Chapter 13: Heartache

5.3K 112 2
                                    

Chard's POV:

That guy. Tss. Kapag nakikita ko siya naiinis talaga ako. Ayoko talaga sa katulad niya. Masyadong papansin at pagood boy. Kala mo kung sinong anghel. Akala mo kaibigan hindi pala.

***flashback***

2 years ago

"Pre, pwede pabigay ito kay Natasha?"

Iniabot ko kay Sam ang boquet na hawak ko. Crush na crush ko talaga si Natasha Anderson. Andito ako sa taping nila. Nahihiya kasi akong makaharap si Natasha. Nanginginig at nauutal ako pag nakakaharap ko siya kaya pinapadaan ko na lang kay Sam. Matagal na kaming magkakilala ni Sam. Galing siya sa pamilyang mga batikang Artista. Dugong artista na siya at ako naman nadiscover sa school na pinapasukan namin dati ni Sam kaya close kami. Para na nga kaming magkapatid. Alam niya ring crush na crush ko si Natasha. Tingin ko nga hindi na crush ang nararamdaman ko kundi love.

First time kong maramdaman ito although nagkaron na ako ng mga relationship dati pero iba yung nararamdaman ko kay Natasha.

"Ano na naman ang sasabihin ko?" Tanong ni Sam. Magkasama kasi sila sa show na ginagawa nila at alam kong nagkakausap sila ng madalas, hindi maiiwasan yun. Ilang beses nadin akong nakisuyo sa kanya.

"Pre. Sabihin mo galing sa secret admirer niya. Bahala ka na. Promise. Last nato." Oo. Last na'to kasi magpapakilala na ako sa kanya. Tatanggalin ko na ang hiya ko.

"Sige pre. Alis na ako at may rehearsal pa kami. Salamat talaga! I love you! Haha." Pabiro kong sabi.

"Baliw ka talaga!" Umalis na ako.
Dalawang araw na ang nakakalipas. Heto na ang tamang oras para magconfess sa kanya. May interview kasi yung cast ng show nila sa isang talk show. Oo. Tama. Magcoconfess ako on national television.

"Ok na ba?" Tanong ko sa staff nila na nag aayos ng question para sa mga cast. May siningit kasi ako.

"Yup. Pag nag que na ako, pumasok ka na. Ok ba yun?" Nagnod lang ako. Naka formal ako ngayon at may dala akong flowers.

"5,4,3,2,1!" Nagstart na ang show. May mga audience din sa studio. Ako naman ay nasa dressing room.

"Congatulations again sa inyong show!" Palakpakan ang lahat. Heto na malapit na. Hooh! Umalis ka kaba.! Yes! This is it.

"Before this show ends, may pahabol pa ako kay Ms. Natasha..." Na eexcite na ako.

"Ayon sa source namin, may nanliligaw daw sayo? Is it true?" Hiyawan ang mga tao sa studio. At ang ilang fans ay naghihiyawan.

"Yes.this past few days ay may nagbibigay ng flowers,chocolate and stuffs sa akin." Pag amin nito. Lumabas na ako ng dressing room at pumwesto sa tabi ng cameraman.

"Do you have any idea kung sino siya?" Ngumiti ito. Ang ganda ng ngiti niya.

"Yeah. Kilala ko siya." Wow. Really? Kilala niya ako? We've met once pero hindi ko alam na ganun pala katalas ang memorya niya. Lalo tuloy akong naiinlove. Akala ko magiging mahirap ang pagpapakilala ko sa kanya.

"Sino ba ito Ms. Natasha Anderson?" Ngumiti siya sa gawi ko.

"Si Sam Alarcon." Naghiyawan ang mga taong nasa studio lalo na ang mga fans nila. Nanlambot ako. Nabitawan ko ang flowers na hawak ko. Anong nangyari? Bakit ganon? Bakit ang sakit sakit.? Parang hindi ako makahinga.

"Alam ko namang sinasabi niya lang na galing sa secret admirer ko yung mga things nayon but I know sa sarili ko na sa kanya talaga galing yun." Hindi ko alam. Wala ako sa sarili kong lumabas ng studio. Hindi ko pinapansin ang mga tao na tumatawag sa pangalan ko.

"At ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko din siya."

"Gusto ko din siya"

"Gusto ko din siya"

"Gusto ko din siya"

Habang palabas ay mag eecho sa tainga ko yung sinabi ni Natasha.

Nagmukmuk ako maghapon sa condo ko. Hindi ko pinapansin ang mga tawag sa phone ko. Naglalasing ako. Nakailan na nga akong alak. May kumatok sa pinto at kahit medyo nahihilo ay nagawa ko pa itong buksan.

"Pre. Pwede ba tayong mag usap?" Napakuyom ang kamay ko. Nanggigigil ako hanggang sa hindi ko na kinaya kaya sinapak ko na. Wala akong paki alam kung may makakita man sa amin.

"Pare? Ang kapal ng mukha mong sabihan akong pare!" Tumayo siya at humarap sa akin.

"Pare, hindi ko alam yun. Wala akong alam sa.." Hinarang ko ang palad ko sa mukha niya para tumigil siya sa pagsasalita.

"Wag ka ng mag explain ok?! Wala na akong paki alam sa inyo! Umalis ka na! Ayaw na kitang makita! Hindi kita kaibigan!" Binalibag ko ang pinto at parang timang umiiyak sa likod ng pinto.

Bakit?

Bakit ganto kasakit?

Tinuring ko siyang kapatid tapos susulutin niya lang si Natasha?!
Naiinis talaga ako at ayokong makita ni anino ng lalaking umagaw sa taong mahal ko.

***end of flashback***

Yan ang rason kung bakit ayokong umaaligid siya. Ang nakakatawa pa, magkasama kami sa iisang project pero wag siyang mag expect na kinalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Kahit kailan mananatili ang galit ko sa kanya.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon