Sora's POV:
"Happy Birthday to you"
"Happy Birthday to you"
"Happy Birthday, Happy Birthday"
" Happy Birthday to you!"Dahan kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Tatay na may hawak na cake.
Sumandal ako sa headboard ng kama ko at nagkusot pa ng mata.
"Tatay." Umupo siya sa gilid ng kama.
"Happy Birthday to my dearest daughter. " Ang aga aga naman nito at pakiramdam ko maiiyak ako.
Ngayon na pala ang kaarawan ko. Natutuwa naman ako sa ginawa ni tatay. Ngayon ko Naranasan ito. At ngayon lang ulit ako nahandaan ng cake.
Isang beses lang ako nahandaan ni Nanang ng Cake noong 18 years old ako dahil hindi naman namin kaya ang ganoong pagkain tapos nagpapancit nalang. At ngayon ang ikalawang Beses na nakatanggap ako ng cake sa kaarawan ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
Naramdaman kong pinunasan ni Tatay ang luha ko. Ngayon, masasabi kong kompleto na ako. Naramdaman ko ang pakiramdam na magkaron ng ama. Na dati ay kinaiinggitan ko sa iba.
"Stop Crying my very beautiful daughter." Tumango ako at ngumiti.
"Masaya lang po ako. 18 years old po nung huli akong nakatanggap ng cake at ngayon nalang ulit. At masaya po ako na kasama ko kayo sa espesiyal na araw ko." Inilapag niya ang hawak na cake at Hinawakan ang kamay ko.
"Simula pa lang ito Sora. Madami pa akong gagawin para makabawi sa oras na hindi tayo magkasama, yung mga oras na wala ako sa tabi mo."
"Salamat po Tay."
"Stop that Drama, let's go sa baba at may aasikasuhin pa tayo."
"Sige po Tay, maliligo lang po ako." Pagkalabas ni Tatay ay dumiretso na agad ako sa banyo at nag ayos ng sarili.
Matapos kong mag ayos ay hinanap ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan sina Nanang.
Hindi sila makakapunta sa Birthday ko dahil nasa Ospital padin si Tiyo Berto at good news dahil nailipat na siya sa Ward. Binati nila ako sa kabilang linya.
Ilang minuto lang iyon at bumaba na din ako. Naabutan kong nasa sala si Tita G.,Tatay , Samantha at sina Miss Lea at Miss Sushmita.
"Happy Birthday hija!"- Tita G.
"Happy Birthday Ate Sora!"-Samantha.
"Happy Birthday."-Miss Leah and Miss Sushmita.
"Thank you po."
"Come here Anak." Lumapit naman ako.
"Tadaa! Do you like it hija?" Hawak ngayon ni Tita G. ang gown na kulay peach at may kahabaan. Mala cindellera ang itsura. Ang ganda ng gown.
"O..opo. Ang ganda." Sabi ko at nakita ko naman ang pagluwag ng hinga ng dalawang gumawa ng damit.
"I knew it! Sabi ko na nga bang magugustuhan mo! Tama talaga ako ng napiling designer." nagpasalamat naman ako sa gumawa.
"And bago pa ako maunahan ng iba, uunahan ko na sila." Mula sa likod ni Tatay ay may nilabas siyang Paper bag.
"Happy Birthday Sora." Tinanggap ko iyon at tinignan ang loob. Bagong Cellphone iyon. Kaparehas ng ibinigay sa akin ni Richard noon.
Haay...
Naalala ko na naman siya.
"Ayaw mo ba anak? Gusto mo bang palitan ko ng ibang unit?"
"ay. Hindi po Tay, masyadong.. maganda po ito at mukhang mamahalin." Tumingin muna ako kay Tatay bago siya yakapin.
"Thank you po ulit Tay."
"Welcome anak."
"Hindi pa nga nagsisimula ang party may dramahan ng nangyayari. " Nagtawanan kami sa sinabi ni Tita G. Para kasi kaming mga ewan. Kanina pa ako naluluha sa kaligayahan.
Sam's POV:
I'ts her birthday!
May shooting ako ngayon pero sisikapin kong makabili mamaya ng regalo bago magsimula ang Party.
Habang hindi ko pa scene may mangilan ngilan ang nag interview sa akin at yung ibang tanong ay sinagot ko naman. Matapos nila akong interviewhin ay may narinig akong reporter na nagkukwentuhan.
"May invitation ka ba sa Party na gaganapin sa Orteza Resident" Yung tinutukoy niya yung bahay namin.
"Ah. Oo. May Big Announcement daw yung asawa ni Miss Geniva Alarcon."
"Magandang icover yun. May idea ka ba?"
"Wala e. Wala ngang nakalagay kung sino yung magbibirthday."
Nag invite sina Daddy ng press? Siguro iaanounce na nila yung tungkol kay Sora.
"Sir. Five minutes nalang po kayo na ang isasalang." Tumango lang ako sa sinabi nung staff.
Habang papunta sa set ay nakasalubong ko naman si Chard. Tumigil siya at tinitigan ako. Nakipagtitigan naman ako.
Naikuyom ko yung kamao ko. Naalala ko yung kinuwento sa akin ni Sora. Nagalit ako nun. Ibinigay ko na ang chance sa kanya pero parang binabale wala naman niya.
Lalagpasan ko sana siya ng bigla niya akong hawakan sa balikat ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Pre." Napa smirk ako.
wow! (sarcastic way) For the first time tinwag niya akong pre. Hindi ko na pigilan kaya nakwelyuhan ko siya. Wala na akong pake kung may makakita sa amin.
"Tingin mo hahayaan kitang saktan siya ng ganun? Ipinaubaya ko na siya sayo pero nagawa mo pa ang bagay na yun? Tss. Kapal mo din!"
Nagkikiskisan ang ngipin ko sa galit sa kanya. Ilang segundo lang iyon at agad kong kinalas.
"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
Sa mga nangyayari ngayon ay halatang wala pa siyang alam sa relasyon ko kay Sora at wala akong planong sabihin iyon dahil gusto ko si Sora mismo ang magsasabi sa kanya.
"Umattend ka ng Birthday Party niya para malaman mo." Hindi ko na siya nilingon at dire diretsong naglakad palayo sa kanya.
Sora's POV:
"Wow!Ate Sora! You're so Beautiful." Puri sa akin ni Samantha. Kanina pa kami dito sa kwarto ko kasama padin si Miss Lea at Sushmita at may nadagdag pa na si Miss Dona na nagmake up sa akin at nag ayos ng buhok ko.
Malapit ng magsimula ang party. Naaaninag ko na din mula sa bintana ang mga taong pumapasok sa gate. Sa may garden iyon gaganapin. Tinakpan muna ang pool para madaanan ng tao kaya lalong lumuwag iyon.
Maayos na ang lahat at hinihintay na lang din na dumating ang oras.
Sinamahan ako ni Samantha sa kwarto ko at dito na din siya inayusan. Hindi naman naging boring ang pananatili ko sa loob ng kwarto dahil sa pagkukwento ni Samantha sa akin tungkol kay Tristan na crush niya.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto.
"Are you ready?" Tanong ni Tatay.
Am I ready na ba?
Bakit parang kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...