Chapter 34: Invitation

4.4K 125 0
                                    

Sora's POV:

Tapos na sa wakas ang shooting dito sa resort.

Pauwi na kami ngayon sa Manila.

At kung tatanungin niyo ako kung ano ang mga nangyari dito.

May awkward moment silang tatlo.

Kapag nakaharap sa camera ay parang magkakaibigan sila pero pag off cam, ayun. Ni 'hi ni 'ho', wala.

Mga artista nga sila.

Magaling sila magtago ng feelings nila.

Hindi ko lang alam kung may nakapansin na ibang tao.

At yung amo ko?

Heto, walang pinagbago ang mood. Mas lalong lumala ang kasungitan.

Akala ko pa naman bumait na siyang tuluyan. Hindi pa pala.

*sms tone

Binuksan ko yung phone ko at tinignan kung sino ang nagtext.

Mula sa gilid ng aking mata, nahagilap kong seryosong mukha ni Chard. Nakatingin lang ito sa unahan.

--***--
Sam Alarcon:
+63916******1

Call you later.

---***--

Call me later?

Bakit kaya?

Hindi kaya pag uusapan namin yung sa kanila ni Natasha.

Nireplyan ko naman. Ang sabi ko lang 'ok'.

"Who's that?"

Oh?

Akala ko hindi niya napansin.

"Ha? Ah. Si Bea. Ano.. Nangangamusta lang." Sensya na kailangan kong magsinungaling. Kapag nalaman niyang si Sam ang nagtext, magagalit na naman iyon sa akin.

"Ok." Matabang nitong sagot.

This time, sinigurado ko ng wala sa paligid ko si Chard. Baka mamaya mandilim na ang paningin nun sa kin.

Nagpaalam akong may bibilhin ako sa convenience store. Wala pang limang minuto ay nag ring na ang phone ko. Tinignan ko ang screen nito at hindi naman ako nabigo dahil si Sam nga iyon.

"Hello?" Umupo muna ako sa bakanteng upuan. Buti nalang wala masyadong tao dito.

[Hi]

"Bakit ka napatawag?"

[I just want to hear your voice]

*dub dub

Se..seryoso ba siya?

[Just kidding.haha.]

Tignan mo ito. Kinikilig na nga ako bigla namang binawi. Tss.

[Sora? Are you still there?] Hindi kasi ako nagsasalita sa kabilang linya.

"Ah. Oo. Nandito pa ako. Sensya na, may hinahanap lang ako sa 7-11" pagdadahilan ko pero wala talaga kasi natulala ako sa sinabi niya.

[Seryoso nato. Napatawag ako para sana i-invite ka sa wedding anniversary ng parents ko. Can you come?]

Parents?

"Ha? Hindi ba nakakahiya? "

[Actually, my mom wants to meet you... Nakukwento kasi kita sa kanya.]

Ano kaya ang sinasabi niya sa nanay niya.

Teka?

Ako? Kinikwento niya sa nanay niya?

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon