Chapter 50: Kapatid

4.4K 108 3
                                    

Sora's POV:

"Oo Hon. Pauwi na kami. Salamat ha? I love you?" Pinatay niya na ang telepono.

Pagkatapos kong magdesisyon ay lumuwas na kami ng Maynila at hindi na kami nagtagal pa.

Nakasakay na kami ng Taxi at pauwi na sa bahay ni Sir Stanley.

Oo. Tama kayo ng nabasa.

Sa bahay ng Pamilya ni Sam.

Pansamantalang doon muna ako maninirahan para mas mabilis daw na maging malapit kami sa isa't isa ng tatay ko.

"Sir. Pwede naman ako kila Ate Brenda tumuloy." Tumingin siya sa akin.

"Pwedeng wag mo na akong tawaging 'Sir'? Just call me Dad."

Dad?

parang hindi ako sanay sa ganon.

"Pwedeng Tatay nalang po? Hindi po ako sanay sa Dad. Masyado pong sosyal." Tumawa ito.

"it's up to you my princess." Huminga ito ng malalim at saglit akong niyakap.

"Hindi ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Ang saya saya ko na sa wakas nagkita din tayo. Salamat, Anak."

"Wala po iyon.. Tatay." Lalo ata siyang namangha nung banggitin ko ang 'tatay' sa kanya.

"Sir. Nandito na po tayo.' anang taxi driver. Bumaba kami at Pumasok sa may gate. Naaninag ko agad ang mukha ni Tita G at Samantha. Nag aabang sila sa may pinto ng bahay nila.

Nang makalapit na kami ay walang paligoy ligoy na niyakap ako ng ginang.

"Welcome to our family, Sora." Kumalas ito.

"Thank you po Tita G."

"Welcome ate Sora. Sa wakas, may Big sister na ako. May kasama na akong magshopping. Kapag si Kuya kasi kailangan pang mag disguise."

si Sam.

Nasan na kaya siya? Hindi nila kasama e.

"oh siya. Pasok muna tayo sa loob." Pumasok kami sa loob. Dumiretso kami sa Dining Area.

"Alam kong pagod na kayo but you need to eat first kaya nagluto ako ng makakain naten."

Nagsimula na kaming kumain.

Napakabait talaga ni Tita G.

"Sora, naayos na namin ang kwarto mo sa taas. Ok lang ba kung Color pink ang wall? Suggestion kasi iyon ni Samantha."-Tita G.

"naku, ayos lang po kahit anong kulay, wala pong problema sa akin."

"Buti naman, mamaya ipapasama kita sa kasambahay na ituro yung kwarto mo. Oh siya. kain muna tayo."

"Ah. Sora, Pwede bang magresign ka na sa trabaho mo?" -Tatay.

"po? Bakit po?"

"Gusto ko kasing  mag college ka. Kumuha ka ng kurso na gusto mo."

"nakakahiya naman po. Masyado na po akong matanda para mag aral pa."

"Ate Sora, bata ka pa. May classmate nga ako sa school na nasa 23 na pero nag aaral pa. "- Samantha.

"Walang pi ipiling edad ang pag aaral Sora, Ako nga 30 years old na ako ng matapos ko ang masteral ko e. At isa pa, para sayo din naman ito. kaya Go! push mo na." - Tita G.

napaka supportive naman nila. Nakaktuwang isipin na kahit hindi nila ako kadugo ay pamilya na talaga ang turing nila sa akin.

"Ano bang kurso ang kukunin mo?" Tanong sa akin ni Tatay.

"ahm.. hindi ko pa po alam. Wala po akong ideya."

"Saan ka ba nahihilig hija? Yung passion mo? yung natutuwa ka kapag ginagawa mo iyon?"

"hmm.. mahilig po akong magluto."

"alam ko na Ate Sora, mag culinary arts ka. Yun ang kurso na bagay sayo."

"Hindi ba mahal ang tuition nun?" Alam ko kasi mahal iyon.

"Huwag kang mag alala sa tuition, ako ang bahala doon. So, ok ka na sa Culinary? Para naman maasikaso na natin yung requirements at ma enroll na kita sa semester na darating."

ang bilis.

mag eenroll ka agad?

Iba talaga kapag may kaya.

Sam's POV:

Samantha texted me, uuwi daw si Sora sa Bahay ngayon.

nag iisip ako kung pupunta ako.

kaya ko na ba?

kaya ko na bang tanggapin na magiging kapatid ko siya?

may magagawa ba ako?

Baka ito talaga ang nakalaan para amin. Baka hanggang doon lang talaga kami.

Magkapatid. Period.

Gabi na ng matapos ang shoot namin kaya napagpasyahan kong umuwi.

Gusto ko din siyang makausap.

Nang marating ko ang bahay, naabutan kong nagkukwento si Mommy kay Sora. Nandun din si Daddy at Samantha. Masaya silang nagkukwentuhan. Palagay na agad ang loob nila kay Sora.

"Kuya! You're here" Napalingon silang lahat sa akin.

"Hi mom,dad, Sora." Ngumiti si Sora.

Lumapit si Dad sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry Sam. "

"It's ok dad. Handa ko pong tanggapin. " Kumalas ito sa akin.

"Maybe we're not meant for each other as a lovers but I know we meant for being a sibling."

"Thats my son. " Lumapit sa akin si mommy at hinalikan ako sa pisngi.

"Thank you for understanding my son. "

"It's ok mom. Can I talk to Sora?" Tumayo si Sora at pumunta kami sa may pool side. Doon kami mag uusap.

"Kamusta ka na Sora?" Tanong ko sa kanya. Umupo kami sa may gilid ng swimming pool at naglublob ng paa.

"Heto, hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. Nag aadjust pa ako. Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong niya habang nilalaro ang paa niya sa tubig.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanonv niya.

"Heto, nag momove on sa nararamdaman ko sayo. " Tumingin siya sa akin.

"Mahirap man pero kailangan kong tanggapin na kapatid na kita." Ginulo konang buhok niya.

"Mas matanda ako sayo kaya tawagin mo akong kuya." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Nagkaroon ng konting katahimikan sa amin.

"Alam na ba ito ni Richard?" Nagulat yata siya sa tanong ko.

"Hala. Patay. "  napakagat siya sa daliri niya.

"Bakit Sora?"

"Wala akong cellphone kaya hindi ko nachecheck kung may text ba siya sa akin. Naku. Lagot. Nakalimutan ko siya. Ang dami ko kasing naiisip e."

"Sandali lang ha." Tumayo ako at dali daling tinungo ang kwarto ko. Naalala ko may extra akong phone kaya ipapagamit ko muna.

"Heto Sora, gamitin mo muna." Iniabot ko ang phone ko at inilagay niya ang sim card niya doon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Bakit Sora?"

"ang dami niyang text sa akin. Paano na ito. Lagot ako sa kanya. magtatampo na naman sa akin iyon. Ano ba yan!" Ganun siya ka Concern sa text ni Richard?

"Bakit ganyan ang pag aalala mo? Sabihin mo nga, may gusto ka kay Richard ano?" Napatigil siya sa tanong ko. Ilang minuto din iyon.

"Silence means yes." So, kung niligawan ko pala siya wala din akong pag asa.  haha. ba naman.

Ang lakas mo talaga Richard Collin.
Ikaw na!

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon