Sora's POV:
Bakit kaya ganun si Sir Richard Ngayon? Nabigla ako sa tanong niyang yun. Bakit parang interesado siya sa buhay ko? Ay naku. Heto na namn ako. Nag aasume na naman. Tama na nga. Hindi ako ang tipo nun ano at mas lalong hindi tulad niya ang tipo ko. Gusto ko yung gaya ni Sam Alarcon. Wait, ley me rephase it. Gusto ko si Sam Alarcon mismo. Haha. Nappa english tuloy ako.
Nang magligpit na ako ng pinagkainan, may napansin akong paper bag at isang mamahaling brand ng cellphone ang logo nito. Bumili siya ng phone? E may phone pa siya ah. Grabe. Kung ako sa kanya, iipunin ko nalang yung pera. Para tuloy siyang nagtatapon ng pera niyan. Kinuha ko yun at pumasok sa kwarto niya.
"Sir nakali..." Parang tumigil ang mundo ko. Nanlaki ang mata ko. Natulala. Naglaway. Joke lang yung huli. Nakita ko kasi yung abs niya e. Nakahiga siya ng topless and boxer habang nakatingin sa cellphone niya. Umatras ako at sinara ang pinto.
"Juice colored! Ang init naman." Todo paypay pa ako habang nakasandal sa pinto. Biglang bumukas ang pinto at nahulog ako..
Nahulog ako..
Nahulog ako sa braso niya.
Omo!! Nakatopless padin siya. Napapkikit ako. Ano ba ito. Naiinis na ako! Bakit ang init! Naka aircon naman kami.
*blag*
"Ouch!" Bigla ba naman akong bitawan at bumalik naman siya sa pwesto niya. Tinignan ko siya ng masama habang naka upo sa sahig. Ang sakit!
"Bakit mo ba ako binitawan? Mas lalong masakit ang pagkakahulog ko" tumayo ako at humarap sa kanya.
"Buti nga sinalo pa kita bago kita binitawan e." Huh? Hugot ba yun? Teka nga! Bago pa mapunta sa iba tong usapan na to, lumapit na ako sa kanya na busying busy padin sa cellphone niya. Takte! Di ko mapigilang tumingin sa katawan niya. Huhu. Ang mata ko.
"Ahmm.." Tumingin siya sa akin pero saglit lang .
"Ano bang kailangan mo? Paki bilisan, busy ako."
Pssh. Busy. ? Tss. Inilahad ko sa mukha niya yung dala ko. Nakatingin ako sa pinto ng kwarto para hindi ko makita yung katawan niya.
"Nakalimutan mo kanina sa kusina." Tumingin siyang muli sa akin. Napansin niyang hindi ako sa kanya tumitingin.
"Sir. Kunin niyo na po. Nangangalay na ako. " hindi padin niya kasi kinukuha.
"Ano bang tinitignan mo sa may pinto? Bakit ayaw mo akong tingnan." Tumingin ako sa kanaya pero lumilikot yung mata ko sa paligid ng kwarto. Ayokong tumingin ng matagal e.
"Ah. Wala naman. Basta kunin mo natong phone." Nagsmirk ang loko at kinuha ang phone na hawak ko. Laking gulat ko ng hilahin niya ako dahilan para pumaibabaw ako sa kanya.
"Aaaah!!!!! Ano ba sir!" Tinitrip na naman ako ng lalaking hinayupak nato! Kainis.
"Bakit kasi ayaw mong tumingin sa akin? Ha? Naaakit ka sa katawan ko ano?" Pang aasar pa nito. Nakahawak siya sa bewang ko kaya hindi ako makaalis.
"Ano ba sir! Tigilan niyo nga ako sa trip niyo! Packing tape!!" Sigaw ko sa kanya.
"Aah.. Sinisigawan mo ako ha." Bigla siyang gumulong dahilan para pumaibabaw siya sa akin. Huhu. Sexual harrastment to! Idedemanda kita pag nakaalis ako dito. Tumatawa pa ito.
"Pag di mo ako pinakawalan sisigaw ako ng rape!" Nag smirk lang to.
"Edi sumigaw ka. Wala namang makakarinig sayo.haha." ang lakas ng topak talaga.
"Ehem! (Clearing troat)" napalingon kami sa nag ehem. Naku po! Si Ms. Jane! Dali dali akong napatayo. Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya. Naku naman. Nakakahiya.
"Kaya pala walang bumubukas ng pinto. Busy."
"Naku Ms. Jane. Mali po yung nakita niyo kanina. Wala po kaming ginagawang milagro. Pinagti tripan niya lang ako. Maniwala po kayo sa akin. Wala po akong gusto sa kanya. Si Sam Alarcon ang gusto ko." Natawa bigla si Ms. Jane at masama ang tingin ni Sir. Richard.
"Tss. Ang dami mo namang sinabi." Umalis ito sa harap namin. Tumaas ang kilay ni Ms. Jane.
"May nasabi po ba akong mali?"
"Meron Sora." Feeling ko hindi naman galit si Ms. Jane.
"Si Sam Alarcon. Yun ang mali."
"Po?"
"Ate!" Tawag nito kay Ms. Jane. Nasa living room na kasi ito. Ano kayang meron sa kanila ni Sam? Bakit ganun nalang yung mood niya? Wag niyang sabihing may past silang dalawa? Like. Boy to boy? Ay! Ano ba yang nasa isip ko. Impossible. Hehe. Ang dumi na talaga ng isip ko.
"Anong meron at nandito ka?" Ang sama talaga ng ugali, ultimo kapatid di ginagalang. Tss. Binatukan niya si Sir Richard.
"Pwede bang mag t-shirt ka!" Ganto siguro sila maglambingan na magkapatid.
"Aray! " tumingin ito sa akin.
"Sora. Kuha mo ko ng t-shirt sa closet ko." Sinunod ko naman siya. Binuksan ko ang closet at kumuha ng t-shirt. Nang isasara ko na yun, napansin ko yung drawer na nakabukas ng kaunte, may nasilip akong parang frame. At dahil curious ako , binuksan ko yun at nakita ko yung mukha niya at ni Sam Alarcon. Bata pa itsura nila. Siguro 2years ago na to.
Omo! Ibig sabihin may past nga sila! Confirmed! Pero sino sa kanila ang ..
"Sora!" Sigaw niya.
"Heto na po!" Sinara ko na ang closet at bumalik sa kinaroroonan nila.
"Ang tagal mo namang kumuha ng damit.Tss." amph! Tinignan ko siya habang nagdadamit siya. Sayang naman siya. Tinignan ko din kung paano siya makipag usap kay Ms. Jane. Normal naman. Alam kaya ni Ms. Jane?
"Sora?" Nagulat ako ng tawagin ako ni Ms. Jane.
"Pwedeng mag usap lang kaming dalawa? You know? Brother-sister."
"Ah. Sige po. Lalabas lang po ako." Paglabas ko ng condo. Bigla akong napaisip. Hindi kaya alam din ni Ms. Jane na ano siya.? Hulu? Kaya siguro ako pinalabas ay dahil dun? Napakagat nalang ako ng kuko.
Kaya siguro parang wala lang sa kanya yung accident kiss kanina at nung araw na magkasama kami ni Sam ay parang inis siya dito. Di kaya nag break na sila at ang amo ko ay di pa maka move on sa kaniya? Pinili siguro ni Sam ang isang girl over him. Hmmm..
Haha.! Ngayon alam ko na kung ano ka! Humanda ka sa akin. Buwahaha..
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...