Chapter 11: Sam Alarcon

5.7K 131 0
                                    

Sora's POV:

"Sir. May taping po kayo ngayong buong araw." Sinasabi ko yun sa kanya habang tinitignan pa ang ibang schedule niya sa buong linggo. Isang linggo na akong naninilbihan sa kanya. Sa maikling panahong ito ay nasasanay na ako sa ugali niya. Tuwing linggo ay umuuwi ako kila Ate Brenda. Yun kasi ang araw ng Day Off ko. Alam na din ni Bea kung sino ang amo ko, at ang reaksyon niya? Gusto niya daw magpalit kami ng trabaho. Haha. Natatawa ako sa kanya. Kung alam niya lang ang ugali ng Halimaw na yun baka ma disappoint lang siya. Tsk.

Sa isang linggo kong pananatili sa poder niya ay parang impyerno. Lagi niya akong pinapahirapan. Buhat dito, buhat doon. Dala dito, dala doon. Bitbit dito, bitbit doon. Utos dito, utos doon. Gusto ko ng umayaw at magreklamo kaso hindi pwede. Paano nalang sina Nanay at Tiyo?

*kring. Kring.

"Cut! What the Hell is that? Di ba sabi ko turn off your cellphones kapag nag sisimula na ang taping. "

*kring. Kring.

"Kanino yung tumutunog?!" Napatalon ako sa sigaw ng direktor nila Sir Richard. Teka. Kinapa ko yung bulsa ko at kinuha yung phone ko. Naku po. Sa akin pala yung tawag. Nakalimutan ko i-silent. Napalingon sila sa akin. Naagaw ko ang atensyon nila. Nakakahiya. Lahat sila nakatingin sa akin. Lumapit sa akin yung direktor.

"Sayo ba yung nagriring?" Mahinahon pero ramdam kong galit na siya.

"So..sorry po direk. Na.. Naka.." Hinablot niya yung phone ko at inihagis sa sahig. Nakita kong nagkalasog lasog yung phone ko. Sa ngayon, gumigilid na ang luha ko. Paano nalang yung mga contact number na naka save sa phone? Paano ko masasagot ang tawag nina nanay?

"Kanino ka bang P.A. ha? Bakit hindi mo alam yung rules sa taping? My goodness! Nakaka stress." Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang luha ko. Nakakahiya.

"I'm sorry direk. P.A. ko siya. I'm sorry talaga. It will never happen again I promise." Lumapit si Sir Richard.

"Dapat lang! Oh siya. 5 minutes break then we will proceed. Kaloka.!" Nag walk out din ito kaagad. Pinulot ko naman yung mga piraso ng phone ko.

"Useless na yan. Hindi na yan maayos. Bakit kasi hindi mo sinilent yang phone mo? Sa ginagawa mong yan ako napapahiya. Doon ka na nga lang sa tent. Ayusin mo yung gamit ko don." Haay. Image na naman niya ang concern niya. Tss. Lumakad na ako patungo sa tent.

"Haay. Paano ako makakatawag nito sa probinsya?" Naiiyak na naman ako. Teka? San nga ba ulit yung tent niya? Pare parehas kasi ang kulay ng tent.

"Hmm..." Napapaisip ako. Saan nga ulit yun? Tss. Ah. Heto yun. Pumasok na ako sa loob.

"Ay jusme! Sorry po wrong tent!" Napa jusme pa ako. Mali ako ng napasukang tent.

"It's okey.hey. ikaw yung nasermonan ni direk kanina di ba?" Tama bang ipaalala pa?

"Ah. Oo. Ako nga. Sige. Mauna na ako. Sorry ulit." Aalis na sana ako nang tinignan ko ulit siya. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako mahilig sa artista pero siya ang crush na crush ko. Hehe. Landi alert. Sorry naman. Hindi naman ako tulad ni Bea na wagas maging fan, ako yung mapanood lang siya ay sapat na, bonus nalang sa akin kung makita ko ng personalan katulad ngayon.

"I..ikaw si Sam Alarcon di ba?" Ngumiti siya at tumango.

"Yes I am." Gusto ko siyang yakapin. Ganto pala ang feeling pag nakikita mo yung crush mong artista. Kaya pala ganon kabaliw si Bea. Ngayon alam ko na.

"Sora." Inilahad ko yung kamay ko. Tinanggap naman niya ito. Ang lambot ng kamay niya halatang alagang alaga.

"Pasensiya ka na ha. Fan na fan mo talaga ako e." Tumawa ito ng bahagya.

"Parang kanina lungkot na lungkot ka tapos ngayon masaya ka na."

"Syempre nakita na kita ng personal.hehe." hindi ko napigilan ang bibig ko sa sinabi ko. Medyo nahiya pa ako.

"So. How are you now?" Inalok niya akong umupo muna sa bakanteng upuan na narito sa tent niya. Kami lang ang tao dito.

"Hmm. Medyo okay okay na. Nahihiya lang ako kasi gumawa pa ako ng eksena kanina." Napabuntong hininga ako. At hindi ako makapaniwala na kinakausap niya ako. Ang bait niya.

"Pasensiya kana kay direk, stress lang yun ngayon. Huhupa din yun at makakalimot sa ginawa niya. Ganyan lang talaga siya."

"Sanay ka na siguro sa ganto no?"

"Oo naman. Kailangang masanay. Hindi naman ganon kadali mag artista." Sa gitna ng pag uusap namin ay may dumating na staff.

"Sir Sam, tawag na po kayo ni direk." Tumayo na siya.

"Sige. Sunod na ako." Umalis na ang staff. Tumingin siya sa akin.

"You know what. Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sayo pero kailangan na kasi ako dun."

"Okay lang. Salamat sa time."

"It's nice meeting you, Sora." Lumabas na siya ng tent. Ganon din ako. Baka mamaya pagkamalan pa akong magnanakaw sa tent niya.

"Anong ginagawa mo diyan? Bakit nandiyan ka sa tent ni Sam?" Si Halimaw. Paglabas ko siya agad ang bumungad.

"Ha? Ah. Hinahanp ko kasi yung tent mo.naligaw ako." Umirap ang loko.

"Tanga ka ba? Ayun yung tent oh." Tinuro niya sa akin. Nasa tabi lang nitong tent. Natanga na naman ako. Pumunta nalang ako ng tent niya. Okay lang na magalit siya ngayon, masaya naman ako. Hehe. Nakita at nakausap ko na ang ultimate crush ko. Waah !!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Baliw ka na ba?" Haay. Lagi nalang kumokontra ang Halimaw na ito.

"Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?" Sagot ko sa kanya.
"Amo mo ako kaya dapat alam ko."
"Tss. Diyan ka na nga." Pagmamaldita ko. Nakakainis talaga ng ugali niya, akala mo kung sinong sikat. Mabait kapag ibang tao ang kaharap pero pag sa akin mala demonyo ang ugali. Grr. Nakakabanas talaga. Kung nandito lang si Ms. Jane edi mas maagan sana ang pakikitungo ko dito.

"Tara na. Umuwi na tayo." Sa wakas. Makakauwi nadin kami. Kaso paglabas namin ng tent ang daming fans na nakaabang. Yung iba may dala pang banner.

"Brave yourself Sora. Marami ka na namang haharangin." Sabi ko sa sarili ko. Nung nakaraang araw ganto din ang eksena namin. Wagas kung makatulak ang mga fans makalapit o mahawakan man lang ang idol nila. Ako naman ay naging panangga niya. Simula ng araw na yun lagi ng sumasakit ang katawan ko.

"Ang pogi mo Richard Collin" sigaw ng mga fans niya habang nadaan kami. Siya naman ay kumakaway. Minsan nag pipirma. Nagpapapicture at kung ano ano pa.

"Excuse me. Wait. Teka lang mga ate.'wag kayong magtulakan. Padaan kami." Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa mga fans niya. Ang kukulit. Parang walang nakikinig.

"Hoh! Finally. We're here." Wow. Siya pa talaga ang napagod. Sa dami ng fans niya ay ngayon lang kami nakasakay sa van.

"Are you okay? You look like a zombie. Haha." Pang aasar pa nito. Sinong hindi magmumukhang zombie? E halos itulak na nila ako palayo sa kanya para makalapit lang sila at makahalik o makamayan siya. Inirapan ko nalang.

"Tara na po Manong Nestor." Sabi ko kay Mang Nestor. Umaga kami nagpunta sa taping niya at hapon na ng matapos.

"Sa gym tayo." Nilingon ko siya. Hindi ba siya napapagod? Hindi nalang ako nagsalita.

"What? " taas kilay niyang tanong na parang may pinapahiwatig na ano? Magrereklamo ka?

"Wala." Bumalik na ako sa pagkaka ayos ko ng upo.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon