Chapter 31: Perya

4.7K 107 0
                                    

Sora's POV:

"Action!" Sabi ni Direk. May scene sila na sa gilid ng dagat. Kanina ko pa napapansin na naka ilang take si Chard sa mga eksena niya.

"Mukhang matatagalan ang amo mo sa scene niya." Lumingon ako sa nagsalita.

"Sam." Lumayo ako ng kaunte. Napansin niya iyon.

"Bakit ka lumalayo?" Nakakunot noo niyang tanong.

Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko kailangan ko siyang layuan.

"Baka kasi makita tayo ni Chard na magkasama, magagalit sa akin yun. At Si Natasha, baka magselos." Ang kapal ng mukha kong sabihin iyon no?

Tinawanan lang ako. Mahina lang iyon kasi baka sawayin kami ng direktor. Bawal kasi ang maingay.

May naramdaman akong may humawak sa kamay ko.

*dub dub

Nilingon ko kung kaninong kamay iyon.

"Tara." Hinila niya ako palayo sa nag shoshooting.

Nang makalayo ng kaunte ay binawi ko ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta Sam? Di ba may shooting ka pa?"

"Tapos na yung eksena ko at bukas pa yung iba. Gusto ko sanang maggala dito sa lugar."

"Bakit hindi nalang si Natasha ang yayain mo?" Baka kasi may makakita sa amin na magkasama kami.

"Ka eksena nya si Chard, malamang mamaya din iyon matapos. Kaya. Tara na. Samahan mo na ako. Please?" Dinaan niya ako sa pagpapacute niya.

Ang gwapo niya talaga.

Nakaka inlove.

Joke lang! Hindi pwede.

"Oh cge na nga basta saglit lang tayo ha?"

Bumili muna ako ng sombrero at salamin sa mata sa malapit na sovenier shop para matago niya ang identity niya sa labas.

Sumakay kami sa sasakyan niya at lumabas kami ng beach.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya.

"Kahit saan. Basta sa maganda na lugar." Sabi niya. Nagtuloy tuloy siya sa pagda drive.

Ilang minuto lang ay tumigil kami sa isang perya. Mag gagabi na din kasi.

"Perya?" Sinuot niya yung binili ko bago kami bumaba at pumasok sa loob ng perya.

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta sa perya? " Dapat nga ako ang magtanong sa kanya. Mahilig ba siyang magperya? Di ba sa mga taong katulad ko lang ito? Alam niyo na, mayaman kasi siya. Hindi niya porte ito.

"Nakakapunta naman." Sa probinsya kasi namin tuwing pyesta ay may nagtatayo ng perya. Kami ni Bea ay pumupunta din, hindi nga lang madalas dahil marami akong ginagawa pagka uwi ko galing eskwelahan.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? Kailan ka pa nahilig sa gantong lugar? Hindi ba mayaman ka? Bakit hindi sa mga high class na amusement park ka namamasyal?" Ang dami kong tanong sa kanya. Kasi nga diba? Hindi ko lubos maisip na ang isang Sam Alarcon ay pumupunta sa ganitong lugar.

"My fans introduce it to me before. Nung una ayoko kasi I feel its not safe specially yung mga rides but when I tried, ok naman pala and one thing, mas tipid kaysa sa iba."

"Wow. Uso pala sayo ang tipid?" Pabiro kong sabi.

"Of course. Hindi porque lumaking may kaya ako ay hindi na ako marunong magtipid. Kailangan kong matuto din. " Sana lahat ng lalake katulad niya.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon