Chard's POV:
Awts.
Bakit parang ang sakit nung sinabi niya sa akin kanina?
Pagdating namin sa bahay nila naglaba kaagad siya ng damit nila.
"Akin na yung mga damit mong marumi, isasabay ko na dito sa labahan." Kinuha ko naman yun at inilagay sa batsa na malapit sa kanya.
"Need help?" Prisinta ko sa kanya na nakaupo sa maliit na upuan na ang tawag nila ay bangkito. Gawa sa kahoy.
"Hindi na. Kaya ko na ito. Diyan ka nalang sa loob ng bahay." Nagsimula na siyang maglaba.
"Sora, mag iigib muna ako ng tubig wala na kasing laman ang mga drum natin at para nadin diyan sa lalabhan mo." Kinuha ni Tiyo Berto yung lalagyan ng tubig, Napatayo naman si Sora at lumapit sa Tiyuhin niya.
"Naku Tiyo, ako na ang mag iigib hindi kayo pwedeng magbuhat ng mabibigat baka mapano kayo." Sabi ni Sora.
"Kaya ko to.Para naman akong baldado nito. Simula ng maospital ako hindi na ako nakakatulong sa inyo. Pakiramdam ko tuloy pabigat na ako sa inyo." Pagdadrama nito.
"Tiyo naman. Para sa inyo rin naman ito. Hayaan niyo, kapag nakapag ipon ako at napaoperahan na kayo at gumaling pwese na kayong bumalik sa dati ninyong ginagawa pero sa ngayon, magpahinga lang muna kayo. Kaya ko na ito. " Ang bait niyang pamangkin.
"Tiyo Berto.." Lumapit ako sa gawi nila at kinuha ang dalawang basyo ng tubig.
"Ako po muna ang papalit sa inyo. Ako po ang mag iigib." Sabi ko ng nakangiti sa kanila.
"Sigurado ka hijo? Bisita ka namin dito at hindi ba bakasyon ang dinayo mo ?"
"Ayos lang po. Wala naman po akong ginagawa. Isipin niyo nalang na bayad ko ito sa pamamalagi ko sa inyo. Di ba Sora?" Tinignan ko siya.
"At isa pa, hindi dapat ginagawa ng babae ang mag igib, kaya ako na po." Ngimiti ako at gumanti din siya ng ngiti.
"Oh siya Sora, samahan mo siya sa may igiban."
Hindi naman malayo iyon sa bahay nila.
"What's this?" Turo ko sa hindi ko alam ang tawag basta nilalabasan ito ng tubig kapag tinaas baba ang mahabang tubo. Nakita ko kasing may nag igib kanina bago kami lumapit.
"Ang tawag dito Poso. Parang Balon din, ang pinagkaiba nga lang binobombahan ito para lumabas ang tubig. Ganito oh." Kinuha niya yung basyong hawak ko at tinapat sa bunganga ng poso at sinimulan ng magtaas- baba. At nakakatuwa dahil agad lumabas ang tubig.
"Try mo." Ako naman ang sumubok.
"Wow. Ganito pala ito. Ang galing." Parang nag gi-gym lang din pala ko nito. Nang mapuno na ay binuhat ko na iyon patungo sa bahay nila. Hindi na ako nagpasama sa may poso dahil alam konna ang gagawin ko.
Sora's POV:
Totoo ba talaga lahat ng ito? Itong mga nakaraang araw parang ibang Richard Collin ang nakita ko. Ang bait niya ngayon. Nakakapanibago.
"Where do I put this?" Sa magkabilang kamay ay buhat niya ang dalawang basyo ng tubig.
"Dito nalang sa batsa, gagamitin kong pambanlaw." Turo ko sa malapit sa akin na batsa. Agad din naman niyang isinalin iyon at bumalik muli sa poso. Nagpatuloy na din ako sa pag kukusot ng damit. Hindi uso ang washing machine sa bahay e.
Habang naglalaba ako,Bigla naman akong napaisip. Malakas ang kutob ko na may nakarinig talaga sa akin sa CR tungkol sa issue na bakla si Richard e. Nakakaguilty tuloy. Paano ko sasabihin sa kanya yun?
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanficMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...