Chard's POV:
"Sino itong sikat na artista at leader ng boyband ang napag alamang isa palang beki. Clue, may drama siyang ginagawa ngayon."
"What the hell is this? It's obvious na ikaw ang tinutukoy dito!" Nandito kami sa condo ko kaharap si Ms. Jane. Biglang napasugod ng mabasa niya sa social media ang article na ito at karamihan sa comment ay name ko ang nakalagay, naka hastag pa.
"Is it dejavu?" Parang naulit na itong eksena na ito.
"Dejavu? Hoy Richard, wala akong panahon sa dejavu dejavu nayan, sagutin mo ang tanong ko? Ano to?" Tinuturo niya pa yung nakalagay sa tablet na hawak niya.
"Anong sasagutin ko? Hindi ka naman nagtatanong. And one thing, did you think I am Gay? For real? Haha." Sarkastiko kong tawa. Ako bakla? Takte. Sa gwapo kong ito magiging bakla ako? Porque walang girlfriend bakla na?
"Look ate, kilala mo ako. At kahit kailan hindi ako nanghiram ng gamit mo kaya paano mo masasabing bakla ako ha? Chismis lang yan ate. "Kapatid ko ba talaga siya? Bakit parang di niya ako kilala.
"Malay ko ba? Baka mamaya pagwala ako sa paligid mo nag iiba ka na pala ng anyo." Ha? Seryoso? Napasabunot ako ng ulo ko at natadyakan ko pa ang sofa na nasa tabi ko.
"Ate naman! Hindi nga ako bakla! Hindi ! Hindi ! At hindi!" Naiinis na talaga ako. Kung sino man ang nagpakalat nito malilintikan sa akin.
*Phone ringing
Phone ni ate yung nagriring at sinagot din niya pero naka kunot noo to.
"What? Teka lang sir, baka pwedeng pag usapan yan..." Parang alam ko na kung tungkol saan yun. Pagktapos siyang kausapin ay tumingin siya sa akin ng pagkalungkot lungkot.
"Anong mukha yan ate?" Tinignan ako ng masama.
"Aaarrghh!! Bwisit!" Sigaw nito. Hala. Nabaliw na.
"Bakit? Anong problema?" Huminga siya ng malalim.
"Suspended ka for Two weeks."
"What? Why? How about my drama? My endorsment? Dahil sa false issue na yan isususpend nila ako?" Anak ng.. Kainis. Ganun ba ka big deal yun?
"Magpatawag ka ate ng PressCon, lilinawin ko ang lahat. Bwisit!"
"Oh sige. Aayusin natin to. For now, babalik na ako sa shop ko." Pagka alis ni Miss Jane ay siya namang dating ni Sora. Inutusan ko kasi siyang bumili ng beer.
"Heto na po sir." Iniabot niya sa akin yung pinabili ko.
"Bwisit! Pag nakita ko or nalaman ko kung sino ang nagkalat ng chismis na yun, mabubugbog ko."
"Ha? A..ano po bang nangyari?" Kumuha ako ng beer at ininum ito.
"May nagkalat na Bakla daw ako. What the heck! Ang daming naniwala sa chismis and the worst thing, suspended ako ng two weeks, bwisit! Pagnakita ko talaga yun, malalagot siya sa akin." Galit kong sabi. Napahawak ako sa sentido ko. Takte! Matatanggap ko pa kung tungkol sa babae ang issue kaso Bakla? What!
Habang nainom ako ng beer ay chineck ko ang social media account ko at nagulat ako sa nakita ko doon na dahilan para mabuga ko yung iniinum ko.
Picture ko na may kahalikan na lalake. Pwee! Halatang edit pero nakakainit ng ulo. May caption pa ang wala! Dahil doon ay kinontact ko si Miss Jane.
"Ate, natawagan mo na ba ang yung sa presscon?"
"Yup at hindi sila pumayag sa gusto mo. 'Wag daw muna ngayon, you need a vacation."
"What? Ganun ganun lang? The hell! Ano to? Tatakasan ko nalang yung issue? Parang lumalabas na guilty ako, na totoo yung chismis? Ate naman!"
"Ginawa ko naman ang lahat Richard pero hindi nila ako pinakinggan. Para maging maayos, sundin nalang natin ang gusto nila. I know na mas makakabuti yun. " binabaan na ako ni Ate.
Binato ko sa sofa yung phone ko.
"Bwisit!" Mahina kong sabi.
"Aaa..sir, may iuutos pa ba kayo?" Tanong ni Sora.
"Wala." Tinungga ko yung beer at dinala sa kwarto ang mga natitirang beer. Doon ko pinagpatuloy inumin. Tutal bakasyon ko naman, feel free akong uminom ngayon.
Sora's POV:
Ano ba itong nagawa ko? Feeling ko ako ang may kasalanan nito. Siguro may nakarinig sa akin sa c.r. that time at kinalat na ang chismis. Patay!
Ngayong araw ay magdamag na nagkulong sa kwarto si sir Richard. Kinakatok ko siya pero lagi niyang sagot na iwanan ko siya mag isa.
*tok tok
"Sir, handa na po ang hapunan. Kumain po muna kayo." Hindi siya sumagot.
*tok tok
"Sir?" Nung hindi pa siya sumagot ay binuksan ko na ang kwarto niya at bumalandra sa akin ang lasing na lasing na si Sir Richard. Nagkalat ang mga beer in can na pinabili niya kanina. Mukhang nasaktan ata siya ng husto sa balita tungkol sa kanya.
"Sir. Kumain na po kayo." Nilapitan ko siya. Nakasandal siya sa higaan. Nakapikit ang mata. Tatapikin ko sana ng bigla siyang magsalita.
"Ma.. Please? Don't leave. Good boy ako promise. Please? Dito ka nalang sa amin. " Bigla itong umiyak.
"Sir.."
"Ma.. *sub. Dito nalang kayo ni Papa magwork. Hindi na ako magpapasaway. I need you.Please?" Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng awa. Mapalad pala talaga ako dahil kahit mahirap kami, nandyan naman ang Nanang ko para sa akin samantalang siya na angat sa buhay ay malungkot pala. Hinawakan ko ang mukha niya. Kinuha din niya ang kamay ko at hinalikan ito habang nakapikit. Siguro ini-imagine niya na ako ang Mama niya.
"Tahan na." Mahina kong sagot. Niyakap ko siya para macomfort ko siya.
Nagi-guilty ako. Oo. Aminin ko naging masama siya sa akin pero di ko naman ine-expect na ganto pala ang mangyayari. Parang mas masama pa ako sa kanya.
Nangkakalas na ako ay parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.
"Si..sir? Sir? " niyuyugyog ko siya. Naku. Nakatulog na ata sa kalasingan. Iniayos ko siya at inihiga. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso at magsalitang muli siya.
"Ma. Dito kalang, please?" Sige. Mag transform muna ako bilang mama niya sa ngayon.
"Tabihan mo ako ma. Para makatulog ako." Parang bata niyang sabi. Siguro ganto talaga siya maglambing sa mama niya. Hindi na ako nagsalita pa. Tumabi na ako sa kanya. Para siyang bata ng yakapin niya ako. Medyo nakakailang pero kailangan kong tiisin bilang ako muna ang nanay niya ngayon.
"Good night ma." Sabi pa niya at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa paghalik sa pisngi ko. Pakiramdam ko tuloy namumula na ang mukha ko. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Mga ilang minuto lang ay pakiramdam ko nakatulog na siya. Tumagilid ako ng higa para makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Mula noo hanggang baba ng kanyang mukha ay perfect. Ang tangos ng ilong. Ang haba ng pilikmata at mapupulang labi na malambot pag dumadampi.
Umiling iling ako. Ano ba 'tong naiisip ko. Juice colored! Pero balik tayo sa mukha niya. Ang inosente niyang tignan at napakabait kung tititigan pero pag nakausap mo na at nakasama ng matagal ay! Grabe! Parang gustuhin mo nalang na tulog siya.
Hindi ko namalayan sa pagtitig ko sa kanya ay nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...