[ Note: Past = Italic Word ]
Sora's POV:
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag yung kaligayahan ko ngayon. Sa dami ba namang dumaan sa aming buhay.
Matapos ang nangyareng aksidente. Akala ko mamamatay na ako nung araw na yun, mukhang malakas yata kay Lord si Richard kaya heto, buhay na buhay ako.
Na-commatouse ako ng dalawang buwan. At sa dalawang buwan na iyon ay nandun lagi sa tabi ko si Richard. Inaalagaan ako.Sinabi sa akin ni Tatay yun kaya alam ko.
Matapos kong makarecover ay nag aral ako. Kumuha ako ng kursong Culinary Arts. Buo ang suporta ni Nanang at Tatay.
Simula ng pumasok ako sa school ay
Hindi ko na siya nakikita, sabi sa akin ni Ms. Jane fully sched siya.Siguro dahil sa dalawang buwan niyang pagbabantay sa akin nun at ngayon ay bumabawi siya sa oras na nawala sa kanya bilang artista.
"Balita ko may celebrity daw na tutugtog mamaya sa field."
Haay..
Foundation day namin ngayon kaya heto busy kami sa paggawa ng pagkain. Inasign kasi kaming magluto para sa mga Bisita sa school.
"Mamaya na kayo magdaldalan.Ok na ba yang Chicken Nuggets at Steak?" Tanong ko sa mga kaklase ko na kasama ko kusina.
"Yep! Malapit na to. "
"Oh, sige. Si Loisa nalang ang magdadala sa labas."
"Ahm.Sophia, wala naman na tayong gagawin mamaya baka pwedeng ma-date ka." Inirapan ko siya.
Sinabi ko na sa kanya na hindi ako nagpapaligaw dahil may iba na akong mahal.
At kahit hindi pa kami ay alam kong pareho kami ng nararamdaman.
Nag aantay lang ako ng tsempo.
Tamang panahon para sagutin siya.
"Ilang beses ko bang uulitin sayo Jake? May mahal na akong iba. Imbes na magsayang ka ng oras sa akin bakit hindi na lang sa iba tulad ni Yanah." Pagtutukoy ko sa classmate naming may gusto sa kanya.
"Oo nga Jake. Wag mo ng kulitin yan. May Richard Collin na siya.wahahaha!" Si Diana yan. Akala niya siguro ilusyon ko lang si Richard Collin. Hindi kasi siya naniniwala na siya yung tinutukoy ko.
"Hahaha. Tama na ang Ilusyon Sophia. Wala ka sa Soap-Opera. Ang hirap kayang abutin ang mga artista." Si Penny naman yan.
Silang dalawa ang naging malapit kong kaibigan dito. Lagi nila akong sinasabihang magising na sa katotohanan.
Bakit kasi ayaw nilang maniwala na kilala ako ni Richard Collin? Nagpakita na nga ako ng picture na magkasama kami pero ang sabi lang nila edited lang daw yun.
Pssh..
"Totoo naman kasi e. Bakit ba ayaw niyong maniwala na magkakilala kami?" Tanong ko sa kanila habang sinasalang ko ang susunod na dish na lulutuin ko habang yung dalawa ay ginagawa ang dish nila.
"Oh, eh, bakit hindi mo pa kami pinapaharap sa kanya ng personal?" Tanong naman ni Penny habang nagdedesign sa mga plato.
"Bu..busy kasi siya. Full sched siya. May Movie, drama, commercials at t.v. guesting siya ngayon.."
"See? Hindi mo siya maiharap sa amin dahil lagi mong rason na busy siya."-Penny
Bumuntong hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...