Sora's POV:
"Ayun ang girlfriend ni Richard Collin." Sigaw ng isa sa mga reporter.
Rinig ko ang mga flash ng camera nila at mga tao sa paligid.
Matagal din niya akong hinalikan at pagkakalas niya sa akin ay agad niyang tinakpan ang mukha ko gamit ang suot niyang coat at lumakad ng mabilis palayo sa kanila hanggang sa makasakay kami sa tinted van na dala ni Ms. Jane.
Tulala pa din ako.
"What was that Richard?" Halatang galit na tanong ni Ms. Jane. Pagsakay namin ay nandito na siya sa Van. Nasa harapan namin siya.
"Ano na naman ito ha? Bakit pati si Sora dinadamay mo sa kalokohan mo?"
"Pwede bang kumalma ka nga?"
"Kumalma?! Alam mo ba yang sinasabi mo? Kumalma? Paano ako kakalma ha? Okay na sana yung issue tungkol sayo kaso may panibago na naman! Ano ka ba? Nag iisip ka ba?"
"Don't worry ate, I can handle this."
"Handle this? Paano si Sora ha? Hindi mo ba alam na maaapektohan siya sa ginawa mo? Nakuhanan pa kayo ng picture na naghahalikan kayo!"
"I just give them a proof. Hindi kasi sila naniniwala na may girlfriend ako and thats the only thing that I know just to believe them." Ang intense sa loob ng van. Parang wala ako sa gitna nila.
"My goodness Richard!"
"Don't worry ate, hindi naman nila nakilala si Sora. Natakpan ko naman yung mukha niya nung hinalikan ko siya." This time ay hinampas na siya ni Ms. Jane.
"Walanghiya ka! Yun pa talaga ang inalala mo."
"Aray ate! Ano ba? Nasasaktan ako. Ate! Ouch!"
"Ms. Jane. Tama na po. Tumigil na po kayo. " pang aawat ko. Buti naman at sinunod nila ako.
"Awat na po." Napasabunot nalang sa buhok si Ms. Jane sa inis.
Tahimik lang kami sa van hanggang makarating sa condo. Nagbukas ako ng social Media account ko.
Tinuruan ako ni Bea kung paano gamitin ito. Tinext nga lang niya kasi hindi kami gaanong nagkikita.
Nagbrowse ako at karamihan ng topic ay tungkol sa kanya at 'hastag who's that lucky girl' pa. Nagtrend pa iyon. Napbuntong hininga nalang ako. Nakaupo kami sa couch. Umalis na si Ms. Jane dahil kailangan siya sa coffee shop niya. Naiilang tuloy ako.
"Ahm..sir.." Tinignan niya ako ng seryoso. Oo nga pala, Chard pala dapat.
"Ah. Chard pala.." Pagtatama ko.
"Babe." Napakunot noo ako.
Babe?
"Call me babe sa oras na ipapakilala na kita sa lahat." Napanganga ako sa sinabi niya.
Seryoso?
"Ha?" Heto ba yung tinutukoy niyang concequences?
Yung magpapanggap akong girlfriend niya?"Magpapanggap ka na girlfriend ko." Sabi niya. Seryoso ba siya?
"Pero di ba sabi mo kanina hindi naman nila ako namukaan?"
Di ba? Ano pang sense kung magpapanggap pa ako, e hindi naman nila ako namukaan.
"In case lang, isa pa wag ka ngang magreklamo ikaw kaya may kasalanan nito." Nagtaas ako ng kilay.
Ano? Isisi ba sa akin.
"Remember kung hindi dahil sa sinabi mo na bakla ako hindi naman mangyayari ito kaya harapin mo ngayon ang concequences mo. " Hindi na ako nakapagsalita dahil tumungo na siya sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...