Chapter 35: Party

4.3K 109 0
                                    

Chard's POV:

"Here." May iniabot sa aking invitation card si Ate Jane.

"Kanino to?" Tinignan ko ang laman.

Invitation card galing kay Tita Geniva at Tito Stanley. Parents ni Sam.

Psh..

"Pumunta ka. Gusto kang makita ni Tita Geniva." Dahil magbest friend kami dati ni Sam kaya close na ako kay Tita G. Pero hindi niya alam na magkagalit kami ng magaling niyang anak.

Well, kahit ganun, nanay na ang tingin ko sa kanya kaya nakakahiya kung tatanggihan ko siya.

"Magbihis ka na at pupunta na tayo."

"Mauna ka na Ate, susunod na lang ako" Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto para magbihis.

"Sige. Sumunod ka ha? Tita is expecting you." Lumabas na ito ng condo ko. Papunta na dinsiguro siya.

Quarter to seven na ng makarating ako sa venue.

Tita has a big place. Sila kasi ang may ari ng hotel na ito.

May mga reporter sa labas pero hindi nila nagawang lumapit sa akin dahil sa mga gwardya na mahigpit na humaharang sa kanila.

Poor men!

Pumasok na ako sa loob at katilad ng ibang gathering, pabonggahan ang mga tao. Akala mo may pageant silang sinasalihan. Payabangan at pamahalan ng mga damit na suot. Tss.

May mga artista din. Yung iba nakatrabaho ko na.

Hayy.. Mga tao talaga ngayon oh?

Luminga linga ako sa paligid. Baka sakaling makita ko sina Tita G pero iba ang nakita ko.

*dub dub

Nakaramdam na naman ako ng kaba.

*dub dub

Napakunot noo ako at pinagmamasdan ang babaeng papalapit sa buffet table.

She's wearing a white dress. Simple lang iyon pero bumagay sa kanya.

Ayoko siyang lapitan baka mamaya kamukha niya lang.

Kaso, sa kilos niya palang alam mong siya iyon.

At hindi ko maikakailang maganda siya.

Well, maganda naman talaga siya pero mas maganda siya ngayon.

Teka.

Ano ba itong naiisip ko.

Sandali lang.

Ano bang ginagawa niya dito?
Sino ang nag invite sa kanya?

Si Sam.

Naikuyom ko ang kamay ko.

Sinabihan ko na siyang lumayo sa taong yun ang kulit talaga niya.

At ibig sabihin lang nito ay nagkikita at nag kaka usap pa sila. Siya siguro ang katext niya nung naaraang araw.

Lumapit ako sa kanya sa may table kung nasaan siya.

"Sora." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin ng dahan dahan na akala mo ay lalamunin ko siya ng buhay kapag nagsalita siya.

"... Chard?"

Sora's POV:

Oh-oh!

Bakit siya nandito?

Akala ko ba galit siya kay Sam?

Nakaramdam ako ng hiya kaya hindi muna ako sumubo. Nawalan din ako ng gana.

Umupo siya sa tabi ko habang nakayuko ako.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon