Chapter 2: Richard Collin

7.5K 184 4
                                    

Chard's POV:

"Richard ! Wake up ! Wake up!"

Ano ba? Ang aga aga pa nang iistorbo na naman to.

"Inaantok pa ko Ms. Jane."

Siya ang Manager ko. Oo. Tama ka sa nabasa mo. manager ko siya.

Anyway, let me introduce myself. I'm Richard Collin. 21 years old. Leader ng "OverLoad" boy band. Kumakanta at sumasayaw, nag momodel nadin paminsan minsan.

Si Ms. Jane ang Manager ng grupo namin. Nasa mid 20's na siya. Hiwalay ako ng condo sa mga ka grupo ko. Ayoko kasi ng may kasama sa condo pero sila magkakasama. Nagtetext nalang kapag may gig at rehearsals.

"Ano ba Richard ! Male- late ka na sa taping mo!"

Aay ! Sino ba kasing may sabi na tanggapin niya yung project na yun? Tss..

May bago na naman akong work ngayon. May Drama lang naman akong gagawin at ako ang leading man. First drama ko ito kung saka sakali. Bagay daw sa akin yung role kaya ayun, hetong si Ms. Jane pirma agad sa contrata ng hindi man lang hinihingi ang opinion ko kung gusto ko. Ba naman ! Sayang daw opportunity.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Ms. Jane na naghahanda ng breakfast.

"Akala ko ba late na ako? Bakit nagluto ka pa?"

Binatukan niya ako.

"Aray ! Ano ba?"

"Gumalang ka nga. Kahit Manager mo ako, ate mo pa din ako."

Ay oo nga pala. Di ko nasabi, kapatid ko pala yan. Si Ms. Jane Collin.

"Sabi mo kanina malelate na ako tapos may gana ka pang mag luto."

Nagpamewang siya.

"Ang hirap mo kasing gisingin kaya nasabi ko yun. Actually one hour pa bago ang shooting mo."

Napakamot nalang ako ng ulo. Umupo nadin ako para kumain. Si Ms. Jane naman ayun tutok na tutok sa kanyang tablet.

"Anyways, after ng shooting mo mga 2:00pm may rehearsal kayo ng 'Overload' and mga 4:00pm naman ay may pictorial ka for a cover of a 'Teen' magazine. Yun lang ang sched mo for today."

Haay.. Loaded na naman sched ko. Tapos sa Gabi naman ako mag g-gym. Ayos di ba? Kailangan kasi. Artista na yan e.

Tinignan ko si Ms. Jane. Parang ang lungkot nito.

"Bakit ang lungkot mo? Sabi ko kasi sayo maghanap kana ng shota mo ng sumaya ka naman."

Binato nya ako ng masamang tingin. Mukha siyang tigre. Nakakatakot.

"Ay ewan ko sayo ! Hindi yun ang pinoproblema ko. Nahihirapan na kasi ako sa inyo biruin nyo. Lima kayong alaga ko?"

Sino ba kasing may sabi na maghawak siya ng boy band. Minsan talaga siya lang nagpapaka hirap sa sarili niya.

"Wala naman akong masyadong problema sa iba mong mga ka grupo. Kasi sila may mga kamag anak na nag p. P.a. (Personal Assistant) sa kanila samantalang sayo wala.

Nasa abroad kasi parents namin. Dalawa lang kaming magkapatid. May mga kamag anak kami dito sa Pinas kaso busy sila at yung iba hindi ko kilala.

"Hhmm..may Idea ako, why not na maghire tayo ng P.A. mo?"

"What? P.A.? Ate naman. Hindi nga natin kilala yung kukunin mong P.A. baka mamaya nakawan pa tayo niyan o kaya isa pala yan sa mga fans ko at gahasain pa ako."

Ngayon ay hindi na tingin ang binato niya kundi yung table napkin na malapit sa kanya.

"Ang arte mo.Tss. ah basta. Maghahanap ako. That's final."

Oo na. Ikaw naman lagi ang nasusunod bakit pa ako magbibigay ng opinion? Tss.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon