Chard's POV:
"Ma. Please? Dito nalang kayo ni Papa mag work. Di na ako magpapasaway. Promise." Pagmamakaawa ko kay mama.
"Pero anak, napag usapan na natin to di ba? Don't worry. Para sa inyo din naman itong gagawin namin." Sabi ni mama habang pinupunasan yung luha ko. Medyo big boy na ako pero pagdating kay mama iyakin ako.
"Tama ang mama mo Chard. Para sa inyo ng ate mo ito. " sagot ni papa.
"Wag kang mag alala, pag may chance magbabakasyon kami dito." Tumango tango ako at nagkiss na sila sa amin ni ate bago pumasok sa loob ng airport.
"Ma." Bigkas ko sa bibig ko. Napanaginipan ko na naman ang eksenang iyon. Tss. Lagi nalang. Gusto kong imulat ang mata ko kaso ang sakit ng ulo ko at ang bigat ng braso ko.
Teka? Braso ko? Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko.
*dub dub *dub dub
Ang aga naman ng kalabog ng puso ko. Pero teka nga? Paano siya napunta dito? Hindi ko maalala ang nangyari kagabi.
Teka nga?
Wag niyang sabihing may nangyari sa amin? Dahan dahan kong iniangat ang kumot.
Nakadamit naman ako at ganun din siya. Maya maya'y gumalaw siya. Akala ko magigising na siya pero lalo pa siyang lumapit sa mukha ko. Naka angat ang ulo niya habang tulog na tulog at naka unan padin siya sa braso ko.
*dub dub *dub dub
Ano ba! Bakit ganto ang pakiramdam ko!
Tinignan ko siya sa mukha niya. Ang ganda niya pala pag natutulog siya. Napatingin ako bigla sa labi niya. May kapulahan ito. Nahalikan ko na siya dati pero hindi sadya iyon dahil aksedente lang.
*dub dub *dub dub
Yung mga labi niya, parang nang aakit. Hindi naman siguro masama kung hahalikan ko siya di ba? Isa pa tulog naman siya. Hindi niya malalaman.
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya at dinampi ang labi ko sa labi niya. Hindi ako nabigo at nagawa ko ang balak ko. Malambot ang labi niya. Hindi muna ako kumalas sa pananatili ng labi ko sa kanya. Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit dampi lang yun ramdam ko ang init sa katawan ko ngayon. Kikilos na sana ako para umalis sa posisyon ko kaso bigla itong nagising. Medyo bukas ng kaunte ang mata ko kaya nakita ko ang reaksyon niya. Halatang gulat na gulat. Nagkunwari akong natutulog. Agad siyang tumayo at nakita ko pang humawak siya sa kanyang labi.
At doon ay nagkunwari akong gising na.
"Oh? Sora. Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Ah. Ano kasi sir.." Halatang gulat siya. Tumayo ako at nginitian siya. Lumapit ako at hinawakan ang baba niya na animoy hahalikan.
"May panis na laway ka." Pabiro kong sabi at agad niya itong pinunasan.
"Haha." Pahabol ko pa at nagtungo sa kusina.
Sora's POV:
May naramdaman akong may nakadampi sa labi ko dahilan para magising ako. Pagmulat ko ng mata laking gulat ko ng makita kong magkalapat ang labi naming dalawa.
Shock?! Napatayo ako at napahawak sa labi ko.
*dub dub
Ilang minuto kaya kaming ganoon ang posisyon? Alam kaya niya? Naramdaman kaya niya? Patay!!! Nakakahiya pag nalaman niyang ganun. Baka sabihin niyang pinagnanasahan ko siya.
Pagtingin ko sa gawi niya ay nagising na siya.
"Oh? Sora. Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...