Chard's POV:
"Do you think maiisahan mo ako?" Hinalikan ko siya.
Matagal ding nakalapat ang labi ko sa kanya.
Hindi naman siya nagreklamo ng ginawa ko yun. Nang kumawala ako, nakatulala siya.
Sanay ako sa kissing scene pero hindi dito.
Nakaramdam ako ng kaba.
Kaba na katulad ng naramdaman ko kay Natasha.
Pag-ibig yan dude!
What?! No!
*slap
Nakatikim na naman ako ng sampal sa kanya.
Binuksan nya ang kwarto at dali daling kinuha ang bag niya.
Nakasalubong ang kilay nito.Galit siya sa ginawa ko.
Palabas na siya ng kwarto ng hawakan ko ang braso niya at seryosong tumingin sa kanya.
"I'm sorry." Sambit ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Sora. I'm really sorry." May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin.
Yung binili kong cellphone sa kanya.
"Hindi ko na kailangan yan. Binabalik ko na."
"Sayo yan. Binili ko yan para sayo." Hindi niya ako pinansin kaya inilapag niya ito sa lamesa malapit sa amin.
"Salamat nalang." Matigas nitong sabi.
"Ano ba Sora? Bakit ang kulit mo? Di ba sabi kong sayo na to? Bakit hindi mo nalang kunin! Pambihira naman oh!" Nakakainis.
Matigas ang ulo niya. Tinignan niya lang ako ng masama. Pipi ba siya ?
Kumalma ako ng konti."Ok. Sige na. " baka mamaya madagdagan pa yung inis niya sa akin at lalong hindi niya tanggapin ang sorry ko.
"Bumalik ka na sa work. Hindi ako sanay." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Nakapagdesisyon na ako Chard. Hindi na ako magtatrabaho sayo." Umalis na ito.
Packing tape !
Mukha na akong bakla sa harap niya pero hindi manlang inaccept ang sorry ko.
Nakakainis!
Hindi naman ako ganito.
Kamusta naman yung pride ko?
Bwisit.
Sora's POV:
Nakakabastos na sya.
Tama bang halikan ako?
Nakakainis lang kasi.
Hindi ko matanstiya ang ugali niya.
*dub dub
Ayoko ng ganto.
Porque artista siya gagawin na niya iyon! Respeto naman bilang isa akong babae.
Naiinis ako.
Naiinis na nasasaktan.
Hindi lang ito ang unang beses na halikan niya ako, maraming beses na.
At alam ko sa sarili ko na wala siyang gusto sa akin.
Takte.
Binibigyan ko kasi ng malisya ang mga kilos niya sa akin kahit alam ko namang si Natasha ang gusto niya.
Hindi kaya, may pagtatangi na ako sa kanya?
Pero hindi e.
Si Sam ang crush ko.
Sa kabilang banda, ganto din naman ang nararamdaman ko kay Sam kapag nasa harap ko siya, lagi akong kinakabahan.
*dub dub
Ayan! Ganyan ang lagi kong nararamdaman.
Naramdaman kong may kung ano sa pisngi ko. Parang pawis.
Pinagpapawisan ang mata ko.
Ngayon ko lang napansin na tumutulo na pala ang luha ko.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko.
Umuwi ako ng bahay. Wala ng tao dun dahil pumasok na sa trabaho si Bea at Ate Brenda. Buti nalang at iniwan sa akin ni Bea ang susi ng bahay. Gabi pa bago sila umuwi.
Hiniram ko muna ang lumang cellphone ni Bea at tinext si Mang Nestor.
May inialok kasi siyang trabaho sa akin dati. Yung sa anak niya. Sana lang ay available pa yun para naman makapagtrabaho na ako.
Hindi pa nagrereply si Mang Nestor. Siguro busy pa siya. Nanood nalang ako ng palabas sa tv
"Showbiz Balita: Sam Alarcon at Natasha Anderson, hiwalay na dahil may third party."
Nilaksan ko ang t.v. May pinakita sila na pictures pero blured yung girl.
Sandali lang.
Nanlaki ang mata ko.
Ako yung nasa picture.
Ito yung nasa nagperya kaming dalawa.
Paanong may kumuha nito?
Nakadisguise na nga siya e.
"Ayun sa source, nagkaroon ng third party kaya naghiwalay ang dalawa. Sa loob ng two years ay ngayon pa nagkaroon ng third party sa kanila. Ayun pa sa source, ang babaeng tinutukoy ay p.a. ng kaibigan ni Sam."
Wow sa info ah.
May ininterview pa silang mga fans.
"Nakakahiya siya. Dahil sa kanya hiwalay na ang idols namin. Huhu"
"Mamatay na lahat ng third party!"
"Perfect couple pa naman sila tapos may maninira lang! "
Bakit ganyan sila? Dapat inaalam muna nila ang totoo bago sila manghusga.
Hindi ba nila alam ang mararamdaman ng kanilang iniidolo?
Ayoko ng makinig sa ganitong issue kaya pinatay ko nalang ang t.v.. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa gawaing bahay.
Hapon na ng matapos ako sa gawaing bahay.
Pagkaupo ko ay may tumatawag sa phone ko.
Tinignan ko ang screen.
"Sam."
Bakit kaya siya tumatawag?
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...