Chapter 10: Sorry

5.7K 145 0
                                    

Chard's POV:

"Sorry. Ok? Sorry. I didn't know na allergy pala siya sa maanghang." Pagpapaliwanag ko kay Ate Jane. Totoong hindi ko sinasadya. Malay ko ba na bawal sa kanya yun? Nandito ako sa taping ko ngayon at sinesermonan muna ako ni Ate Jane bago ako isalang sa scene. Imbes na nag mememorize ako ng script, heto minememorize ko yung sermon niya. Just kidding.

"Wag ka sa akin mag sorry. Kay Sora ka magsorry!" Galit na sabi ni Ate sa akin. Kulang nalang ay umusok ang ilong nito sa galit.

"Naku. Naku. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo Chard. Paano nalang kung lumabas yun sa press? Ano nalang sasabihin ko? Ano nalang ang palusot ko?! My goodness.! Hooh!" Patuloy pa nito.

"Ok. Ok. After this taping magsosorry na ako. Can't you see ate? I'm busy." Kumalma nadin siya sa wakas.

"Ok. Good. Nasa Condo mo na siya ngayon at pinapahinga ko siya. Magsorry ka kaagad. I need to go." Nagbeso siya sa akin at umalis na.

"Sir Richard, tawag na po kayo sa set." Sabi nung isang staff.

"I'm coming."

3:00 am
"Bye Direk." Tapos na ang shooting namin ngayon araw. Inaantok na din ako. Buti nalang anjan si Mang Nestor para ihatid ako. Driver siya ng grupo namin pero hiniram ko muna siya dahil sa tadtad ang sched ko hindi ko na kakayaning mag drive at baka ma aksidente lang ako pag nabgyari yun. And one thing. May kanya kanya naman kaming sasakyan kaso saming lima ako talaga ang full sched kaya parang personal driver ko na si Mang Nestor.

"Sa Condo po Mang Nestor." Nag nod lang siya at pinaandar na ang sasakyan. Ilang minuto lang ang byahe namin papunta sa Condo ko. Pinauwi ko na din si Mang Nestor pagka hatid sa akin. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor number. Nasa tapat na ako ng Condo ko. Binuksan ko yun gamit ang susi ko. Pagbukas ko.

Wow. Ang linis ng condo ko. Nung iniwan ko ito parang may nakawalang masamang espirito sa gulo but now? It looks like a model house. I'm sorry if it sounds OA. Dideretso na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko na may nakahiga sa couch ko. Oh. Naalala ko na. Dito nga pala siya mag e-stay. Oh crap! Wala na akong privacy. Si Ate kasi! Kainis. Kaya nga ako bumukod sa mga kagrupo ko dahil gusto kong mapag isa. Nakakainis naman oh.

Lumapit ako sa kanya. Tinignan ko siya. Hmm.. Mukhang hindi naman nanggaling ng Ospital. Mukhang ok na siya. Ilang minuto ko pa siyang tinignan. Hmm.. Infairness to her. She's cute. Darn. What am I thinking? Erase! Bukas nalang ako magsosorry. Gusto ko nading matulog. Dumiretso na ako ng kwarto ko at nagpahinga.

Sora's POV:

Brrr... Ang lamig. Nagising ako sa lamig. Ang lakas ng aircon sa Condo na ito. Tinignan ko na din ang oras. Alas sais na ng umaga. Bumangon na ako. Iniayos ko na ang malambot na upuan na tinulugan ko. At ginawa ang morning rituals ko. (Maghihilamos, magmumumog, magtitimpla ng kape.)

Maayos na ako ngayon. Nakakahinga na ako ng maluwag pero hindi ko alam kung mapapatawad ko yung lalaking iyon. Buhay na pinag uusapan dito ano.

Nagtungo ako sa kwarto ni Halimaw para sana mag linis kaso nagulat ako ng makita ko siyang nakahiga doon na naka boxer lang. Napahawak nalang ako sa bibig ko. Nandito na pala siya. Anong oras kaya siya umuwi kagabi? Lumapit ako sa kanya.

"Tss. Mukhang Anghel pag natutulog, demonyo naman kapag gising." Bulong ko sa sarili ko. Totoo naman. Sayang. May itsura pa naman siya kaso mayabang. Malaking ulo.tsk. tsk. Mamaya nalang ako maglilinis dito sa kwarto niya .Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at ngayon naka mulat na ito.

"What are you doing here? Binubusuhan mo ba ako?" Napa awang ang bibig ko. Ang manyak naman ng pag iisip ng lalaking ito.

"Ano? Sa tingin mo pagnanasahan kita?" Naiinis kong sabi. Habang hawak niya pa din ang braso ko.

"Oo." Sagot niya sa akin. Aba. Sobrang yabang niya naman. Gwapong gwapo siya sa sarili niya.

"Bitawan mo nga ako." Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa akin. Aba. Talaga nga naman oh. Ginagalit niya talaga ako.

"Ano ba!" Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya.

*dubdub dubdub

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ilang inches lang kasi ang pagitan ng mukha namin. Pakiramdam ko pa ay namumula ang mukha ko. Nag smirk pa ang loko.

"Are you okay? You look red." Agad ko namang nabawi ang kamay ko sa kanya at tumayo ng maayos.

"A..akala ko ka..kasi wala ka dito. Balak ko sanang maglinis ng kwarto mo kaya ako pumasok dito. Si..sige. Mamaya nalang ako maglilinis." Aalis na sana ako ng nagsalita siya.

"I'm sorry" seryoso niyang sabi. Tatanggapin ko ba? Lumingon naman ako sa kanya. Mukha namang sincere siya. Hindi na ako sumagot sa tanong niya at dumiretso na ako sa kusina para ipag luto siya. Kahit masama ang loob ko dahil sa ginawa niya, hindi ko parin pwedeng baliwalain ang trabho ko sa kanya. Amo ko pa din siya.

Matapos kong magluto ay lumabas na din siya.

"Sir. Handa na ang breakfast. Kumain na po kayo." Tinignan niya ako ng seryoso. Tinignan din niya yung niluto kong pagkain paea sa kanya.

"Ayoko. Baka mamaya may nilagay kang lason diyan." Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. Napahawak ako sa sentido ko.

"Sa tingin nyo kaya kong gawin yon sa inyo?"

"Oo." Grabe siya. Ang pranka niya. Kumuha ako ng isang hotdog at kinain ko yun.

"Ano? Namatay ba ako?" Mataray kong saad sa kanya. Lumapit naman siya sa upuan at kumain. Nakakaloka siya. Nawala naman agad ang inis ko ng dumating si Ms.Jane.

"Good morning Ms.Jane." nakangiti kong sabi.

"Good morning.kamusta ka na Sora? Nagsorry na ba sa'yo si Chard?"

"Nagsorry na ako sa kanya Ate." Singit ni Halimaw este Sir Richard pala.

"Good. Anyway. Here." May iniabot sa aking gadget si Ms. Jane. Tablet ang tawag.

"Para san po?"

"Nandyan yung full schedule ni Chard. Ikaw muna ang maghawak.."

"Wait. Saan ka naman pupunta? You're my manager, our manager." Pagtutukoy niya sa grupo niya.

"Well, sa inyong lima ikaw lang naman ang problema ko." Magkapatid nga sila. Parehong pranka.

"Look Richard. I have my own business too. Hindi lang pagma manage sa inyo ang focus ko. Opening na ng pinagawa kong coffee shop and I need to be hands on for that." Nabanggit nga sa akin ni Ms. Jane yun. Sariling business niya pala yun at ngayon ang launching. Tumingin siya sa akin.

"So. From now on. Sayo ko ipagkakatiwala si Chard." Ngumiti siya sa akin.

"What? Ate?!" Tinaas lang siya ng kilay ng kanyang Ate.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon