Sora's POV:
[Salamat Sora! Salamat talaga!] Sige ang pasasalamat ni Chito sa akin habang mag kausap kami sa cellphone.
Gabi na ng tumawag siya sa akin para ibalita ang lagay ni Tiyo Berto. Sa awa ng Diyos, naging successful ang operation niya pero nasa ICU pa din ito dahil hindi pa siya nagigising.
Nakahinga ako ng maluwag sa balitang iyon. Hindi ko na nagawang makauwi doon dahil may inaasikaso ako dito sa Maynila. Sana nandun ako sa tabi nila at pinapalakas ang loob ng bawat isa.
Malaki ang pasasalamat ko sa Tatay ko dahil sa kanya nakaligtas ang mahal kong Tiyo.
Lumabas ako ng bahay at tumungo sa swimming pool. Umupo ako sa gilid nun at inilublob ang paa ko sa malamig na tubig ng pool.
Nakahinga na ako ng maluwag sa Tiyo ko pero may isa pa akong problema.
napabuntong hininga nalang ako.
Paano ko siya kakausapin kung ayaw naman niya akong kausapin?
Ang hirap niyang basahin.
"What's that Sigh for?" Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita. Tumabi siya sa akin.
"Tinatanong pa ba yun?" Para naman kasing hindi niya alam.
"Oh. Richard Collin. The Lucky Guy." Pinalo ko siya sa braso. Ang hilig niyang mang asar ngayon ah.
Kung hindi ko lang siya kapatid masasabi kong nainlove na ako sa kanya.
"Malapit na ang Birthday mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Shocks! Talaga? Paano niya nalaman? Ni hindi ko nga namalayan e. Buti pa siya naalala niya samantalang ako nakalimutan ko na.
Hindi kasi ako mahiliv tumingin sa kalendaryo e.
"Magdedebut ka na." Sabi niya sa akin. Tss. Baliw talaga.
"Tss. Tingin mo sa akin lalake?" mag bebente uno na kasi ako at sa pagkaka alam ko debut iyon ng lalake.
Tumawa siya sa pahayag kong iyon.
"Sa totoo lang ang hirap pa ding paniwalaan na kapatid na kita."Ngumiti siya sa akin.
"Lalo naman ako noh? Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng instant brother na artista." Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa pool.
Ilang minutong katahimikan ang bumabalot sa paligid.
"If you love him then tell him habang maaga pa." Basag niya sa katahimikan.
"Gabi na kaya, bukas nalang." Biro ko sa kanya. Muli, ginulo niya ang buhok ko.
"Seryoso ako. I know him. We are bestfriends before. He cannot resist you. I know and I feel that he is so damn serious to you. I know He loves you so much." Ngumiti ako ng pilit.
"Sana pakinggan niya ako. Mahal ko din naman siya pero ang gusto ko din ay dumaan siya sa tamang proseso." Alam niya na kung anong tinutukoy ko.
"I know at dadaan din siya sa akin kasi kuya mo ako.Haha." Pabiro nito.
"At bilang kuya mo, wag kang mag alala papahirapan ko siya. Haha." Naningkit ang mata ko. Alam kong biro lang yun. Hindi pa nga sila nagkakabati.
"Ah ganun?" Tumayo ako at tinulak siya sa pool.
"hahahaha!" Tinawanan ko siya habang nasa tubig siya.
"Sora?!" Hahablutin niya sana ang paa ko pero mabilis akong nakalayo sa kanya.
"Bleeh. Buti nga sayo. " Dinilaan ko siya na parang bata at tumakbo papasok ng bahay na parang bata.
Ang sarap ng may Kuya.
Chard's POV:
"Ay Sir. Wala na po si Sora dito. Nagresign na po siya." Nagdisguise akong pumunta sa restaurant na pinagtatrababuhan niya. Nagtanong ako kung nasaan si Sora pero nagresign na pala siya.
"Ganun ba? Ahm. May Address ba siyang naiwan dito? Di ko kasi siya ma-contact." Nag excuse siya sa akin at tinungo ang manager ng restaurant.
"I'm sorry sir, hindi po kami nagbibigay ng personal information ng aming mga crew."
"Miss, kailangan ko lang. please? "
"I'm sorry Sir hindi po talaga pwede." Kailangan ko ng gawin to.
Tinanggal ko ang disguise ko at alam kong nagulat yung manager nila ng makita kung sino ba talaga ako.
"Please maam? I'm Richard Collin and I'm begging you pahingi po ng address ni Sora.
Agad niyang kinuha ang isang listahan.
"Here. Ayan ang Address niya. Pwedeng papicture? Idol kasi kita." Nagpicture muna kami bago ko kinuha yung information pero agad ko ding sinuot ang disguise ko pagkatapos.
Nagdrive ako at tinungo ang Address. Tingin ko papaloob pa ito. Lalabas sana ako pero hindi ko natuloy dahil nakita ko siya na sumakay ng taxi.
Sinundan ko ang taxing sinasakyan niya. Hindi ko pinahalata na sinusundan ko siya.
Sa ilang minuto kong pagmamaneho napansin kong pamilyar ang nilikuan niyang subdivision.
At ilang minuto lang ay tumugil ang taxi at bumaba siya. Pamilyar ang lugar sa akin at hindi ako pwedeng magkamali.
Nakatigil ako ngayon sa bahay nila Sam.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela lalo na ng makita ko ang sumalubong sa kanya sa gate ng bahay.
Si Sam at hinalikan pa niya ito sa pisngi.
Nanggigil ako sa manibela at nahampas ko ang kamay ko doon dahilan para magbusina ito buti nalang at mabilis ako kaya naiyuko ko kaagad ang ulo ko.
Ilang minuto ay iniangat ko ang ulo ko at wala na sila sa paningin ko.
Kailangan ko pa bang humingi ng eksplenasyon kung nakita ko naman ang lahat?
Ano ba yung sasabihin niya sa akin?
Sasabihin niya na bang nagmamahalan na sila at dumating na sa puntong napakilala na siya sa magulang nito.
Sa puntong ito hindi ko na naman naiwasang hindi maluha.
heto na naman ako!
Sora? Bakit nahihirapan ako ng ganto?
Pambihirang Buhay to!
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...