Chapter 51:Broken Hearted

4.3K 95 2
                                    

Chard's POV:

"And finally, we are here!" Sabi ni Ate Jane habang tinutulak ang bagahe namin. Paglakad ko palang sa loob ng airport ay dagsa agad ang fans ko sa labas.

Alam na alam nila sched ko ha.  At dahil mabait ako lumapit ako sa kanila. Nagpapicture, autograph at kumaway.

Buti nalang at nakasakay kami agad sa sasakyan.

" You are so famous Anak! I'm so proud of you " Natutuwang saad ni Mama.

"Mana mana lang yan. Di ba anak?" Natawa ako sa sinabi ni Papa.

Sa ilang araw na pananatili namin sa ibang bansa ay naging masaya ako. Nakabonding ko sila mama at papa. Nakausap ko ng mabuti.

Miss na miss ko sila. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag kasama ko sila.

Pakiramdam na naranasan ko din sa isang tao na naging malapit na sa puso ko.

"Sora.." bulong ko sa sarili ko.

Miss na miss ko na siya.

Ilang araw kaming walang komunikasyon.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya pero sa kabilang banda nagkaroon ako ng time sa family ko.

"Kumain muna tayo." Yaya ni Mama.

"I'm sorry ma hindi ako makakasama sa lunch niyo. May Rehearsal kasi kami ngayon with my band." Ngayon ang schedule nun kaya hindi ko pwedeng hindi puntahan. Pinagbigyan na nga nila ako na magkaron ng bakasyon.

"Ok. Ibababa ka nalang namin sa studio." Tumango nalang ako sa sinabi ni Ate.

Mahigit kalahating oras ang byahe bago namin natungo ang studio. Bumaba ako ng sasakyan at nagpaalam kila Mama.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang studio.

Nang marating ko ang studio, papasok na sana ako nang marinig kong magsalita si Elyx.

"Alam na kaya niya?"-Elyx.

"Hindi pa sa siguro dahil kung alam niya na o napanood niya na yun edi sana nauna na siya sa ating umuwi dito."-Sean.

May pakiramdam akong ako ang tinutukoy nila. Hindi muna ako pumasok at hinayaan ko silang magsalita.

Ano ba yung dapat kong malaman?

"Sabi ko kasi sa inyo sabihin na natin."-Elyx.

"Baka kasi masaktan siya."- Sean

"Masasaktan padin naman siya kapag nalaman niya iyon." -Mico

"Bakit kasi sa dinami rami ng babaeng liligawan ni Sam si Sora pa?" Biglang nagpintig ang tenga ko sa sinabi ni Elyx.

Nakuyom ko ang kamao ko.

Sinabihan ko na siya di ba?

"Tingin mo sila na?"-Dale

"Base sa video at comments na nabasa ko doon mukhang oo."-Sean.

Hindi ko na napigilan kaya Pumasok na ako sa loob. Laking gulat nila ng makita nila ako mula sa malapader na salamin ng studio.

"Oh!Chard!You're here!Long time no see! Kamusta ang bonding woth the family?" Hindi ko siya pinansin at nilapitan si Sean.

"What Video?" Hindi siya sumagot. Tinignan ko siya sa mata pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Tell me what video you are talking about?!!" Pasigaw kong tanong sa kanya, sa kanila. Iniabot niya sa akin ang phone niya at pinanood ko ang Video.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon