Sora's POV:
"Ok na ba kayo? Tara na." Sigaw ni ate Brenda. Nasa baba kasi siya samantalang nasa kwarto kami.
"Sandali lang ate, pababa na." Tapos na kaming mag ayos. Si Bea ang nag ayos sa akin dahil hindi naman ako maalam sa paglalagay ng kolorete sa mukha.
Nakablack dress ako na hanggang tuhod ang haba with matching four inches high heels na kulay black din.
Si Bea ang pumili nito sa akin. Maganda raw kasi para lalo lumutang ang kulay ko at tumangkad.
Alas otso ang simula ng party.
Sumakay kami sa sasakyan ni Ate Brenda, doon kami sa likod. Kalahating oras ang byahe papunta sa venue.
Bigla ko tuloy naalala yung pag uusap namin ni Sam.
Seryoso siya na gusto niya ako. Nakakailang tuloy.
Bakit parang may humaharang sa akin? Crush ko naman siya. Hindi kaya dahil sa artista siya at ako ay simpleng mamamayan lang?
Baka nga ganun.
Ang kaso, sabi niya. Liligawan daw niya ako.
Pakiramdam ko tuloy ang ganda ganda ko.
"We're here." Sa pag iisip ko kay Sam hindi ko namalayan na nandito na kami sa venue ng party. Itinigil ni Ate Brenda yung sasakyan at bumaba naman kami ni Bea.
Sa pintuan ng venue ay may mga guard. Ipinakita namin ang invitation card. May ibinigay din sila na maskara sa amin.
"Oh! Masquared Party." Komento ni Bea bago ito sinuot. Iba iba ang desenyo ng maskara. Ang napunta sa akin ay yung kalahati ng mukha ang kita. Parang sa phantom of the Opera.
Sinuot ko na din iyon at iginala ang mata ko sa paligid.
Madami din na tao ang narito. Umupo kami sa bakanteng upuan na naikaikot sa round table.
Alive din ang tugtog.
"Napakabongga ng party ni Richard!" Luminga linga siya na parang may hinahanap at ngumuso.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko.
"Hindi ko kasi mahanap yung member ng 'Overload'. Puro naka maskara kasi. Tsk." Napatawa ako ng kaunti. Mahirap nga namang mahanap ang overload dito lalo na at naka maskra.
Maya maya ay may nagsalita sa mikropono. Host ata ang tawag dun. Lahat ng tao ay sa stage lang nakatingin.
"Let's call our birthday celebrant. Richard Collin." Nagpalakpakan ang lahat. Umakyat na din si Richard.
Nakamaskara din siya na katulad ko. Naka black tuxedo. Lalong lumabas ang kaputian niya sa suot niyang iyon. Lalo syang gumwapo.
*dub dub
Heto na naman yung kaba ko.
Nagsalita siya sa stage. May mga sinabi siya pero hindi ko alam kung ano yun.
Kinantahan namin siya ng happy birthday song bago niya hinipan ang cake.
"Thank you for coming guys! Enjoy the party" matapos niyang magsalita ay bumaba na siya. Nagpalakpakan naman kami.
Kumuha nadin kami ng makakain sa buffet table.
Kumakain na kami ng may lumapit sa aming table. Napatingin kami ni Bea.
"Oh. Richard! Happy Birthday!" Masiglang bati ni Bea.
Kahit naka maskara siya alam kong nakatingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...