Chapter 20: Probinsya

5.4K 118 1
                                    


Ganun ba kasarap ang adobo ko kaya nagyaya itong amo ko na pumunta sa probinsya namin? Ano nalang ang sasabihin ko kila Nanang pag nakita nilang umuwi ako at may dala akong lalake. Baka mamaya pagkamalan pa siyang kasintahan ko.

"Tara na." Naka empake na ito. Hindi naman siya excited. Pagkatapos kasi ng pag uusap namin kahapon ay tinawagan niya agad si Ms. Jane tungkol sa plano niya. At ngayon din mismo ay pupunta na kami sa probinsya. Sinabi ko na din ito kila ate Brenda at Bea. Naiinggit nga si Bea pero sabi ko sa kanya na wala dapat makaalam sa plano niya lalo na at nasa radyo ang linya niya.

"Teka, one week lang tayo dun diba? Bakit parang ang dami naman yata niyang dala mo." Isang malaking maleta kasi ang dala niya, samantalang ako bag pack lang. Hindi na ako nagdala ng madaming damit kasi marami naman akong naiwang damit sa probinsiya.

"Ahm.. Kasi malay mo, magustuhan ko yung lugar at mag extend ako. " dahilan niya.

"Oh sige. " Nagpahatid kami kay Mang Nestor sa Pier. Magbabarko kami papunta doon. Tanghali kami bumyahe para madaling araw kami dumating doon. Ayoko din namang machismis kami ng mga kapitbahay sa amin. At syempre, naka disguise din siya.

"Why not mag cruise nalang tayo para mas private."

"Cruise? Ok na ito. Parehas lang yan."

"Para kasing hindi safe. Tignan mo oh, may mga..."

"Ang arte mo. Kung ayaw mong magbakasyon dun, edi bumalik nalang tayo sa condo."

"Hindi. Sabi ko nga, ok na ito." Sumakay na kami ng Barko. Para siyang bata na palinga linga.

"Aah.. Sigurado kang safe ito? Hindi kaya lumubog ito?" Tanong niya.

"Safe dito."

"Baka malakas ang alon."

"Normal yun sa dagat. Saan ka nakakitang dagat na hindi maalon?"

"Baka kasi.."

"Pwede ba Chard, kumalma ka lang." Naiirita kong sabi. Para kasing hindi siya mapakali. Parang ako tuloy ang amo ngayon. Nagyaya pa kasing pumunta ng probinsiya.

"Ok ka lang ba?" Napansin ko kasing pinagpapawisan siya. Pinunasan ko naman ang noo niyang pinagpapawisan.

"Ye..yeah. Hi..hindi lang ako sanay sumakay ng barko lalo na pag maalon." Halata nga. Para kasing nasusuka siya e. Inabutan ko siya ng plastic bag.

"Ano yan?" Tanong niya.

"Nasusuka ka na di ba? Oh heto. Dito ka magsuka." Kinuha din niya agad at tumalikod sa akin. Pumunta ako sa isang crew ng barko at nanghingi ng bonamin anti-hilo.

"Oh heto. Inumin mo para hindi ka mahilo." Ininom niya din ito. Nahiga siya at natulog.

Kalahating araw ang byahe kaya dapat matulog muna siya. Buti na nga lang at may t.v. sa barko atleast hindi boring.

At sa tagal mg byahe ay nakarating nadin kami ng bahay. Madaling araw na iyon. Tinext ko si Nanang tungkol dito at pumayag naman siya.

*tok tok

Buti nalang at walang kapitbahay ang nakakita sa aming pagdating. Bumukas ang pinto at si Nanang ang nagbukas nito.

"Nanang!" Niyakap ko si Nanang. Na miss ko talaga siya.

"Anak! Namiss kita. Anak ko!" Naluluhang sabi ni Nanang. At bago pa kami mag iyakan ay pinapasok niya na kami sa loob.

"Nanang, siya po pala yung boss ko sa Maynila." Nagmano siya kay Nanang. Malamig ang naging tungo naman ni Nanang

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon