Chapter 30: Yakap

4.5K 109 0
                                    

Chard's POV:

Walang gusto si Sam kay Natasha?

Napakuyom ang kamay ko sa narinig kong iyon.

Sa loob ng dalawang taon, naglolokohan lang sila ganon?

Hindi ba niya alam ang mararamdaman ni Natasha at yung nararamdaman ko?

Nag ngingitngit ako sa galit sa narinig kong iyon.

Walanghiya siya!

Sasapakin ko siya hanggang sa mamanhid ang mukha niya kapag nakita ko siya!

"Chard." Nilingon ko si Sora at hinawakan ang braso niya ng mahigpit.

"Aah! A..aray.. Nasasaktan ako." Napapapikit siya sa paghawak ko sa kanya.

"Kailan pa?! Ha? Kailan pa niya sinabing hindi na niya gusto si Natasha? Kailan?!"

"Aray.. Cha..Chard. Bitawan mo ko. Ma..masakit." Nakita ko ang mukha niya na naiiyak na sa sakit.

*sob sob

Binitawan ko na siya at kumalma ako.
Sa sobrang galit ko kay Sam, napagbuntungan ko tuloy si Sora.

" *sob* matagal na siyang *sob* walang gusto kay Natasha. *sob* Gusto na niyang makipaghiwalay kaso *sob ayaw ni Natasha. Magpapakamatay daw siya kapag nagbreak sila " Umiiyak sa sabi ni Sora.

Nakayuko ito habang sinsabi sa akin iyon.

Did I hurt her?

Oh no!

Ayokong makakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko. Hinila ko siya at niyakap.

"I..I'm Sorry. Hindi dapat kita sinaktan. Sorry." Ngayon ay humagulgol na siya ng iyak.

"Bakit kailangan mong gawin yun ah? Pwede mo naman akong kausapin ng maayos e. Waaah! "

"Kaya nga magsosorry na ako e."

*dub dub

Weird.

What's that noise inside me?

Oh well, baka guilty lang ako sa nagawa ko kay sora tinignan ko yung braso niya. Namumula iyon dahil sa higpit ng hawak ko kanina.

Masakit nga.

And speaking of masakit. Dapat makausap ko si Natasha.

Sora's POV:

Ramdam ko parin yung sakit ng braso ko. Ang lakas kasi niya, pakiramdam ko tuloy nabali yung mga buto ko sa braso.

Kaya ginawa ko ay nilagyan ko ng ointment at binendahan.

Nag empake din ako ng damit.

Hindi ako maglalayas ah.

May shooting sila boss sa beach ng dalawang araw. Inayos ko na din ang gamit niya.

Nagpadrive kami kay Mang Nestor dahil may kalayuan iyon at kailangan niya ng pahinga.

Nang makarating kami ay may nereserve na kwarto para sa mga cast. Hiwalay kaming mga p.a.

"Wow! Ang ganda." Hindi ko mapigilang magkomento. Ang ganda kasi ng lugar. Sunod sa boracay ang kulay ng buhangin. Napakapino na parang pulbos at maputi din ito.

"Heto ang susi ng kwarto ko, pakidala nalang ang gamit ko. Mag papahangin lang ako." Kahit may benda ang kamay ko ay nagawa ko padin namang buhatin ang gamit ng amo ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad naman sa harap ko si Sam.

"Sora!" Katulad ng aming pagkikita, niyakap niya ako. Nasasanay narin ako sa ginagawa niyang iyon.

"Naku, Sam. Baka makita ka ni Chard. Baka samain ka. Pinagbabawal na kasi niya akong makausap ka o makipagkita man lang. Pati si Natasha ganun din." May sasabihin sana siya pero naudlot ng makita niya ang kamay ko na nakabenda. Hinawakan niya ito.

"What happen? Who did this to you?" May pag aalalang tanong niya. Hindi agad ako nakasagot.

"Sinasaktan ka ba ni Richard?" Nakita kong may namuong galit sa mukha niya.

"Naku. Hindi! Hindi naman sa ganun! Hindi lang niya sinasadya ang nangyari! Ano ka ba?"

"So siya nga ang may gawa niyan." Nagbuntong hininga siya.

"Sam. Alam na niya yung tungkol sa inyo ni Natasha at galit na galit siya sa iyo. Kaya pwede bang iwasan mo muna siya? Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa inyong dalawa."

"Sora. Hindi namin pwedeng iwasan ang isa't isa. Magkasama kami sa trabaho at mahirap yang sinasabi mo."

Napakamot ako sa ulo. Oo nga pala. Paano na ito. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda kapag nagsalubong ang dalawang ito.

"Pasensya na talaga Sam. Wala akong magawa para sa inyo." Muli ay niyakap niya ako.

"Wala ka namang dapat gawin. Hindi mo problema ito, sa aming dalawa ito. Wag kang mag alala. Magiging maayos din kami. " Kumalas siya at ngumiti sa akin.

Natsha's POV:

Am I selfish kung sabihin kong mahal ko si Sam?

Na siya lang ang gusto ko?

Na ayokong may iba siyang kasama maliban sa akin?

Pupuntahan ko sana si Sam sa room niya pero natigilan ako ng makita kong nakayakap siya kay Sora.

Gumilid muna ako para hindi nila ako makita.

Ngayon ko lang nakita ang mata ni Sam na may pag aalala habang hawak niya ang braso ni Sora na may benda.

Hindi ko nakita sa kanya yan nung mga panahong magkasama kami.

Am I jealous?

Ayokong bigyan ng malisya ang nakita ko ngayon.

May pinag uusapan sila pero hindi ko marinig. Muli niyang niyakap si Sora.

Pagkalas niya ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumapit sa kanila.

"Hon!" Tumingin sila sa gawi ko. Nag beso ako sa boyfriend ko. Tumingin ako kay Sora at ngumiti.

"Hi Sora."

"Hello." Umangkla ako sa braso ni Sam.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Sam sa akin.

Oo. Kanina pa ako.

Nakita ko nga ang pagyakap mo kay Sora.

"Nope. Kakarating ko lang. Pupuntahan sana kita kaso Nakita ko kayong nag uusap. Ano yung pinag uusapan niyo?" Pang uusisa ko.

"Nothing Hon. Nangangamusta lang ako kay Richard after what happened between us." Nag nod ako na parang iniintindi ko yung sinasabi niya.

Sana nga yun lang dahil ayokong maging karibal si Sora.

Prangka kung prangka.

Oo. Kilala ako na mabait.

Mabait naman talaga ako. Kung ano ang nakikita nila on and off cam ay ganun ako pero pagdating sa taong mahal ko, ibang usapan na yun.

"Ahm. Sam at Natasha, aalis na ako. Baka hinahanap na ako ng amo ko." Ngumiti ako.

Hindi ako plastic. Sa totoo lang, gusto kong maging kaibigan si Sora. Mabait kasi siya.

"Sige. See you around." Sabi ko.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon