Nagugutom na ako pero itong amo ko ganado pang mag gym. Kailangan ba talagang mag gym? Pag artista ka nga naman oh. Maintain pa more. Tss.
"Hey," tignan mo. Kung may hey parang hindi ako kilala. May pangalan ako oy.! Sora! Nakakabeastmode. Lumapit ako. Wet look pero walang effect sa akin. ang sama kasi ng ugali. Kung katulad lang sana siya ni Sam Alarcon e'di masaya sana.
"Ano po yun?"
"Bilihan mo ako ng water. Nauuhaw ako." Dalhan kita ng isang balde gusto mo? Tss.
"Ok sir." Nilahad ko yung palad ko. Tinaasan ako ng kilay. Mukha kang bakla pag ganyan!
"Yung pambili po." Nag smirk ito.
"Mukhang tumatalino ka na ngayon ah. Akala ko makakalimutan mo ulet." Kinuha naman niya yung wallet niya sa parang sport bag na dala niya.
"Here." Lumabas na agad ako para makabili na ako ng tubig. Syempre hindi basta bastang tubig gusto sa 7-11 pa ako bumili. Buti nalang may malapit.
"Heto po bayad." Pagtalikod ko may nabangga pa akong manong.
"Ay sorry po. " nakahood ito at naka sun glasses. Sun glasses? Sa hapon? May sikat pa ba ang araw? O baka naman may sore eyes. Nakapang gym outfit din to at may bitbit na bottled water. Pero, familiar ang mukha niya. Oh no! Siya nga.
"Sam?" Napalakas kong sabi.
"Shhh... Wag kang maingay baka may makapansin sayo." Ay ano ba yan. Napaka eskandalosa talaga ng bunganga ko. Si Sam oh! Nag shine bright like a diamind na naman ang mukha ko. Haha. Pampawala ng bad vibes. Nagbayad ito sa counter ng hindi nakikilala ng cashier. Infairness, magaling magbalatkayo."Saan ka pupunta?" Sabi niya.
"Ha? Ah. Babalik na ako ng gym, nagpabili kasi yung demonyo kong amo ng tubig. Nainitan sa Impyerno." Nagkunot noo to.
"Joke lang. Hehe. Ganun lang talaga ako." Ngumiti siya. Oh no!!! Ang pogi niya talaga pag nangiti. Nakakamelt. LoL .
"Nakakatuwa ka talaga. Ang saya mo sigurong kasama." Masaya din ako pagkasama kita. Ayt. Ayt. Landee mode."Ikaw? Saan ka pupunta?" Obvious naman di ba? Pero syempre kunware hindi ko alam.
"Mag gi-gym palang. Sabay na tayo." Anu bayan. Ang bait niya talaga. Sana lahat ng artista ganito. Hindi malaki ang ulo. Malapit lang naman ang gym sa 7-11 kaya nilakad nalang namin. Nagkukwentuhan kami ng kung ano ano habang naglalakad. Feeling close talaga ako. Ganun din naman siya.
"Ahahaaha. Talaga? Nagawa mo yun? Ahaha. Nakakatawa. Grabe hahaha?" May kinukwento kasi siyang nakakatawa.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nauuhaw?" Alam mo? Ok na e. Ang saya ko na oh? Bigla nalang kasi nasulpot.
"Pre." Sabi ni Sam.Tumingin siya ng masama kay Sam.
"Kaya naman pala ang tagal mo. Nakikipaglandian ka dito." Talaga nga namang ang sama ng ugali nito.
"Sir Richard. Wag nyo namang sabihin yan kay Sam. Nagkasalubong lang kami sa convenience store." Timingin ako kay sam.
"Sorry Sam. " nag smirk amg loko. Napakasama talaga ng ugali.
"Wow. Sam talaga? Close na kayo?" Sarkastikong tanong nito.
"Ayoko ng gulo Richard."
"Edi layuan mo p.a. ko! Ayaw mo pala ng gulo." Yung totoo? May past ba silang dalawa? Parang may pinanghuhugutan itong amo ko.
"Ahh. Sige Sam, mauna na kami. Pagod lang ang boss ko. Tara na po sir." Umalis na din kami sa harapan ni Sam. Naglalakad kami patungo sa parking lot patungo sa sasakyan ng huminto siya sa paglalakad.
"Ayokong nakikita kang kausap yung lalaking iyon." Huh? Problema nito?
"Bakit? Kaibigan ko yung tao." Binigyan niya ako ng masamang tingin .
"Ako ang amo di ba? Sa akin ka susunod. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" Singhal pa nito. Tipaklong naman oh! Hindi ko talaga magets ang lalakeng ito!
"Mang Nestor, pwede po bang maki insert ng sim?" Pauwi na kami ngayon. Kasalukuyang nagda drive si Manong at ang amo ko ayun, natutulog.
"Heto." Iniabot niya sa akin at naki insert ako. Mangangamusta lang kay Nanang.
"Naku Sora, i loudspeak mo. Sira na kasi yan." Sinunud ko naman si Manong. Buti nalang at nakasave sa sim yung number ni nanang. Akala ko sa phone ko na save.
[Hello Sora!] Si nanang ang sumagot.
"Hello nanang" tumingin muna ako sa salamin. Baka mamaya magising ang amo ko dahil sa pagkaka loudspeak nito."Kamusta na po kayo?"
[Ayos lang naman kami. Teka anak, bakit hindi mo sinagot yung tawag ko kanina?] Oo nga pala. Yun yung time na hinagis ng direktor yung phone ko.
"Aah.. Kasi nang, nasira po yung phone ko. Luma na kasi. Di ba? Matagal ng may sira yun?" Paliwanag ko kay nanang.
[Paano tayo makakapag usap niyan kung wala ka ng phone?]
"Huwag na kayong mag alala, bibili din ako agad para hindi maputol ang komunikasyon natin. Ok lang naman ako dito nang. Mabait naman ang amo ko." Sinungaling! Tss.
[Ganun ba? Kinakamusta ka ng Tiyo mo at ni Chito]
"Pakisabi nang , maayos naman ako. Mag iingat kayo diyan. Lalo na kay Tiyo." Binaba ko na ang phone. Binalik ko na din ang phone kay Manong Nestor.
"Salamat Manong."
"Walang mahirap na trabaho sa taong pamilya ang iniisip." Sabi ni manong.
"Kahit magtrabaho ako ng 24 oras ay gagawin ko para sa pamilya ko.""Napakasipag mo naman."
"Kailangan manong e. Apat nalang kami sa pamilya. Ako, ang nanang, ang tiyo at ang pinsan ko."
"Teka. Asan ang tatay mo?"
"Sabi ni Nanang namatay na raw nung bata pa ako.""Bakit parang ikaw lang ang nagkakayud sa inyo?"
"Nagtatrabaho din naman po ang Nanang ko, may maliit siyang pwesto sa palengke, ang pinsan ko naman po ay nagsasaka at ang tiyo ko ay pinahinto po muna namin sa pagtatrabaho dahil sa sakit niya."
"Kaya ka ba napaluwas dito sa Maynila?"
"Opo. Simula ng maospital si Tiyo lumaki na ang utang namin, dagdag pa ang pagpapaopera. Kailangan na siyang maoperahan kaagad kaya nga po nagsisikap ako na magtrabaho para may maibigay ako.""Ang sipag mo. Bilib ako sayo. "
"Salamat Manong."
"Siya nga pala, yung anak ko nagtatrabaho sa isang coffee shop , naghahanap sila ng part time. Baka gusto mo? Every sunday lang."
"Talaga manong? Sige po. " pandagdag din ito kahit papaano.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...