pero may isa kaming problema, may kamahalan ang pag papaopera ni Tyong Berto. Hindi basta basta mauutang sa aming mga kakilala.

"Saan tayo kukuha ng one hundred thousand sa pag papa opera ni Itay, Tiyang Maring? Yung forthy thousand nga na pinambayad natin sa ospital ang hirap ng utangin ang one hundred thousand pa kaya?" Tuluyan ng umiyak si Chito sa balikat ni Inay. Nahihirapan nadin siya. Kakalabas lang namin sa Ospital. Salamat nadin sa mga kaibigan na nautangan ni Inay.

Malalim na ang gabi ngunit si Inay ay gising pa din. Nasa bakuran siya at Malalim ang iniisip.

" 'Nang, ayos lang ba kayo?" Lumapit ako dito.

"Yung totoo anak?, hindi. Nalulungkot ako. Ayokong mawala sa atin ang Tiyong Berto mo. Siya nalang ang kamag anak ko. Kaso, gustuhin ko man na mapa opera siya, wala naman akong sapat na pera para doon."

Huminga muna ako ng malalim.

" 'nang, may isa pa po tayong paraan para diyan."

"Ano naman yun?"

"Payagan nyo na akong mag Maynila. Pag nagka trabaho na ako dun ipapadala ko kaagad para mabayaran na ang utang niyo pati na din ang pag papa opera ni Tyong Berto mapag ipunan na natin. Ayoko ding mawala si Tyong. Naging ama ko na siya. At isa pa, paano na si Chito? Kaya 'nang, payagan niyo na ako. Please?"Naniniwala akong heto nalang ang natitirang paraan para kay Tyong. Mahal namin si Tyong Berto. Naiiyak na din si Inay habang kausap ako.

"Pero Sora, mahirap ang buhay sa Maynila, maraming masasamang loob doon."

" 'nang naman, buhay ni Tyong ang nakasalalay dito. Isa pa, mag iingat ako. Kasama ko naman si Buding kaya wag na kayong mag alala. Payagan nyo na ako ha?"Tumango nalang si Inay. Salamat naman at sumang ayon na din siya.

"Wag kayong mag alala, itetext ko kayo minu-minuto para hindi na kayo mag alala sa akin. " Niyakap ko nalang si Inay. Gagawin ko lahat para sa aking pamilya.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon