Chapter 52:Payo

4.2K 108 0
                                    

Chard's POV:

Ang sakit lang..

Ang sakit kasi umasa ako na pagbalik ko dito ay may liligawan pa ako pero wala na pala dahil sila na ni Sam.

Bwisit!

Nakita ko pa sila kanina na napaka sweet sa isa't isa.

Tinawag pa niyang Baby si Sora.

Syete!

Ako dapat yun.

Ito na naman ako.

nasasaktan na naman.

Hindi na ako umatend ng Shooting at rehearsal. Dumiretso na ako ng uwi sa bahay.

Sa mismong bahay namin kung saan care taker lang dati ang naninirahan.

Tumingin ako sa paligid ng bahay.
Maganda ang pag aalaga sa bahay. Kung ano ang itsura nito noon ay ganoon padin hanggang ngayon.

Naabutan ko sila mama  at papa na nag uusap sa may sala. Wala si Ate Jane baka dumiretso nadin sa shop niya. Nagkukwentuhan sila at base sa mukha nila, masaya ang pinaguusapan nila.

"Oh, Chard. I thought you're.." Hindi na natuloy ni Mama ang sasabihin niya dahil niyakap ko na siya. Tumulo ang luha ko sa balikat ni Mama. Hindi siya nagsalita at hinimas himas lang ang likod ko.

"Can you teach me how to move on?" Sabi ko habang nakayakap padin sa mama ko.

Para akong bata na inaway ng kalaro at nakayakap sa nanay para magsumbong.

Narinig kong bumuntong hininga si mama. Kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinawi ang dumadaloy na luha sa pisngi ko.

"Move on agad anak? Di ba hindi pa kayo?" Tanong niya.

Ma. Uso na ngayon yung crush mo palang pero kailangan mo ng move on.

Pinaupo niya ako sa sofa at doon nag usap.

Pagdating sa magulang ko para akong bata.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Mama.

"May iba na siyang mahal." Sagot ko. Pinipigilan kong wag maiyak. Lalake ako dapat hindi ako maiyak ng ganto.

"Paano mo nasabi na may iba na siyang mahal? Tinanong mo ba siya? Kinausap?" -Mama.

"Nakita ko sila. Ang sweet nila sa isa't isa. Masaya siya kapag kasama niya yun." Napakunot ang noo ko.

"nakausap mo ba?" -mama

Nakausap ko ba?

Tumahimik ako.  Napabuntong hininga ito.

"Anak, hindi lahat ng nakikita ay totoo. Hindi lahat ng naririnig paniniwalaan. May mga bagay na dapat pinag uusapan muna bago maniwala. Tinanong mo na ba siya kung sila na talaga?" napayuko ako sa tanong ni mama.

"see? Hindi mo siya pinakinggan. Paano mo masasabi kung totoo yung balita na sila na?"

"ma. Nakita ko nga kasi sila."

"Nag explain ba siya?" Hindi ko ulit sinagot yun.

"Hindi ulit. Yan ang hirap sayo. Hindi ka marunong makinig ."

"pero ma, nasaktan na ako nung mga oras na yun kaya hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita." Tinignan ko si papa na nasa tabi niya lang. wala kasi siyang pinapayo sa akin.

"Pa.? Ano sa palagay niyo?" Tumango tanvo siya. Sang ayon siguro siya sa sinabi ko. Kasi naman diba? Kahit sino namang galit na galit ay hindi na hahayaang mag explain pa ang taong kinagalitan mo.

" Tama ang mama mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko pa naman.. Hayy..

"Anak, kung ako sayo puntahan mo siya at hayaan mo siyang mag explain.Pakinggan mo siya."

Hindi ko alam kung gagawin ko yun.
Hindi ko pa ata kaya.

Siguro magpapalamig muna ako bago ko siya harapin ulit.

Sora's POV:

"Stop Crying Sora." Kanina pa ako naiyak dito sa sasakyan ni Sam.

Ang sakit kasi ng sinabi niya kaya hindi ko mapigilan ang iyak ko. Nakailang box na nga ako ng tissue e.

"Don't worry, I'll talk to him."

"Wag. Ako na lang ang kakausap sa kanya baka mamaya magsapakan na naman kayo tandaan mo galit padin siya sayo." Sa gitna ng pag eemote ko ay may tumawag sa phone ko.

Tinignan ko ang screen at pangalan ni Nanang ang lumabas.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Nagpahid ako ng luha bago sinagot ang tawag.

"Hello 'Nang?"

[ Sora? *sub] Si Chito ang sumagot. Ngayon ay biglang dumoble ang kaba ko.

"Chito? Bakit ka umiiyak?" Nag aalala kong tanong sa pinsan ko.

[Si Tatay *sub. Tinakbo namin sa Ospital. *sub. Sabi ng Doktor kailangan na siyang mapa opera. Ang kaso, wala kaming pera pang Opera. Ako na ang tumawag sayo dahil sige ang iyak ni Tiya Maring. Sora. Nakikiusap ako. ..] Tuluyan na siyang humagulgol.

mahal na mahal ko si Tiyo Berto at hindi ko siya kayang mawala sa buhay namin. Siya nalang ang pamilya ni Nanang.

"Oh Sige. Maghahanap ako. Wag ka ng umiyak. Magpapadala kaagad ako." Ibinaba ko ang teleponong hawak ko.

"Anong nangyari?" Napaiyak na naman ako. Hindi na dahil kay Chard, dahil na ito sa Mahal kong Tiyo.

Saan ako kukuha ng malaking halaga?

"Kailangan ng maoperahan ang Tiyo Berto ko kaso kailangan ng malaking halaga." Tumingin siya sa akin bago pinaandar ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayo kay Daddy." walang habas na pinatakbo niya ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay narating namin ang Building na pinagtatrabahuhan ni Tatay.

"Good afternoon Sir." Bati ng babae na sa tingin ko ay secretary dito sa Opisina.

"We need to talk to Mr. Orteza. Its Urgent." Kilala naman siguro siya nito dahil tumawag agad ito sa telepono na tingin ko ay nakakonekta sa opisina.

"Pasok na po kayo." Pumasok kami sa Opisina at nandoon Si Tatay na nakaupo at may pinipirmahan na mga papel.

"Sam, Sora. Anong nangyari?Why are you crying?." Tumigil sya sa pagpirma at iniabot iyon sa lalakeng nasa gilid niya. Pagkalabas ay siyang lapit namin sa pwesto niya.

"Emergency Dad. Yung Uncle ni Sora. Papaoperahan kailangan ng pambayad sa Ospital." Bakas sa mukha ni Tatay ang gulat. Si Sam na ang nagsabi dahil naiiyak padin ako.

"Nakakahiya man po pero kakapalan ko na ang mukha ko. Kailangang kailangang ko lang. Hayaan nyo po babayaran ko naman po kapag nakaipon na ako."

"No need Sora. Anak kita at Kung sino ang mga taong mahalaga sayo ay mahalaga na din sa akin." May kinuha siya sa Drawer nya.

"Tawagan mo si Marieta at itanong mo kung saang Ospital sila nagconfine para mapadala natin sa Ospital ang cheke." Nagdial ako at sa wakas ay sinagot iyon ni Nanang.

Tinanong ko yung sinabi ni Tatay sa akin na agad namang sinagotbni Nanang. May tinawag siyang tauhan niya at iniabot ang cheke.

"Don't Worry Anak, Magiging maayos din ang lahat." Hindi ko napigilang hindi siya yakapin. Nabigla yata siya sa ginawa ko.

"Salamat Tatay. Salamat."

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon