[ Author's Notable Note:
Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng storyang ito.
Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya. Kauna unahang storya ko po ito na ipinublish dito sa watty. Thank you po.
And gusto ko magsorry sa mga wrong spelling, grammar at kung ano ano pang mali dito. Wala akong time para maiayos, paki intindi nalang.
Salamat din sa nag aabang ng mga chapters dito. Lalo akong ginaganahan sa inyo. Salamt talaga!
Kahit walang comment at vote kebs lang. Ang importante nag enjoy kayo sa pagbabasa.
SALAMAT TALAGA !
Enjoy reading. :-)
Wag madi-diss appoint sa ending ah. ]
----------*********---------
Chard's POV:
"Our Best Actor goes to.. Richard Collin! For the drama, Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin." Masigabong palakpakan ang dumadagungdong sa buong studio.
Umakyat ako at tinanggap ang award.
It's been a year...
Four years to be exact.
"Thank you for this award. Salamat sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sana hindi pa ito ang huli at madami pang award ang dumating. " nagpalakpakan muli sila.
"And, inaalay ko ito sa isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Kahit wala siya dito, sasabihin ko pa din ito. Sora, Ikaw ang naging inspirasyon ko at mahal na mahal kita. Yun lang. Thank you!" Bumaba ako at tumungo sa pwesto ko.
"Congrats my Son! Siguradong matutuwa si Sora niyan." Niyakap ako ni Mama. Kasama ko ang buong pamilya ko sa awards night na ito. At proud na proud sila.
"Oh no. I have to go!"
"Teka, hindi pa tapos yung awarding, nominated ka pa sa isang category." Sabi ni Ate Jane
"You can handle it Ate, thank you." Hindi na siya nakapagreklamo dahil umalis na ako.
Sumakay ako sa kotse at inilapag ko yung trophy sa upuan na katabi ng binili kong bulaklak.
Hindi na ako makapaghintay na ibalita sa kanya ito. Paniguradong matutuwa siya.
Apat na taon.
Apat na taon at ngayon ang araw na nangyari ang trahedyang iyon.
Hindi ko pwedeng makalimutan iyon.
Ang araw na..
*beeeepppp!!!
Busina ko.
Hindi ako pwedeng magtagal sa traffic na ito.
At buti naman ay umusad na.
Tumingin ako sa orasan.
"Packing tape! Lagot ako kila Tita G." Ilang minuto lang ay narating ko ang lugar.
Pinark ko ito sa tabi at bumaba. Naaninag ko si Tito Stanley. Umiiyak ito sa labas.
"Tito.Why are you here?" Pinunasan naman niya ang mata niya.
"Hindi ko kinaya kaya lumabas ako." Tinapik ko siya.
"Congrats, I heard the news." Ngumiti ito.
"Thanks po. Tara na po sa loob, baka hinahanap na po tayo ni Tita G."
"Ok ka na ba? Ayos na ba yang suot mo?"
"Ok na po ito Tito. Wala na pong time para magbihis e."
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...