Chapter 4: Wanted: P.A.

6.1K 153 0
                                    

Sora's POV:

Alas singko na ng umaga, ako ang unang bumangon sa kanila. Bumaba na ako at tumungo sa kusina. Sanay na akong gumising ng maaga dahil maaga din naman akong pumupunta ng palengke para magtinda.

Tinignan ko ang laman ng ref. Karamihan puro process foods. Nagluto nalang ako ng Hotdog at itlog. Nagsaing na din at nag init ng tubig para sa kape.

Mga ilang minuto lang ay nauna ng nagising si Ate Brenda.

"Good morning Ate."

"Good morning. Ang aga mo namang nagising."

"Nakasanayan na po kasi. Nagluto nadin po ako ng umagahan niyo. Kain napo kau."

"Salamat Sora. Ngayon lang ulit ako makakakain ng umagahan dito sa bahay kalimitan kasi sa work place na ako kumakain minsan nalilipasan na dahil sa ka bisihan. Salamat ulit."

Umupo na siya at nagsimula ng kumain. Ilang minuto din ay bumaba na din si Buding este Bea.

"Good morning Bea."

"Huh?" Tanong ni Ate Brenda.

"Ate from now on, Bea na ang itawag nyo sa akin."

Umupo nadin siya at nagsandok ng kanin.

"Gaya-gaya." Sabi ni Ate Brenda sa kanya. Tumawa nalang ako ng kaunte. Sumabay nadin ako sa kanila sa pag aalmusal.

--*--

"Salamat Sora, ikaw muna ang bahala dito sa bahay ah. " sabi ni Ate Brenda.

"Bye Sora. See you later" pahabol ni Bea.

"Ok. Ingat kau."

Pagka alis nila ay nag linis na ako ng bahay. Ito nalang ang kapalit muna sa pananatili ko dito sa bahay nila.

Brenda's POV:

"Good morning"

"Good morning" bati ko sa mga nadadaanan namin ng kapatid ko. Nagpaalam muna ako sa director namin na malelate ako ng ilang oras dahil sa kapatid ko buti naman at naintindihan niya ako. Nasa 5th floor yung radio station ng network namin. Kakausapin ko yung naka assign para sa application ng kapatid ko. Akma naman sa natapos ng kapatid ko ang trabahong hinahanap nila.

"Good morning Sir."

"Oh. Ms. Dimaculangan, Good morning"

"This is Beatrice Dimaculangan, my sister. Mag aapply po siya sa position ng Radio Dj."

Tumango tango lang ang kapatid ko. Medjo jolly ito at madaldal kaya bagay sa kanya yung position.

Pinapasok na siya sa loob para ma interview. Iniwan ko na siya doon para makapunta na ako sa work place ko.

Kilala ako dito bilang masungit na floor directress. Nakaka stress kaya ang ginagawa ko. Hindi madali. Pero mabait din naman ako sa mabait.

Nagtataka ba kayo kung bakit single pa ako kahit na mag te-trenta na ako? Hah. May hayop kasing nanakit sa akin nun kaya di ko na nagawang magmahal pa. Yuck. Ang corny ko. Anyway, ayoko siyang pag usapan. Past is past.

"Ano ka ba naman chard ! Bakit mo naman kinalimutan yun? Di ba sabi ko sayo dalhin mo yun at importante yun?"

"Hah? Wala ka kayang sinabing dalhin ko yun. Pinaalala mo lang. Sorry kung nakalimutan ko."

Napahawak nalang si Jane sa Sintido niya.

"Ang aga naman niyang panenermon mo sa alaga mo?"

Napatalon siya sa gulat niya. Pero agad niyang inayos ang sarili niya.

"Go..good morning Ms. Brenda."

Bati sa akin ni Chard. Kilala ko na si Jane. Magkaibigan kami niyan. Mas matanda lang ako sa kanya ng ilang years. Parang ate na niya ako.

"Kasi naman itong si Richard e. ! Hmp! Kelangan ko na talagang maghanap ng Assistant para dito. Nakaka stress. Lalo na to." Turo niya sa kapatid niya .

"Kung sino pa yung kadugo siya pa ang pabigat !" Nag walk out naman agad siya.

Tinignan ko naman si Richard na cool lang ang dating.

"Bakit mo kasi pinapa init ang ulo ng ate mo."

"Tss. Sa akin ba isisi. Siya naman itong may kasalanan."

"Kahit na. Ate mo pa din siya."

"Ok po. Sige po." Nakahalukipkip itong umalis sa harap ko.

Haay naku. Magkapatid nga sila. Parehas ma pride. Teka ? Nabanggit niyang naghahanap siya ng assistant di ba? Ano kaya kung ipasok ko si Sora sa kanya. ? Tama. Ganun na nga.

Tinext ko nalang si Jane tungkol dun. Nireplyan namn niya agad ako.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon