Chapter 36: Resign

4.6K 102 0
                                    

Sora's POV:

Para akong criminal na may kaso at iniimbistigahan sa isang silid na may ilaw sa aking mukha.

Kanina pa kasi siya palakad lakad sa unahan ko at tuwing titigil ay titignan ako ng masama.

*sigh

"Sorry." Para akong bata na humihingi ng paumanhin habang siya ay tuloy pa din sa paglalakad sa harap ko.

"Hindi ko siya matanggihan kahapon e."

Sa wakas ay tumigil na siya at humarap sa akin.

"Tingin mo dahil lang doon? Sora! Di ba ang utos ko sayo ay layuan mo ang lalakeng iyon?" Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapalayo sa lalakeng iyon.

Dahil ba sa may galit siya dito ?

Hindi naman ata tama na ipaglayo niya kami. Kaibigan ko yung tao.

"Teka lang ah. Ika-klaro ko lang. Ikaw ay boss ko, si Sam kaibigan ko. Wala namang masama kung magkaibigan kami diba?"

"Magkaibigan? " hindi niya ata alam ang salitang iyan. Tinaasan niya ako ng boses.

"Oo. Kaibigan ko siya. Magkaibigan kami." Wala siyang karapatang diktahan ako kung sino ang kakaibiganin ko.

Nag smirk siya sa akin.

"Sa palagay mo kaibigan ang habol niya sayo? Tanga ka ba? O sadyang tanga ka talaga."

*slap

Sumusobra na siya. Hindi porque boss ko siya ay pwede nya na akong pagsalitaan ng ganoong mga salita.

Dahil ba sa galing probinsya ako kaya malakas ang loob niyang sabihan ako ng tanga?

Hindi ako aanga anga para hindi malaman ang mga ganoong bagay.

Ano bang masama sa pakikipag kaibigan sa kaaway ng amo?

"Sumosobra ka na. Kung sa trabaho ko tatanggapin ko na tanga talaga ako kasi hindi pa ako sanay sa mga patakaran dito sa Maynila pero ang sabihing tanga ako sa pakikipag kaibigan ko kay Sam, hindi na tama yang kinikilos mo. "

"So, ano sa tingin mo ang tama?" Sarkastiko nitonv tanong.

"Pwede ba? Maging mature ka nga kahit minsan. Para ka kasing bata kung kumilos. Dahil kay sa isang babae nawala na ang pagkakaibigan niyo. "

"Wala kang alam Sora! Wala! Kaya wag kang makialam sa mga desisyon ko." Paaigaw nitong sabi.

Napupuno na din ako.

"Kung ganun, wag ka ding mangialam sa desisyon ko na maging kaibigan si Sam!" Hinawakan niya ako sa braso.

Ano? Sasaktan na naman niya ako. Idedemanda ko na siya. Hindi naman ako nagpatalo kaya nagpumiglas ako at nagtagumpay naman ako.

"Tandaan mo boss mo ako!"

"Oo! Boss kita! At tandaan mo din. Sweldo ko lang ang hawak mo, hindi buhay ko." Lumabas ako ng condo niya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Bahala na.

Makalayo lang sa lalakeng iyon.

Simula ng makita niya si Natasha nagkaganyan na siya.

Tumatawag siya sa phone ko pero hindi ko sinagot.

Bahala talaga siya.

Pinatay ko na lang para walang storbo.

Buti nalang at may pera pa akong pantaxi kaya umuwi muna ako kila Ate Brenda.

"Sora?" Ilang oras na akong nag aantay sa labas ng bahay. Gabi na ng dumating si Bea. Wala akong susi kaya hindi ako nakapasok agad.

"Bea. " Nangingiyak akong yumakap sa kanya. Binuksan niya ang bahay at umupo muna kami sa sofa.

"Anong nangyari sayo? Bakit nandito ka? Baka hanapin ka ni Richard. Teka? Umiiyak ka ba?" Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Magreresign na ako. Ayoko na." Inabutan niya ako ng panyo para pampunas ng luha ko.

"Magkwento ka nga kung anong nangyari. From the start." Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin.

Buti nalang at may kaibigan akong pwede kong takbuhan sa oras na ganito.

"Wow. Ganun pala siya." Oh ngayon, natauhan ka na sa iniidolo mo?

"Oh ano? Idol mo pa ba yung demonyong iyon?"

"Hmm.. Konti." Tss. Kala ko magiging hater na siya.

"Baka naman galit kalang kaya gusto mo ng magresign sa kanila. Isipin mo nga kapag nawalan ka ng trabaho saan ka kukuha ng panggamot ni Tiyo Berto mo? Di na ipapaopera mo pa siya?"

Oo nga pala. Si Tiyo Berto.

"Bahala na. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho. Hindi ko na talaga kaya ang ugali niya. Parang bata. Siya lang naman kasi nagpapahirap sa sarili niya. "

Himihingi na nga ng sorry si Sam hindi naman niya tinatanggap.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon