Chapter 21: Palengke

5.1K 109 1
                                    

Sora's POV:

"Ayos lang sayo ang ganyang itsura? Baka mamukaan ka nila?" Papunta kami ng Palengke ngayon para kami naman ang magbantay ng paninda namin dun. Hindi kasi siya naka disguise e. Baka kasi pagkaguluhan siya.

"Ok lang. Mas comportable ako na ganto."

"Sabi ko kasi sayo sa bahay ka nalang."

"Ang boring kasi dun. " bahala siya. Naglalakad lang kami papuntang palengke. Malapit lang naman kasi, mga 20 minutes lang nandun na kami. Bawat taong madadaanan namin ay napapatingin sa amin lalo na sa boss ko.

"Sabi ko sayo. Dapat sa bahay ka nalang. Pinagtitinginan ka tuloy." Sabi ko.

"Ok lang. Hanggang tingin lang naman sila." Ang yabang ah.

"Nanang, kami na dito, kumain muna kayo sa bahay." Nakarating din kami sa gulayan. Tumingin siya kay Chard.

"Ah.. Nanang gusto daw niyang sumama." Alam ko namang tatanungin niya ako kung bakit kasama ko ito.

"Bawal ang maarte dito sa palengke. Normal na ang amoy dito." Sabi ni Nanang.

"Sige. Kayo na ang bahala dito." Tinanggal na ni Nanang yung suot niyang apron. At umalis.

At dahil gulay ang tinda namin, hindi masyadong maamoy dito dahil may kalayuan ng kaunte ang wet section.

"Hello Sora! Aba. Di mo sinabi sa amin na umuwi ka na pala at may kasama ka pang Boyfriend. Ano yan? Mamamanhikan na ba?" Tanong ni Aling Choleng. Katabing gulayan namin.

"Ahehe. Kayo talaga Aling Choleng palabiro, Boss ko po ito. Nakikibakasyon lang."

"Boss? May ganyan bang boss? Super close?ayt!" Pang aasar nito. Tumingin ako kay Chard. Napapangiti nalang siya samantalang ako nahihiya na sa sinasabi ni Aleng Choleng.

"Kayo talaga Aling Choleng. Ang dumi ng isip niyo. Naging kaibigan ko na din po kasi Ito."

"Talaga? Sus. Wala namang boss ang sasama sa palengke ng ganto. Iba na yan Sora. Hihihi." Ngumiti nalang ako.

"Hayaan mo na siya. Ganyan lang talaga siya." Sabi ko.

"Ok lang. Wag mo nalang ako ipakilala na boss mo, sabihin mo kaibigan mo nalang ako."

Bawat bibili ay tinitignan si Chard. Yung iba nagpapacute lang.

"Ahm. Kuya, magkano to?" Turo niya sa pechay.

"Ah. Sampo isang tali." Sabi ko.

"Hindi ikaw ang kausap ko, siya." Turo niya kay Chard. Oww. Nagpapacute din pala itong si Ate.

"Ha?" Sagot naman ni Chard. Nag be-beautiful eyes pa ito. Tusukin ko kaya ng stick ang mata nito?

"Sabihin mo Sampo." Bulong ko kay Chard. Gusto ata siya ang magtinda.

"Ahh.. Sampo daw." Ngumiti pa siya dito.

"Aaayyyyiihhh!!! Sige. Bigyan mo ko ng limang tali." Sabi naman ng malanding babae. Tss..

"Heto, ikaw mag plastic. Ikaw ang guatong magserbisyo sa kanya e. " mataray kong sabi. Nakakainis kasi yung babae. Pacute ng pacute hindi naman bagay. Naaalibadbaran ako sa ganun.

"Hi pogi, pabili naman nito." May dumating na naman na higad.

Hanggang sa dumami na sila.

"Tama ba itong ginagawa ko?" Tanong niya sa akin.

"Oo. " sabi ko. Ilang minuto lang ay nangalahati agad ang tinda namin. Kawawa naman siya. Dinumog. Buti nalang at walang nakakakilala sa kanya dito masyado.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon