Chard's POV:
"Paano na yan pre, mauna na kami sa Pilipinas." -Elyx
"Enjoy muna kayo ng family niyo. Bonding time niyo yan." -Dale
Paalis na sila ng bansa at babalik na ng Pilipinas. Nagpaiwan kami ni Ate para may quality time kami with our parents which is good. Kapag umuwi kami agad paniguradong salang agad sa trabaho. Nagpaalam nadin si Ate Jane sa management tungkol dito at pumayag naman sila.
"Huwag kang mag alala ako ng bahala kay Sora. Babantayan ko siya." -Elyx.
"Kung Ikaw lang naman, wag na. Wala akong tiwala sayo."
Nagtawanan sila.
Ilang minuto lang ay nagpaalam na sila sa amin ni Ate.
Kami nalang ang natira sa Hotel room namin.
Seryoso ako sa sinabi ko ah. Kilala ko na yang si Elyx.
And speaking of Sora, Hindi siya nagrereply sa mga text at Chat ko. Kahit sa tawag hindi niya sinasagot.
Nag aalala tuloy ako.
"Ate Jane. May nababanggit ba sayo si Ate Brenda tungkol kay Sora? Hindi kasi siya nagrereply sa text at chat ko, pati nadin sa calls ko hindi nadin siya sumasagot."
"hmm.. nung minsang nakachat ko si Ate Brenda, ang balita ko umuwi siya ng probinsya, may inasikaso raw."
"Ganun ba? Yun lang? wala ng iba?" Tumango si Ate Jane.
"Anyway, maya maya nandito na sila Mama. Ok na ba ang gamit mo?"
"Yup." Papunta kami sa states. Siguro tatagal lang yun ng ilang araw at uuwi din kami ng sabay sabay nila Mama.
kamusta na kaya siya?
Namimiss ko na siya. Bakit ba kasi hindi siya nagreresponse sa mga text ko e.
Pagbalik ko babawi talaga ako sa kanya.
Sam's POV:
"Cut! Sam? What do you think you are doing? Bakit nakakalimutan mo yung lines mo? Simpleng linya lang yan hindi mo pa madeliver, ano bang nangyayari sayo? ok,Guys! Ten Minutes Break! Nakakinit ng ulo! My gosh!"
Pumasok muna ako sa tent at umupo.
Ilang araw na ang nakakalipas pero sariwa parin sakin yung nangyari.
Nakakainis. Pati ang trabaho ko naaapektuhan na.
Hindi ko kayang maniwala.
"What's Wrong Sam?"
Tumingin ako sa nagsalita. Si Natasha pala.
"Do you need help? I'm here to help you." Ngumiti siya.
"I'm sorry Natasha I want to be alone. Please. leave me." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"I know it's not the right time to say this but I want to apologize for what I've done to you with Sora. Nabigla Lang ako noon. You know, Obsessed ako sayo. Maybe it takes time but sooner or later I know, makaka move on din ako sayo. "
I feel naman na sincere siya sa sinasabi niya.
"But don't forget, kahit Wala na tayo, You're still my friend. Kaya you can tell me kung anong problema mo. I'm here to listen."
"Thank you Natasha but for now, I'm not ready to share it. Maybe next time." Huminga siya ng malalim.
"ok. Hindi kita pipilitin. Sige, aalis na muna ako. "
Sora's POV:
"Tiyo Berto, Ano po sa tingin niyo?" Humihingi ako ng payo kay Tiyo. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Paano kung magalit si Nanang sa akin? Ayoko naman yun.
Tanghali na pero hindi pa ako nakakapagdesisyon.
"Sora. Hayaan mong makabawi sayo ang tatay mo. Pagbigyan mo siya. " Nandito kami sa balkonahe na nag uusap samantalang ang Nanang ko ay nasa loob ng kwarto, si Sir Stanley ay nasa Salas at si Chito ay nagluluto naman sa kusina.
"Paano kung hindi pumayag si Nanang? Paano kung magalit siya sa gagawin kung desisyon? Baka itakwil niya ako. Ayokong mangyari iyon Tiyong. Mahal na mahal ko si Nanang."
"Sora. Normal lang kay Maring na magalit dahil hindi maganda ang ginawa ni Stanley sa kanya pero tandaan mo, may karapatan si Stanley sayo dahil Siya ang ama mo. Wala ka sa mundong ito kung wala siya. " May punto si Tiyo.
"Sora. Alam kong sabik ka sa ama kaya heto na ang pagkakataon mong makasama siya. Kilalanin at hayaang ibigay ang lahat na dapat ay ginawa niya noon sayo.Hayaan mo siyang bumawi."
"Kakain na po." Sigaw ni Chito. Nagtungo kami sa kusina. Umupo kami sa may Upuan. Lunabas na din si Nanang at sumalo sa amin. Samantalang si Sir Stanley ay nakaupo pa din sa Sala.
"Gusto mong dalhan pa kita ng pagkain diyan? O baka gusto mong ilapit ang lamesa sa sala namin?" Sarkastikong sabi ni Nanang.
"Maring!" Pagsusuway ni Tiyo sa pag uugali ni Nanang.
"Sir Stanley, Halina po kayo kumain." Pagyayaya ni Chito.
Lumapit ito ng nakayuko. Umupo siya sa may tapat ko.
sa gitna ng kainan ay nagsalita ako.
"Nakapag desisyon na po ako." Napatigil sila sa pagkain. Tumingin ako kay Nanang at kay Sir Stanley.
"Sasama po ako kay Sir Stanley." Pag sabi kong iyon ay biglang tumayo si Nanang at walang ganang pumasok sakanyang kwarto.
Sinundan ko si Nanang at kinausap sa kwarto.
"Nang.." rinig ko ang paghikbi ni nanang. Umiiyak siya. Nagsimula nading mamuo ang luha sa mata ko.
"wala na. nakapagdesisyon ka na e. may magagawa pa ba ako?" Niyakap ko siya mula sa likod.
"Nang kahit nakilala ko man siya o hindi, walang magbabago sa ating pamilya. anak niyo padin ako. Nang, hayaan niyo pong maranasan ko kung paano magkaroon ng ama. " Humarap siya sa akin at pinunasan ang mumunting luha na umaagos sa aking pisngi.
Tumango tango siya.
"Sige anak. Pumapayag na ako. " Ngumiti ako at hinalikan sa pisngi si Nanang.
"pero aaminin ko sayo, nasaktan ako sa narinig ko sayo. parang nabale wala lahat ng ginawa ko sayo."
"Nang, hindi naging balewala lahat iyon dahil kahit mag isa kayo nagawa niyo padin akong palakihiin ng maayos at magalang. Yung iba nga diyan, buo nga ang pamilya pero napapariwara ang anak."
"kaya mahal na mahal kita e. " Pinunasan ko ang luha ni Nanang.
Lumabas kami ng kwarto. Tumingin si nanang kay Sir Stanley.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko..."
"...sa anak naten." Nasulyapan ko ang ngiti na gumuhit sa mukha ni Sir Stanley.
Pakiramdam ko masaya siya sa sinabing iyon ni Nanang.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...