Bago kami pumunta ng grocery store, dumaan muna kami sa isang 'pera padala' at dahil first sweldo ko, ibibigay ko lahat kay Nanang. Tumawag ako at sinabi kong nagpadala na ako ng pera.
Matapos nun ay nagtungo na kami ng grocery store. Napansin kong parang hindi siya nagsusungit ngayon? Kasi pwede naman siyang magreklamo kanina habang naghuhulog ako ng pera sa probinsya. Pwede din siyang magreklamo dahil mukha na siyang driver ko. Tapos sasamahan niya pa ako sa pamimili ng pagkain namin. Alam ko wala pa siyang nakakain. Hindi kaya may side effect yung beer na ininum niya nung gabi? Ibang iba kasi.
Nung kukunin ko na ang cart, nagrepresenta ito na siya na ang magtutulak. Hinawakan ko siya sa noo. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Ano ba Sora?" Hinawakan ko din ang noo ko.
"Parehas lang naman tayo."
"Huh?" Tinanggal niya na ang kamay ko.
*dub dub
Bakit ganun? Ang lambot ng kamay niya. Hindi ko pinahalata ang pagkuha ko sa kamay niya.
"Ang bait mo kasi ngayon, akala ko may sakit kalang." Nag smirk ito. Naku naman, baka mag iba pa mood nito.
"Baliw ka talaga. Halika na nga, bilhin na natin yung kailangang bilhin." At nauna na siya sa aking lumakad. Kinuha ko yung listahan ng bibilhin ko.
"Ano bang lulutuin mo?" Tinitignan ko ang paligid habang kausap siya. May nilalagay din siyang mga products.
"Ahmm... Adobong Manok." Sagot ko naman.
"Kailan ka natutung magluto?"
"Bata pa ako. Mga 10 years old."
"Ten? Ang bata mo pa."
"Ganun talaga. Mabilis ang panahon sa probinsya at sarili lang namin ang maaasahan namin."
"Sa gawaing bahay?"
"Hmm.. Mga 8 years old. Pinaghuhugas na ako ng pinggan."
"Seryoso?" Hindi siya naniniwala.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"On that age, naglalaro pa ako ng super mario sa play station."
"Well, sir.."
"Chard." Paglilinaw nito. Seryoso ba siya? Ayaw niyang tawagin ko siyang 'sir'
"Well, Chard. Magkaiba kasi tayo ng status in life. Ikaw laking mayaman, ako laking mahirap. In other words, langit ka, lupa ako."
"Aahh. Sa bagay. Magandang praktis din yan pag nag asawa ka. Maaasikaso mo ng mabuti yung mapapangasawa mo. Ang swerte niya." Asawa agad?
"Asawa? Agad agad?" Nakakatawa din siya oh?
"Oo."
"Hoy Chard. Wala pa sa isip ko yung ganung bagay nuh? Sa hirap ng buhay ngayon."
"Bakit? Pwede ka namang mag asawa ng mayaman."
"Ay grabe siya oh? Tingin mo sa akin? Pera ang habol sa lalake?" Parang tropa lang ano?
"Hindi naman."
"Isa pa. Gusto ko munang tulungan ang pamilya ko sa probinsiya. Madami pa kaming babayaran at pagkatapos ay mag iipon na din ako para sa pang aral."
"Ganun ba ka importante sayo ang pamilya mo?" Anong klaseng tanong yan? Kahit sino naman sa atin ang isasagot ay oo.
"Oo. Importanteng importante. Kahit hindi kami mayaman, basta makita ko na nanjan si Nanang, Tiyo at ang pinsan ko, masaya na ako. Sila ang inspirasyon ko sa pagtatrabaho ko."
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...