Chapter 44: Pag iisipan

4.6K 113 2
                                    

Sora's POV:

"Kyaaah!!! Nakita ko yun kanina!ayiieeh!! " Kinikilig niyang sabi sa akin. Nandito na kami sa bahay at handa ng matulog kaso hetong si Bea gusto pang magpakwento.

First time ko kasing halikan ng lalake sa harap ng madaming tao. Kahit hindi nila ako kilala, nahihiya padin ako. Buti nalang at walang ininvite na press sa gabing iyon.

Humiga na ako at pumikit para matulog.

Gusto din kita..

Gusto din kita..

Gusto di kita..

Minulat ko ang mata ko.

Ano ba yun? Bakit ganun? Bakit parang naririnig ko yung boses niya sa utak ko?

Pasado alas dose na pero hindi padin ako makatulog.

Ano ba ito.

Chard's POV:

Best Birthday Ever!

Maaga akong nagising at nagluto ng pancake.

"Oh? Anong meron at ang aga mo atang nagising?"

Oo na. Naunahan ko na siyang nagising. Dito na siya natulog sa condo ko dahil hindi daw niya kayang magdrive sa condo niya. Nakainom kasi.

"Here's your coffee ate." Iniabot ko yung tinimpla ko para kay Ate. Nagtataka naman siya.

"Dahil ba ito sa nangyari kagabi?" Lumapit ako kay ate at binigyan siya ng napakahigpit na yakap.

"That was my best birthday ever!" Kumalas ako at niyaya na siyang magbreakfast.

"You really like her?"

"Yes."

"Kailan pa?"

"Hmm.. I don't know. Basta naramdaman ko nalang na gusto ko siya."

"Akala ko ba si Natasha?"

"Akala ko din. Ewan ko ate. Isang araw parang nakalimutan ko na gusto ko siya at umabot pa ng dalawang taon yun." Nag grin look siya sa akin.

"You are not you today." Nagkunot noo ako sa kanya.

"What do you mean ate?"

"Wow. Hindi mo ba napansin? Sa araw na ito, tinatawag mo akong 'ate' ng maraming beses. Akala ko wala kang modo, meron din pala." Nagsmirk nalang ako. Alam ko namang nagbibiro siya.

"Ganyan ba talaga kapag inlove?" Pang aasar niya sa akin. Tinataasan pa ako ng kilay.

"Oo. Kaya kung ako sayo, maghanap ka na ng boyfriend para hindi ka na mahirapan. Haha" Pang aasar ko din. Tama bang hampasin ako.

Sa tanang buhay ko ngayon lang kami naging ganto ng ate ko.

Aaminin ko, rude ako sa kanya.

Siguro ganto talaga kapag inlove .

Ayy..

Ano ba!Nakakabakla. Tama na nga.

"Sya nga pala, nakapag empake ka na?" Uminom ako ng kape bago sinagot ang tanong niya.

"Yeah."

"Good. Mamayang tanghali ang flight natin." Nakalimutan kong banggitin, may show ang grupo namin sa Dubai.

"Alam na ba ni Sora na aalis ka?" Nakalimutan kong banggitin sa kanya.

"Hindi. Pupuntahan ko nalang siya."

Sora's POV:

"Kayo na ba?" Bungad sa akin ni Bea habang kumakain kami ng umagahan.

Ang aga naman yata nito.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon