Chapter 9: Pizza

5.2K 139 0
                                    

Chard's POV:

"Teka lang Chard. Binigyan mo ba yun ng pambili ?" Tanong sa akin ni Dale. Bigla nalang siyang umalis nung inutusan ko siyang bumili ng kape. Tanga talaga. Haha. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay bumalik siya na hingal na hingal. Nakalimutan niya yung pambili. Haha. Gusto kong tumawa ng malakas. Ibinigay ko na din sa kanya. Matapos ang ilang minuto na paghihintay ay dumating na uli siya. She look messy. Pawis na pawis. Ibinigay niya yung pinabibili ko.

*light bulb!*

Sa oras na ito gusto ko siyang pag tripan para makabawi man lang sa ginawa niya sa akin. Pinabili ko ulit siya ng kape. Alam kong gusto na niyang magreklamo pero hindi niya ginawa. Sa pangalawang pagbili niya ay hindi ko na tinanggap. Ang dahilan? Mag pa practice na kami.

"You're too harsh bro." Sabi ni Mico sa akin. Nag smirk lang ako at nagpatuloy kami sa pag pa practice. Nang matapos ang practice ay nagpahinga muna kami. May tiawagan naman si Antonio.

"Mamaya na kayo umalis kakain muna tayo. Nagpa deliver lang ako ng Pizza." Sabi ni Antonio. Siya ang Mentor namin sa dancing. Iba pa yung sa singing. Bukas ang schedule namin dun.

"How's your new project?" Tanong sa akin ni Elyx.
"Hmm. Good. Malapit ng i ere." Sabi ko naman.
"So, how's the lading lady?" Tanong nama ni Sean.
"Wala pa kaming scene. Mamaya palang ata." Sabi ko. Maya maya ay may pumasok na na delivery boy. Inilapag namin yung inorder ni Antonio at kanya kanya kaming kumain.

"Kumain na ba yung p.a. mo?" Tanong sa akin ni Dale.

"I don't know and I don't care." Sabi ko.

"Call her Dale." Sabi naman ni Antonio. Tumayo na si Dale at tinawag si Sora. Umupo siya malapit sa akin. Naka bilog kasi sa pagkain at naka india sit. Gumaya siya sa pagkaka upo namin. Medyo naiilang pa ito. Kumuha ako ng Pizza at nilagyan ng hot sauce habang siya naman ay ini-interview ng mga kasamahan ko.

*light bulb*

Isusubo ko na sana yung pizza pero may naisip pa akong magandang gawin. Kinuha ko ulit yung isa pang sachet ng hot sauce at piniga itong mabuti sa pizza. Ikinalat ko iyon para hindi mahalata. Tignan ko lang kung hindi ka magsisisigaw sa anghang. Hahaha. Pakiramdam ko na gutom na siya at nahihiya lang siyang kumuha. Iniabot ko sa kanya ang hawak kong pizza.

"Wag ka ng umarte. Kainin mo ito." Kinuha nga niya iyon. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang. Maya maya'y nagpapaypay na ito sa anghang hanggang sa hindi ko na din nakayanan at tumawa na din ako ng malakas.

"Aa..ang a.anghang. *cough* *cough*"

"Ahaha. Para maanghang lang. Haha." Sabi ko sa kanya.Nakainom na siya ng tubig pero anghang padin siya rito.

"Hi..hindi .. A.. Ako.. Ma...kahinga." Nahihirapan niyang sabi. Sa puntong ito ay tumigil na ako sa pagtawa at sumeryoso na ako.

"So..sora. Wag ka ngang magbiro. Chilli sauce lang yan." Sabi ko sa kanya habang si Sean naman ay kumontak na ng ambulansiya. Maya maya'y bigla itong nawalan ng malay.

Nako. Napasobra ata ako. Lagot.

Sora's POV:

Pagmulat ng mata ko puro puti ang nasa paligid ko. Nasa langit na ba ako.?

"Sora! Thanks God you're awake." Sabi ni Miss Jane. Siya lang ang naabutan ko dito.

"Asan po ako.?" Tanong ko dito
"Dinala ka nila dito sa Ospital. Ano bang nangyari? Tinawagan lang ako ni Richard na nandito ka nga at siya naman ay dumiretso na sa taping niya." Loko talaga siya! Nakakainis. Maya maya'y dumating na yung doctor.

"Doc. Ano po bang nangyari?" Tanong ni Miss. Jane sa doktor.

"Buti at naitakbo kaagad siya dito kung hindi ay wala na siya." Naiiyak na ako sa sinabi ng doktor.

"Ano po bang nangyari dok? Wala kasi ako kanina. Kararating ko lang."

"Bawal kasi sa pasyente ang sobrang anghang na pagkain at ang dulot nun ay ang hirap niya sa paghinga na maaari niyang ikamatay."

"What?" Gulat na sabi ni Miss Jane.

"Pwede ka ng lumabas mamaya hija." Umalis na din ang doctor pagkatapos niyang sabihin yun.

"Bakit ka kumain ng maanghang kung bawal pala sa iyo.?" Nag aaalalang sabi ni Miss Jane.

"Hindi ko naman po alam na maanghang pala yung iniabot sa aking pagkain ni Sir Richard."

"Richard?" Galit niyang sabi at dinial ang number nito.

"Ano bang tumatakbo sa utak mo at ginawa mo yun kay Sora?!" Galit na galit si Miss Jane.

"Stop that childish thing! Nang dahil sayo masisira career ko!" Singhap pa ni Miss Jane sa telepono.

"Don't you ever do that again. This is the last ok?! " sa puntong ito binaba na niya ang Phone. At tumingin sa akin ng mahinahon.

"How are you now? May nararamdaman ka pa bang sakit.?" Concern niyang tanong sa akin.

"Wala na po. Kaya ko na po." Sabi ko.

"Oh sige ganto nalang. Dumiretso ka na sa condo unit ni Richard. Magpahinga ka muna doon okay? Lagot ako nito kay ate Brenda."

"Wag po kayong mag alala hindi ko po sasabihin kay Ate Brenda ang nangyari." Tama. Wala din akong ibang pagsasabihan. Baka mamaya makarating pa kila nanay ang nangyari at baka pabalikin nila ako doon. Paano nalang si Tiyo?

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon