Chapter 26: Welcome Dinner

4.6K 109 0
                                    

"Cut! Ten minutes break!" Sigaw ng derektor nila.

Nandito kami sa taping nila ng drama.

Pinabalik na siya sa project niya. At karamihan ng scene ngayon ay sa kanya ang role.

Ilang araw na din ang nakalipas. Buti naman at nawala na yung issue na bakla siya pero yung issue naman tungkol sa 'lucky girl' kuno niya ay hindi padin nawawala.

"Ok. Now, Richard and Sam. Yung scene nyo ang sunod." -derektor.

*dub dub

Nakaramdam ako ng kaba.

Scene nilang dalawa? Kaya niya kayang isantabi yung galit niya kay Sam? Ang role kasi nila ay magkaibigan sila.

Nanood ako ng eksena nila. Nung sumenyas na ang derektor ay agad silang nagsimula at one take lang yun.

Sa eksena nila ay kailangan masaya sila pagkatapos ng scene na yun ay sumeryoso na ang mukha niya at hindi na pinansin si Sam.

Ang professional naman nila. Trabaho kung trabaho.

Naunang natapos si Sam sa scene niya habang si Chard naman ay patuloy padin sa pagte- taping.

"Sam." Tama bang ako ang unang mag approach sa kanya?

Hindi naman niya ako binigo kasi pinansin niya din ako na nakangiti pa.

"Oh. Sora! Hi." Niyakap niya ako.

*dub dub

Ganto na ba kami ka-close ngayon? May payakap yakap pa. Saglit lang yung pagkakayakap. Naramdaman niya atang nailang ako.

"Sorry." Napakamot siya sa ulo. Nahiya ata siya.

Ang cute naman niya pag nahihiya siya.

"Ahm. Ayos lang. Kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang. Napagod lang ng kunte. Sunod sunod kasi yung eksena ko nung nawala kayo ni Richard."

Nailang pa siya ng banggitin niya ang pangalan ng boss ko.

"Doon tayo sa tent ko mag usap. Ang daming tao dito e." Sumunod naman ako sa sinabi niya. May mga nanonood din kasi na mga fans ng mga artista dito.

"Balita ko nagbakasyon daw kayong dalawa?" Tumango naman ako.

"Oo. Saglit lang yun. " Ano bang ita-topic namin.

"Ahm.. Nakwento na sa akin ni Chard yung sa inyong dalawa." Ngumiti siya pero ramdam ko na may lungkot sa ngiti niyang iyon.

"Kahit ano namang gawin ko hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Galit na siya sa akin hanggang ngayon kahit two years ago na iyon."

"Kayo pa din ba nung Natasha?" Hindi naman sa nang uusisa ako,Gusto ko lang malaman.

"Yeah. Two years."

Wow. Talaga? Ang tagal ah.

"Pero, hindi ko siya mahal." Nagulat ako sa sagot niya.

"Ha? " wag niyang sabihing sa dalwang taon na iyon naglolokohan lang sila.

"Wag mo akong tignan ng ganyan Sora, hindi ko din gusto ito. " nagbuntong hininga siya. Ramdam ko na may mabigat siyang dalahin ang lalim kasi ng buntung hininga niya e.

"Pagkatapos ng nangyari sa amin two years ago na nag announce siya na gusto niya ako, nag start na din kami na magdate. Sinabi din ng manager ko na ipagpatuloy ko lang yun para gumanda ang image ko sa mga fans namin para hindi din mapahiya si Natasha. Naging maayos naman ang pagsasama namin. Pero nalulungkot din ako kasi alam kong mahal talaga ni Richard si Natasha."

Tumango tango lang ako habang nagsasalita siya.

"Inaral ko naman siyang mahalin pero wala talaga. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Nung time na makikipag hiwalay na ako, nagbanta siya na magpapakamatay daw siya pag iniwan ko siya. Natakot ako. Ayokong masira ako sa mga tao na nakapaligid sa akin, ganun din yung sa kanya kaya heto, kami padin." Ngumiti na naman siya ng pilit.

Bakit ganun?

Feeling ko ang laki ng sakripisyo niya.

Naaawa ako sa kanya.

"Ano ba ito. Ang drama ko na hindi bagay. Haha." Hinimas ko ang likod niya para naman kahit papaano ay mawala ng kaunti ang bigat na dala niya.

"Pasensya na. Wala akong magagawa sa problema mo." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito.

*dub dub

Ang lambot ng kamay niya.

"Salamat ah. Kahit papaano may nasabihan ako ng problema ko. " ngumiti ako.

"Wala yun. Kaibigan mo naman ako." Oo. Kaibigan niya na ako. Ngayon ngayon lang.

Mag aalas onse na ng matapos ang taping nila. Nagyaya din ang derektor nila na kumain ng late dinner.

"What's the occassion derek?" Tanong ng isa sa mga staff niya.

"Hmm.. A little bit celebration." Sa isang mahabang lamesa ay nagsama sama lahat ng artista at staff. Malawak ang lugar at feeling ko kami lang ang tao dito. Pinareserve ata nung derektor. Sa isang banda ay kaming mga p.a. ang magkakasama.

"Ano ba yan. Nagpa dinner pa. Inaantok na ako." Sabi ng isa sa mga p.a.

"Ako nga din. Gusto ko ng matulog. Maaga na naman kami bukas dahil sa guesting ng amo ko." Sabi din ng isa.

"Girl, kilala mo ba yung girlfriend ng amo mo? May nabalitaan kasi ako na may gf siya? Totoo ba yun?" Tanong naman nung isa. Parang nabuhayan lahat ng kasama kong p.a. sa lamesang ito.

Pinagpapawisan ba ako?

"Ha? Ah. Hin..hindi ko kilala. Hindi ko nakikita."

"Aish! Lagi ka niyang kasama tapos hindi mo alam?"

"Oo nga. Impossible. "

Ang kukulit.

"Derek, may hinihintay ka pa ba? Bakit may bakanteng upuan sa tabi mo?" Narinig namin yung isa sa mga writer. Napalingon kami sa kanya.

"Yeah. Meron. Bagong cast ng drama natin." Nagbubulungan silang lahat.

"Sino kaya ?"

"Oo nga. Hindi ko din alam."

"Writer ka hindi mo alam?"

"May dinagdag akong character pero wala pang naka line up kung sino gaganap."

Tumunog ang pintuan ng restaurant hudyàt na may pumasok.

"Oh. She is here." Napalingon kaming lahat.

Karamihan sa kanila ay nagulat.

Ok.

Ang ganda niya.

Maputi at matangkad.

Parang super model amg datingan niya.
At parang maniquen sa ganda.

Kahit ano sigurong isuot niya ay maganda padin siya.

Para siyang anghel.

"Wow. Ang ganda talaga niya." Komento ng katabi kong p.a.

"Oo nga. Sana ako nalang siya." Tumingin naman ako sa babae na papalapit sa derektor. Nahagilap din ng mata ko si Sam na ngimiti ng konti at si Chard. Nakatulala sa kanya.

"Sino siya?" Tanong ko sa mga kasamahan ko. Nagulat yata sila sa tanong ko.

"Hindi mo siya kilala?" Umiling lang ako. Hindi siya pamilyar sa akin e.

"Siya lang naman si.." Naudlot ang sasabihin niya dahil nagsalita si Derek.

"Natasha!"

Siya pala.

Siya si Natasha Anderson.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon