Chapter 23: Bukid

4.7K 116 4
                                    

Chard's POV:

For the second time around, siya na naman ang dahilan ng issue ko. Tapos tinanong niya pa ako about Sam Alarcon.

Tss..

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Maiinis ba ako sa issue or kay Sam.

Pwede ring pareho.

Aarrggg!!

Two years ago na yun bakit ganto pa din ang nararamdaman ko ?

Hindi pa ba ako nakamove on?

Ang bakla lang tignan di ba?

Tsss.

Maaga ako nagising ngayon or should I say, hindi ako nakatulog ng maayos.

Naiisip ko pa din kasi siya.
Si Natasha.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nagpunta ako ng kusina. Pasado alas kwatro na ng madaling araw.

"Magandang umaga pare." Si Chito. Ganito siguro ang taong taga probinsya, maaga nagigising.

"Good morning." Umupo ako katapat sa kanya.

"Gusto mo ng kape?" Hindi na ako nakasagot dahil pinagtimpla niya na ako.

"Kamusta ang pakikitungo sa iyo ng pinsan ko? Masungit ba siya?" Tanong nito sa akin.

"Hmm.. Medyo." Sagot ko. Tumawa siya ng kaunti.

"Haha. Ganun talaga yun pero pagtumagal mabait din yun. " iniabot niya sa akin yung tinimpla niya.

"Salamat." Sagot ko, tumango lang siya.

"Pero minsan nakakaramdam din ako ng awa sa kanya.." Nagsip ako ng kape habang siya ay nagsasalita.

"Lagi niyang inaalala yung kalagayan namin bago yung sarili niya lalo na ang tatay. Parang ama na niya si tatay. Ultimo utang dapat namin, siya ang nagbabayad pati ang pag papa opera kay tatay inako niya na. " Kaya pala ganun nalang ang pagta trabaho niya.

"Pare, maraming salamat sa pagtanggap mo sa kanya sa trabaho. Ang laking tulong sa amin. Lagi niyang binibigay sa amin ang lahat, wala na nga ata siyang tinira para sa sarili niya." Sa sinabi niyang iyon, wala pa ata sa kalingkingan niya yung nararamdaman ko. Napahirapan ko pa siya sa trabaho niya dati. Kung alam ko lang na ganto siya.

"Magandang umaga." Bati ni Tiyo Berto. Tumabi siya kay Chito.

"Good morning po."-ako

"Magandang umaga 'tay."-Chito

Tumayo na siya at kinuha ang sumbrero na nakalpag sa lamesa.

"Oh? Ang aga pa." Sabi ni Tiyo Berto.

"Kulang kasi kami ng tao sa bukid 'tay kaya kailangan maaga para mabilis matapos at hindi kami abutan ng hapon dahil mainit na." Tumayo ako at nagsalita.

"Tutulong ako." Sabi ko.

Sora's POV:

Alam kong galit siya sa akin. Hindi niya kasi ako pinapansin kagabi.

Haay..

Bakit ko pa kasi sinabi yun..

Pero kapag itinago ko naman ng matagal, lalo siyang magagalit sa akin.

*sigh

Mapapabuntong hininga na lang ako.

Mag aalas singko y medya na ng lumabas ako ng kwarto. Tumungo ako sa kusina para maghilamos at uminom ng kape.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon