Chapter 58: Explanation

4.7K 109 3
                                    

Chard's POV:

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa ipinaubaya niya daw sa akin? E siya nga itong pinili ni Sora di ba?!

At kahit hindi niya sabihin pupunta padin naman ako sa Party kahit masakit.

"Nandito na tayo."Bumaba kami ng sasakyan at pumasok na kami sa loob. Dumiretso kami sa Garden doon daw gaganapin iyon.Sayang hindi kasama sina Mama at Papa, may inaasikaso kasi sila.

"oh Hi Jane!" Nakipag beso beso si Ate Jane kay Ate Brenda. Nandito din sila ng kapatid niya.

Oo nga pala. Malapit sa kanya sila Ate Brenda.

Nilibot ko muna ang mata ko. Madami nading tao. Karamihan ata sa kanila ay Kabusiness ni Tito Stanley at mga press na din.

Teka? Ano?

Bakit may press?

"Yow Bro!" Nandito din pala ang mga kagrupo ko.Nakipag hand shake ako sa kanila.

"Nakita niyo na ba si Sora?" Tanong ko.

"Hindi pa bro. Hindi pa siya lumalabas." Sagot ni Dale.

"Look. Nandito din si Natasha." Lumingon kami sa likod. Nandito din siya.

Ok na kaya sila ni Sora?

"Hello Guys!" Bati nito nang makarating sa gawi namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Alam kong ang panget ng dating ng sinabi ko. E, kasi naman oh. May ginawa siyang hindi maganda kay Sora and its so lame to see her here.

"Ininvite ako ni Tita G. " Sagot nito.

"And gusto ko ding makausap si Sora about what I did to her before.I want to apologize. " Hmm.. Mukhang sincere naman.

sana totoo siya.

"Oh! single ka na Natasha, pwede ka ng ligawan ni Richard." Tiningnan ko ng masama si Elyx.

"Wala na akong gusto kay Natasha, si Sora ang gusto ko." Diretso kong sabi.Nakatikim tuloy siya ng batok kay Sean. Buti nga.

"Don't worry boys, gusto ko pa din si Sam kaya wala pa ding pag asa si Richard kahit na manligaw siya." Seryoso ba siya? Well, seryoso din naman ako.

"Good evening Ladies and Gentlemen.." Naagaw ang attention ng lahat ng Magsalita sa mic si Tita G. Nakatayo ito sa may harapan na may nakalagay na Happy Birthday Sophia Raniel.

"Let's all welcome, Our birthday Celebrant for tonight, Sophia Raniel Makamandag." Nagpalakpakan kaming lahat at bumungad sa amin ang napakagandang nilalang.

*dub dub

Ang puso ko..

Ang bilis ng tibok.

"Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, sana po ay mag enjoy kayo. " Matapos ng maikling speech niya ay Pumunta na siya sa kinaroroonan ng Malaking Cake at hinipan lahat ng kandila na nakatirik doon.

Nakikita ko sa mukha niya ang saya.

Ngayon ko lang uli nakita yung ngiti niyang ito.

ngiting napakaganda.

"Happy Birthday!" Sigaw ng ilan.

Inalalayan siya ni Tito Stanley kasama si Sam. Makikipag meet and greet ata siya sa nga taong pinakikilala sa kanya ni Tito Stanley.

Masakit man pero ayokong ilayo yung tingin ko sa kanya.

"Pre, baka gusto mong tumingin sa iba, Mukhang nakaglue na yang mata mo kay Sora." Sabi ni Dale ng hindi ko man lang siya nililingon.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon